MBAD ( 65 ) : Christmas. New Year. Surprise! ( PART 1 )

18K 372 44
                                    

MBAD ( 65 ) : Christmas. New Year. Surprise! ( Part 1 )

Irene POV

" Can you send this to Miss Letizia, tell her I need it in three minutes. "

" Ma'am we will start in 10 mins. Kindly gather all your models at the back stage. "

" Miss Irene, you need to sit at the front now. "

Hindi ko na alam kung anong uunahin ko. Windang na windang na ako, hindi ko pa mahanap si Letizia. Siya kasi ang event organizer. Masyado akong ginahol sa 1 week. After this show, christmas eve na. And I have nothing but myself, wala akong kasamang mag ce-celebrate ng pasko.

May tumatakbong blonde na papalapit sa akin. She's one of my model. At hindi pa siya nakabihis samantalang mag-uumpisa na ang show.

" What happened? " I ask

" I think I need to change my gown, it's not fitting to my body. " parang nag-init ang buong katawan ko sa sinabi niya. Jusko naman, sobrang ganda na nga ng damit na ibinigay ko sa kanya. Tsaka anong not fitting? Kahapon lang kami nag fit ng mga dress? Ano 'yon kumain siya ng lechon at di natunaw ang taba sa tiyan niya? Kahit kailan naman 'tong mga españyolang 'to ang daming arte.

" Ma'am Irene! The show will start in three minutes. We need you hereee! " halos pasigaw na sambit ng isa pang staff na hindi ko na maalala kung sino. They all spanish. But they know how to speak in english.

" I need to leave. Just walk with that dress. You look stunning actually. " papuri ko, uso kasi ata inggitan sa mga model na 'to. Hayss...

Iniwan ko yung model at nagpunta sa harap. Oras naman para magrelax ako, pero bakit ganito. Sobrang kinakabahan ako. This will be my biggest break as a designer. Hindi naman lahat ng hindi professional na husto ay nabibigyan ng ganitong break. I'm just so lucky that my former school here in spain helped me.

Nanuod lang ako, so far wala namang nagkakamali pa, yung tipong nadadapa or nagkakaroon ng wardrobe malfaction. All models did a great job! Dagdag pa na magaganda silang lahat. Minsan nga naiisencure ako sa height at tangos ng mga ilong nila. Pero okey lang. May Mason naman ako, wala ng mas gagwapo pa sa Mason of my life ko.

Kamusta na kaya siya? Nung hinatid niya ako sa airport obvious na obvious na naiinis siya. Kahit hindi niya ipakita ramdam na ramdam ko naman. He actually tried to come with me. But he wasn't able to book right away dahil nag expired ang passport niya. Isa pang dahilan para mainis siya lalo.

Halos hindi ko namalayan na tapos na ang show. Nagulat na lang ako ng hawakan ng katabi ko ang braso ko and she is gesturing me to go at the center. All people are clapping. Napangiti na lang ako. I did it. I made it.

Pagkatapos mismo ng show didiretso na sana ako sa apartment ko. I feel so exhausted, halos wala akong maayos na tulog. May mga lumapit sa aking malalaking tao. People from other countries congratulating me. Hindi mag sink sa akin ang mga sinasabi nila, ngayon ko na nauumpisang maramdaman ang pagod.

Tumakas ako sa lahat. We still have a party. And I just want a good sleep. Nag paalam ako na mag c-cr ako sa isa sa mga staff. I went straight outside and get a cab.

Pagdating ko sa apartment ko. Dumiretso agad ako sa kama at humiga and I reach out my phone to my bag and check the time it's 11:55 pm. Almost time.

Time to greet myself. " Merry Christmas Irene. You did a very good job. I'm so proud of you. " ngumiti ako at tinitigan ang cieling. Ano kayang ginagawa ni Mason ngayon?

Mommy, Baby and Daddies? [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now