MBAD ( 13 ) : Random Happenings

39.5K 733 37
                                    

MBAD ( 13 ) : Random happenings.


Gion POV

" Para kayong mga bata, bakit di kayo mag-usap? Babae lang 'yon. " pinasadahan ko ng tingin si Carl at Rui pero parehas lang silang parang walang balak na humingi ng sorry.

" Ano bang nangyari? " tanong ko pa pero walang kumibo. Tch. Malamang sa malamang mag-isa ko na naman magsasalita nito.

" Kausapin ko na lang ata si Jas, makikipag date na lang ako sa kanya mas maganda pa. " naramdaman ko ang mabilis na pag jerk ng ulo ni Carl sa akin. Kilala ko 'tong si Carl, stick to one kung magmahal.

" Subukan mo kung ayaw mong mamayang gabi. Palutang lutang ka na lang sa ilog Pasig. " banta niya. Psh.

" Nakausap mo na ba si Jas Carl? " pag-iiba ko, inilingan niya lang ako. Malala din 'tong lalaking 'to, masyadong ma pride, paano sila mag-aayos kung hindi niya uunahan.

" Anong balak mo? Tutunga? Hayaang maagaw si Jas ng iba? "

" Fucking no! " sabi ko nga, marunong kang maghintay sa himala, goodluck sa'yo.

" Tapusin na nga natin 'to. Nag-usap lang kami ni Jas nun. We did nothing, we just talk and eat, that's all. Para ka kasing babae, masyado kang assuming, pati sarili mong girlfriend pinag-iisipan mo ng masama. " para namang naging laser beam ang mata ni Carl at kamuntikan ng naging abo si Rui.

" Usap? Usap ba yung nakahawak ang kamay mo kay Jas? "

" Friendly gesture lang 'yon, alam mo namang sweet ako sa kahit kaninong babae. "

Papalit palit lang ako ng tingin sa dalawa, eto naman kasing si Rui, kahit sinong babae na lang, hindi naman siya ganito dati, hindi ko nga alam kung bakit bigla na lang siyang naging babaero, samantalang dati tahimik lang siya at pangiti ngiti lang sa mga babae.

Nahinto lang kami sa pag-uusap ng pumasok na si Ma'am. Nakapagtataka lang, kasi wala pa si Mason, sinulyapan ko din ang upuan ni Irene sa harapan, wala pa din siya.

Maya-maya lang bigla silang dumating, si Mason dirediretsong pumasok na parang walang teacher sa harapan, si Irene naman todo ang sorry sa teacher. Mabuti na lang mabait 'tong homeroom teacher namin ngayon. Kung hindi paniguradong dadalhin sa detention 'tong dalawang 'to.

Pagkatapos ng nakaka boring na klase ay naisipan kong lapitan si Irene. Ako pala ang nakatoka na bantayan siya ngayon. Nag-usap usap na kami about sa bagay na iyon.

Hindi dapat mawawalan ng kasama si Irene, kahit sino pwede niyang makasama huwag lang sa mga araw na nakatoka ka. Tuwing biyernes ang pinili ko para samahan siya, hindi ko nga alam kung bakit kailangan namin siyang gwardiyahan, si Mason lang naman ang nakaisip nito, para daw sa ikabubuti ng bata. Kung para sa baby naman ang rason bakit hindi.

" Tulungan na kita. May pupuntahan kaba? " naabutan ko kasi siyang nagliligpit ng gamit, napatitig naman siya sa akin or more on napatulala. Oo nga pala, babae din siya at kahit sabihin niyang wala siyang epekto sa kagwapuhan namin ay halatang nagsisinunghaling siya, expression palang ng mukha niya basang basa mo na. Wala atang babaeng hindi napapatulala sa amin.

" A--a-- wala naman. " nginitian ko lang siya at inagaw ang mga gamit niya.

" Good tara may pupuntahan tayo. " hinila ko siya palabas ng room, pero bago pa man siya makalabas ay hinarang na ako ni Carl sa may pinto.

" Ako munang sasama sa kanya. " napakunot ang noo ko, bago 'to a. Sa pagkaka alam ko asiwang asiwa si Carl na kasama si Irene.

" Kaw bahala, okay lang ba Irene? " tulala namang itinaas baba niya ang ulo niya.

Mommy, Baby and Daddies? [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now