Chapter 4: Escape from the Prison-like Home

Start from the beginning
                                        


"Maaasahan niyo po ako sa bagay na 'yan Prof. Leizuko," sabi ko sa kanya. Ngumiti rin ako para hindi halatang iniisip ko na naman ang mga napansin namin sa bagay na iyon.


"Thank you," tugon ni Prof. Leizuko.


Bumalik na agad siya sa kanyang pwesto at sinimulan ang kanyang anunsyo para sa panghuling beta test ng Project: Virtualrealmnet.



"Everyone, I'm glad to announce that the final phase for the Project: Virtualrealmnet is successful! As we have observed earlier, the systems runs in right condition, the testers are well-oriented despite of the early incident and most of all everything runs smoothly and no anomalies happened while they explore the new utopia for the students, teachers and faculty staffs. Congratulations everyone," masayang pag-anunsyo niya sa aming lahat.


Matapos n'on ay binigyan kami ng mga kahong singlaki ng isang engagement ring box at ito ay inaayon sa anong paboritong kulay namin. Sakto namang itim ang inabot sa akin na may konting kulay ng langit sa gabi. Inabutan din kami ng isang babaeng hanggang balikat lang ang buhok na isa sa mga empleyado ng Sirius Tech ng mga naka-frame na certificate bilang patunay na isa kami sa mga naging parte ng matagumpay na proyekto. Hindi na rin namin magkalimutang magpalitrato bilang isa sa mga parte ng kasaysayan ng Sirius Tech.


Lumabas na kami pagkatapos ang konting pagdiriwang sa beta testing facility. Hindi ko maipaliwanag ang sayang naramdaman ko matapos ganapin ang ganitong klaseng beta test na unang beses kong sinalihan. Ang mga bagay na naisusulat ko sa aking nobela at nababasa ko lang sa libro ay biglang nagkakatotoo. Bago pa man magsimula ang ganitong pangyayari ay maaga na palang nanaliksik si Prof. Leizuko kasama ang iba pang magagaling na propesor. Sigurado akong hindi na rin magkakaroon ng problema ang mga estudyante pagdating sa usaping social distancing sa virtual world kapag nagsisimula na ang pasok.


Habang naglalakad papunta ng elevator ay aksidente akong bumangga sa isa pang propesor na may kulay lilang buhok na nakatirintas, 5'11 ang tangkad, mestisa at chinita. Hindi ko nga lang masyadong napapansin ang kanyang mukha dahil sa bangs niya maliban sa kanyang matangos na ilong.


"Pasensya na po," paghingi ko ng pasensya sa kanya at yumuko nang bahagya.


"Ayos lang," matipid niyang sagot. Agad siyang nagpatuloy sa kanyang paglalakad papunta sa isang silid upang magsaliksik. Sa tono ng boses niya ay mistulang walang kaemo-emosyon ito pero hindi ko na lang ito pinansin. Siguro ganoon lang talaga siya.


Mukhang pagkatapos ng beta test na ito ay babalik na ako sa bahay namin na hindi ko na alam kung bahay pa ba 'yon o isang selda. Hindi naman talaga ganoon dati pero sa isang iglap lang ay may dumating sa buhay namin na mismong makakasira sa lahat ng pinaghirapan ni Mama noon.


Pero kahit gan'on, kailangan kong sumunod sa mga batas upang hindi mahawa sa naturang sakit at tiisin na naman ang pagmamalupit ng pugita at pusit.



========



Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now