MBAD ( 20 ) : I'm the Daddy.

39.5K 758 62
                                    

MBAD ( 20 ) : I'm the Daddy.
 

Marjoneth POV

Inip na inip na ako! Grrrrrrr! Asar! Hindi ba nagugutom ang mga taong 'to? Are they even human!? Ang tao nagugutom! Aba halos apat na oras na akong nakaupo at nakikinig sa napawalang sense na talk na ito.

Goodluck na lang sa kanila kung may naiintindihan pa sila na walang laman ang mga tiyan nila, dahil ako as in zero information, kung bakit kasi ako pang pinadala dito sa Macau! Kainis si Daddy, pwede namang sila Kuya na lang ang ipadala! Bakit ako pa? Ang bunso minamahal! Hindi pinapahirapan! Aiyyt!

Pangalawang araw ko na dito sa Macau, ang buong akala ko mag-eenjoy ako yun pala mangangamote lang ako. Sa inis ko ay pumuslit ako at lumabas sa meeting hall, madilim naman kaya hindi ako kita.

Baduy ang parents ko, dahil may kasama akong isang body guard. Like iww kadiri, uso pa ba ang body guard ngayon!? Mabuti na lang at hindi niya ako napansing lumabas, bahala siya, hanapin niya ako kung mahahanap niya ako.

San naman kanya ako mamasyal? Pero bago yun, gusto ko munang kumain! Kailangan kong pakainin ang mga babies ko sa tiyan, bago ako ang kainin nila.

Tinignan ko ang get up ko, at napapahalumbaba na lang ako, naka high heels kasi ako at ang hirap maglakad, tapos etong dress ko masyadong maikli, hindi ako pwedeng mag-aakyat sa mga pader pader dahil masisilipan ako.

Ayaw ko pa naman sa ganitong get up, mas trip ko pa din ang converse at pant's, mas komportable.

Poise na poise akong naglalakad ng bigla akong matapilok, mabuti na lang at may maginoong sumalo sa akin.

Shockkkssss ang bango niya! Naku! Naku! Kailangan kong mag pa cute! Baka eto na ang hinihintay ko? Baka hindi para sa akin ang isa sa mga TGF shocks, kung alam ko lang na nasa Macau ang Prince Charming ko matagal na sana akong nagpunta dito!

" Tss. Palpak. " parang biglang naglaho ang pagpapantansya ko ng marinig ang boses niya. Nagtatagalog, tsaka yung boses na 'yon, boses ng isang lalaking nag menopause yun!

" Carl!? Anong ginagawa mo dito? " sigaw ko pagkakita ko sa kanya. Tinignan niya ako mula ulo hanggang pa, at inikutan pa ng mata na parang diring diri siya sa suot ko.

" Kung hindi kita sinalo malamang nasubsob ka at pinagtawanan na ng mga tao, at hindi uso ang thank you sa akin, utang mo ang pagligtas ko sa sa'yo. " napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Ako nagka utang? Kapal ng apog nito a.

" Sinabi ko bang tulungan mo ako? "

" Tch. Itikom mo yang bibig mo. "

" Tse ang pangit mo! " asar! Sa lahat naman ng pwede kong makita dito, e eto pa. Wala naman akong ginawang masama sa past life ko bat ginaganito niyo ako Lord? 

" Hoy san ka pupunta? " tanong ko sa kanya, naglakad kasi siya paalis, mukhang marami siyang alam dito sa Macau, pwede kayang maging tour guide ko siya? Babayaran ko na lang siya, tsaka ang boring pag mag-isa mong lumilibot. Parang engot lang.

" Sundan mo na ako, sanay na akong sinusundan ng mga babae. " hay, hindi lang masungit, mahangin pa, mayabang, matapobre, lahat na! kelan pa naging habulin ang isang katulad niya? Nakapagtataka talaga, siguro kinaibigan niya ang TGF para masama siya sa mga gwapings.

" San ka pupunta? Mamasyal tayo, ikaw lang ang kilala ko dito, kahit isang araw lang, maging mabait ka naman sa akin. " pakiusap ko, hindi ako makapaniwalang pinakikiusapan ko siya, kung alam ko lang talaga ang Macau, hindi na ako magpapatulong pa sa Carl na ito.

Mommy, Baby and Daddies? [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now