MBAD ( 33 ) : Drastic Change.

35.7K 710 86
                                    

MBAD ( 33 ) : Drastic Change.

( wala ng back read sorry for the typo check ko na lang tom :D )

Marj POV

' Forever Alone? '

Naningkit ang mata ko ng makita ko ang botique na may pangalang forever alone. Ano 'to? Nananadya, pasara ko yang Shop na yan. Kasi naman, si bessy di ko ma-contact, akalain mo nga namang tumira na pala siya sa bahay nila Mason, nagkapapa lang nakalimutan na ang bestfriend, hay! Sabagay, ang boring din naman kasing kasama ni Irene, kakain lang ng kakain 'yong babaeng 'yun. Nagkababy lang naging patay gutom na, hindi naman tumataba!

Dahil curious ako sa botique at wala naman sigurong masama kung papasukin ko ay triny kong pumasok. Isang magandang babae agad ang bumati sa akin.

Puro mga damit na pang kikay at mga abubot pampaganda ang nandito. Anong pinapahiwatig nito? Na dapat mag-ayos ako para hindi na ako forevs alone?

" Ma'am bagay na bagay po sa inyo ang damit na 'to! " may pinakitang damit ang saleslady na dress na isang dangkal na lang makikita na panty ko. Dress ba yan? Napakahalay!

" Ate mukha ba akong prostitute!? " asar kong tanong, nakaka bastos si Ate. Asar ha!

" Ma'am para sa inyo po talaga 'to. " pagpipilit niya, kumunot ng husto ang noo ko. Ayaw kong magalit, pigilan niyo ako.

" Ate anong gusto mo? Magkatrabaho o matanggal sa trabaho? "

" Po? "

" Bakit ba pinipilit mong bagay sa akin yan? E halatang malilibog lang ang magsusunot niyan. " inis kong sumbat, medyo bastos si ate kaasar, sarap niya ibitin patiwarik! Hindi naman ako ganun kamanang manamit, mas manang pa kaya si Irene sa akin!

" Ma'am naka 50% discount po ito murang mura na 'to… " nagngingitngit na at sasabog na ilong ko sa inis, talagang ipipilit niya pa. Sasabog na sana ako ng bigla na lang may humablot sa damit.

" How much is this? " gandang boses, napaka manly, pag tingin ko sa humablot si Carl!

" 1k na lang po Sir. " sabi nung saleslady at may pakagat kagat pa siya sa labi na parang nagpapa cute kay Carl. Iwwww!

Inilabas ni Carl ang wallet niya sabay abot dun sa babae ng isang libo. " Ayan bayad, sa'yo na yan, mas mukhang kailangan mo yan miss. " ani Carl. Medyo in shock ako, sabagay itsura ni ateng walang papatol sa kanya kahit hubo't hubad pa siya diyan.

Mas lalo akong nagulat ng bigla kong maramdamang may kamay na humawak sa braso ko. " Ikaw. Despereda, hindi porke pangalan ng botique ay forever alone na may question mark matutulungan kanang magka bf. Tss… tayo na lang. " he paused sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa.

" Mukhang mapagtiyatiyagaan ka naman. " sambit niya sabay ngiti at hila sa akin palabas ng botique.

Irene POV

Parehas kaming nakatayo ngayon sa harap ni Lola Bee, mukhang seryosong seryoso siya, pagkatapos kasi ng hmmm… alam niyo na 'yong kiss >_< ay inuwi agad ako ni Mason.

" Sinabi ko na nga bang mangyayari 'yon, ikaw Mason! Bakit hindi mo sinasamahan ang asawa mo sa parenting class niyo!? Hayay! Mamumuti lahat ng buhok ko sa'yo. " napaupo pa si Lola Bee sabay facepalm at parang aburidong aburido sa apo.

Mommy, Baby and Daddies? [ COMPLETED ]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن