MBAD ( 11 ) : Jealousy?

41.5K 763 97
                                    

MBAD ( 11 ) : Jealousy? 

" San ba tayo pupunta Rui? " pinasadahan niya lang ako ng tingin at nginitian. Kasama ko si Rui ngayon, mas pinili kong sumama sa kanya kesa kay Mason, hindi ko alam pero feeling ko mas kailangan ako ni Rui sa ganitong panahon. At isa pa, naiinis ako kay Mason, naiinis ako sa tuwing makikita ko ang ilong niya, isang dahilan din yun kung bakit mas pinili kong samahan na lang si Rui.

" Sigurado ka bang wala kang gusto sa akin? " napaiwas ako ng tingin sa tanong niya, pakiramdam ko biglang nag-init ang mga pisngi ko. Ano bang nangyayari sa akin? Oo gwapo si Rui, pero hindi ibig sabihin nun gusto ko siya. Pero pag kasama ko siya, nagiging kampante ako sa hindi ko malamang dahilan, dahil na din siguro mas madali niyang maka close ang mga babae? Siguro nga, dahil lang dun.

" Wa-wala. Wala akong type sa inyo. " natawa siya sa sinagot ko.

" Si Mason? Hindi mo ba siya gusto? Si Carl gwapo naman siya, si Gion romantikong mabait. Ako? Ayaw mo ba sa akin. "

" Kasasabi ko lang, wala akong type sa inyo. " paninindigan ko talaga ang sagot ko, ayaw kong pumasok sa gulo, ayaw kong mamatay ng maaga, kaya mas maganda kung hindi ako magkaka gusto sa kanila.

Tumawa na naman siya ng malakas na parang nagjo-joke ako.

" Alam mo bang ngayon lang may humindi kay Mason, at nagpapasalamat ako dahil mas pinili mo ako sa kanya, feeling ko tuloy ang gwapo gwapo ko talaga. " napatingin ako sa kanya bigla, anong ibig niyang sabihing ngayon lang may humindi kay Mason?

" Lahat ng gusto ni Mason nakukuha niya, nabibigay sa kanya at salamat sa'yo dahil sa kauna unahang pagkakataon may humindi sa kanya. " napakagat ako sa ibabang parte ng labi ko, now I feel so guilty, mukha naman kasing okay na okay si Mason. Mukhang hindi niya kailangan ng tulong ko.

" Kaya ko lang naman ginawa 'yon ay dahil sa tingin ko mas kailangan mo ng makakausap, lalo na yung nangyari sa inyo ni Carl. " napayuko ako ng banggitin ko ang pangalan ni Carl, hindi na dapat ako nakikisali sa gulo nila pero kasi feeling ko may utang na loob akong kailangang tanawin sa kanila.

" Si Jasmine ba? Hindi ko na kasalan kung unang lumapit si Jasmine sa akin, she's not even my type, hindi ko tipo ang mga mahihihinhin na tulad niyo. Halatang walang ka thrill thrill ka make out. " halos mapalunok naman ako sa huli niyang sinabi, hindi mo na talaga matatanggal kay Rui ang pagiging babaero.

" Sino ba si Jasmine? "

" Girlfriend ni Carl. " tipid niyang sagot, so para sa kanya pala lahat ng damit na binili namin. Panigurado bagay sa kanya lahat ng damit na 'yon. Nakita ko ang mukha ni Jasmine, napaka amo nito, napa-isip tuloy ako, paano niya kaya natitiis ang ugali ni Carl?

" Bakit naman siya lumapit sa'yo, kung boyfriend naman niya si Carl. " tanong ko pa, hindi naman siguro masamang maging curious minsan sa ibang bagay.

" Because she wanted to surprise Carl to their anniversary, unfortunately Carl misunderstood everything. Palibhasa mainitin ang ulo ng lalaking 'yon. " tama si Rui, sa ugali ni Carl na meron siya halos lahat ng bagay dinadala niya sa init ng ulo niya, hindi lang siya masungit, madali pang magalit.

" I think you should talk to Carl, ayusin niyo ang gulo sa inyong dalawa bago pa ito lumala. " tinignan naman niya ako na parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

" Naririnig mo ba ang sarili mo? Ako na ang sinuntok ako pa ang kakausap? Ano siya sinuswerte? "

" Sorry, sa palagay ko lang naman-- "

Mommy, Baby and Daddies? [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now