MBAD ( 14 ) : Breath.

37.8K 712 37
                                    

MBAD ( 14 ) : Breath.

Gion POV

Nasa couch ako habang nanunuod ng tv dito sa kwarto ni Mason. Nakakainip talaga dito sa hospital kung hindi lang deluxe ang room ni Mason hindi ako magdadalawang isip na iwan siyang mag-isa dito. Hindi alam ng Lola niya na nandito siya. Dahil kung nalaman man ng Lola niya yun, paniguradong walang katapusang paliwanagan ang mangyayari.

" What do you think of her? " napatingin ako kay Mason sandali at ibinalik din agad ang tingin sa tv.

" Kanino kay Nami? " one piece kasi ang palabas. Kung si Nami man ang tinutukoy niya. Well she's sexy, but she's not my type. Ewan, pero hindi ako mahilig sa mga babaeng habulin. Gusto ko sa simpleng babae, yung walang arte. Yung hindi ganun kaganda pero maganda. A girl who can make herself beautiful without any effort.

Someone who's like.........

" Si nerd. " saad pa ni Mason. Si nerd? Paano naman napasok si Nerd sa usapan?

" Si Irene? " napaisip ako bigla, si Irene, maganda naman siya, konting ayos lang sa kanya okay na siya, kulang lang sa confidence ang babaeng yun, or talagang laos na fashion statement ang trip niya. But I think Irene is pretty, if only she could bring herself with confidence, lagi kasing nakayuko at parang walang tiwala sa sarili.

" Honestly I like Irene. " oo, gusto ko si Irene, wala lang, natutuwa lang ako sa kanya. Maybe because she's different from the other girls.

" Are you serious? " parang hindi makapaniwalang tanong ni Mason. Mukha ba akong hindi seryoso? Kelan ba ako hindi nag seryoso? Parang hindi ako kilala ng Mason na 'to.

" Serious. "

Matagal ko ng napapansin si Irene. She's a geek, a nerd, someone I've been watching for a long time. Ewan pero medyo attracted ako sa babaeng matalino, maybe that's the reason why I know her name. Hindi kasi ako ganung nakaka memorize agad ng pangalan at pag minsan pag tumagal na, I forget about them.

Pero si Irene, lagi siyang nag rerecite, lagi siyang tinatawag sa klase, hindi siguro napapansin nila Mason yun dahil wala naman silang paki-elam sa ibang tao.

" Type mo ang mga witch? " tanong niya pa, I smiled a little. A witch?

" No? I don't know. But think about her attitude, she's different from the others, kailanman hindi siya nagpakita ng motibo na may gusto siya sa atin, hindi siya sumasali sa mga cat fights ng dahil sa ating apat, she's so simple, sa sobrang simple niya, hindi mo alam na nag-e-exist pala siya. " tinignan ko si Mason at natahimik siya. Napapansin na din ba niya si Irene ngayon?

Alam kong may pagka mainitin si Mason, hindi niya gusto si Irene dati. Pero habang tumatagal parang nagbabago ang pakikitungo niya. Dahil may iba kay Irene, kahit ayaw mo siyang protektahan, may point na makikita mo na lang ang sarili mo, na gusto mo na siyang protektahan. Or dahil alam naming may responsibilidad lang kami sa kanya?

" What if you're not the father of the baby? " napahinto ako sa tanong niya at napaisip.

" What if it's Rui? Or Carl? " dagdag niya pa.

" Okay lang. Walang responsibilidad, I never wish to have a son at a young age, 18 palang tayo Mason. Ikaw ba? Gusto mo ng maging Daddy? " mabilis na kumunot ang noo niya sa tanong ko.

" Hell no! " mabilis din niyang sagot.

" And you know how much I love Tricia. Hindi ko siya ipagpapalit sa kahit sinong babae, even to that nerd. " dagdag pa niya.

Mommy, Baby and Daddies? [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now