MBAD ( 34 ) : Who's She?

31K 587 79
                                    

MBAD ( 34 ) : Who's She?

( a/n : Bitin again. Next update on monday :D thank you sa inyo! Comments are super mega appreciated. Thank you din po sa mga nag follow. Love yah all! Happy V-day! )

Gion's POV

*yawn* Ang ingay. Puyat na puyat ako sa kausap ko kagabi online. Im not that desperate to have a girlfriend pero dahil sa bored ako ay nag try akong mag hanap ng pwedeng pagka abalahan. And I found the stranger chat app, cupid app DAW 'yon sabi ni google playstore. Wala namang masama kung i-tatry kong gamitin and in unknown reason kahit magulo dun at iba ibang lahi ang makakausap mo ay may isang pinay na natipuhan kong kausapin, masayang kausap e. Ang problema lang sa kanya masyado siyang misteryoso, pero dahil sa kanya medyo nakalimutan ko ang sampal ni Gia sa akin -_-. Buti pa yung stranger na 'yon napapangiti ako.

" Ang ganda naman ng kasama ni Mason. Is that her girlfriend? Akala ko ba nasa ibang bansa 'yon? "

" JUST OMG! SHE'S EFFIN' HOT AND GORGEOUS! "

Ilan lang yan sa mga sinisigaw ng mga lapastangan kong classmate -_-. Ang ingay ingay kitang may natutulog na gwapo.

" Gion sino ba sinasabi ng mga 'to? " kinalabit pa ako ni Rui at nag shrugged lang ako sa kanya. Kung si Tricia man 'yong tinutukoy nila, malabong mangyari dahil hindi na babalik pa si Tricia.

Pero teka?

Sino nga ba iyong tinutukoy nila? Napakamot ako sa ulo ko sa kyuryosidad, kung maganda 'yon pwedeng si Gia 'yon, pero bakit naman sasamahan ni Mason ang babaeng 'yun -_-

" Carl tignan mo nga kung sino 'yong kasama ni Mason. " utos ko kay Carl pero nakangiti lang siya sa phone niya habang may katext. Mukha siyang nasaniban, kaninang bago ako matulog may katext hanggang ngayon ba naman?

" Rui ikaw na lang. "

" Bakit hindi na lang natin sila hintayin dito. Siya din namang aakyat si Mason dito, malamang bitbit din niya 'yung sinasabi nilang mala diyosang babaeng yan. " napatango na lang ako, hindi lang naman pala puro babae nasa utak ng Rui na 'to, may utak din pala siya.

Dahil curious nga ako, sa may bintana sa may corridor lang ako nakatitig. Palakas ng palakas ang bulungan sa labas, hindi na nga bulungan pa e. Nakita ko na si Mason, katabi niya yung babae, buhok palang nung babae ulam na este oo diyosa na. Buhok palang mukhang mabango na.

Pagpasok ni Mason nakatitig lang ako sa babae. Shit! Sino siya?

Irene POV

" Mason okey lang ba talaga sa akin 'tong uniform ko? Hindi ako mapalagay, parang ang sikip sa akin, pero sakto lang naman. " kanina ko pa kinukulit si Mason sa itsura ko, ewan… nakakapanibago kasi parang hindi ako si Irene. Pati mata ko bagong bago, tinuruan kasi akong maglagay ng contact lense. Madali lang naman palang mag lagay.

Napabuntong hininga naman si Mason, nakahinto na din ang kotse nasa school na pala kami.

" Irene. " seryoso niyang tawag sa pangalan ko.

" Ano? Bakit may problema ba? " aligaga kong tanong, sana naman okey lang lahat. Sinusubukan ko talagang isaulo lahat ng itinuro sa akin nung bading at mga babae na kasama ko kahapon. At mamaya may kailangan na naman akong i-meet para sa piano lesson ko.

" Bababa ako, bubuksan ko ang pinto, ha-ha-hahawakan ko ang kamay mo, a-aish! " napa kamot pa siya sa batok niya na parang ilang na ilang sa sasabihin niya. Kanina pang pag gising ko weird si Mason. Ni hindi nga siya makatingin sa akin ng diretso, pakiramdam ko may mali sa itsura ko.

Mommy, Baby and Daddies? [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now