MBAD ( 62 ) : Mean Mason

18.8K 486 78
                                    

MBAD ( 62 ) : Mean Mason

a/n : Thank you nonstopppp lovely readers! Medyo mabagal update but I'm trying my best to finish this story, promise to update every week. Sorry sa mga unreply messages dito both ( private and message board ) , I'm always on my instagram and snapchat, pwede niyo ako makausap dun haha. Just go to your instagram and search nizzaaa_ hihi. And my snapchat is izalovesredbull <- boyfriend did my accnt, he's urhh, wag niyo ng tawanan ang username ko. Hanggang dito na lang, di naman kayo nagbabasa ng author's note ih. Haha style niyo. Muah!

Marj POV

" Bessy okey ka lang? " tanong ko kay Irene habang paruot parito siya. Kanina pa siya hindi mapakali na parang may malaki siyang problema.

" Hindi pa kasi nagpaparamdam si Mason simula ng iwan ko siya sa school para samahan si Dri sa hospital. " nag-aalala niyang sagot. Napataas naman ng bahagya ang kilay ko sa sinabi niya. I flip my hair and cross my arms.

" E ikaw kaya si Mason at iwan ka ng girlfriend mo sa ere para sa ibang lalaki. Irene be sensitive naman. It doesnt mean na porke mahal ka ni Mason lagi ka niyang iintindihin. You also need to understand his feelings. " napaupo ng di oras si Irene sa sofa. Napapadalas kasi pasyal ko dito sa unit ni Irene. Ako din kasi may problema, hindi ko lang masabi kay Irene dahil mas mukhang matindi problema niya.

" Pero kasi kailangan ni Dri ng tulong, besides wala siyang ibang makakasama, alam mo namang mag-isa na lang sa buhay si Dri. " depensa niya.

" Wow ha. Bakit lumpo ba siya na walang paa? Bulag ba siya para di makakita, pipi ba siya para di makapagsalita? Kung yung iba ngang lumpo na walang kasama sa buhay kayang mabuhay, si Dri na pa ang yaman yaman. Wake up Irene. Ikaw din, sa huli baka ikaw din ang kawawa. " tumayo siya at napa buntong hininga.

" Pumasok na tayo, ma la-late na tayo. " pag-iiba niya. Hay nako, nakakainis na 'tong babaeng 'to. Tigas ng ulo.

" Hindi ka pa din ba nirereplyan ni Mason? " tanong ko, kahapon niya pa daw kasi tinatawagan at tinetext si Mason pero ni isang tawag or reply wala. Sa tingin ko may hindi magandang nangyayari.

Tinignan lang naman ako ni Irene at naglakad na siya palabas.

Tricia's POV

I keep on staring to Mason's face. He's sleeping in our house now. Dito siya tumuloy kagabi. Nagulat ako ng makita ko siyang nasa labas ng bahay and he looks so wasted. Lasing na lasing. I never saw him that drunk since that day na nawawalan na siya ng pag-asa na makita si Irene. And now. It happened again. I wonder kung anong nangyari.

Gumalaw siya at biglang bumukas ang mata niya. Our eyes met. Medyo nailang ako, " Morning. " bati niya in a groggy voice . Nginitian ko lang siya. Not to mention that it was a sexy groggy voice.

" Good morning. " bigla niyang inupo ang sarili niya at napahawak siya sa noo niya dahil sa sakit ng ulo. I hand him a glass of water at pinainom sa kanya.

" You were so drunk yesterday, at dito ka nagpunta. Just in case na wala kang maalala. " paalala ko sa kanya.

" I know. " maikli niyang sagot.

" Nandito ba sina tito at tita? " he asked pertaining to my Mom and Dad. Umiling lang ako. Dahil kung nandito sina Mommy and Daddy, wala ngayon si Mason dito. My parents want me to have distance with him. Alam kasi nila na break na kami and they don't like it.

" Something wrong between you and Irene? " lakas loob kong tanong. Alam ko naman hindi siya magpapakalasing kung hindi dahil kay Irene. Pinasadahan lang ako ng tingin ni Mason.

Mommy, Baby and Daddies? [ COMPLETED ]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz