Chapter 3: A Test For the New Utopia

Start from the beginning
                                        

Napayuko ako nang konti nang may sumulpot na namang masakit na alaala sa isipan ko dahilan kung bakit bumibigat na naman ang pakiramdam ko. Napansin din agad ni Zoiren ito at biglang napalitan ng pag-aalala ang kanyang mukha.

"Ganoon ka rin siguro minsan ano?" pag-aalalang tanong ni Zoiren. "Doon sa pagsusulat mo at minsang paglalaro online?"

Tumango ako at saka sumagot sa kanyang mga katanungan. "Oo tama ka," I lift my head and smile at him a bit to see that I'm just ok and there's no need to worry about. "May naaalala lang din kasi ako kaya napayuko ako habang pinapaliwanag ang sinasabi kong teorya."

"I see," ngumiti sa akin si Zoiren. "Karamihan talaga sa atin ay dumaraan sa ganoong sitwasyon lalo na kung tungkol ito sa mga alaala ng nakaraan. Kahit ako nga rin ay isa mga taong 'yon."

Minsan ko na ring inilagay ang aking sarili sa kabilang mundo upang ilabas ang mga hinaing ng aking puso na hindi ko man lang mailabas sa bibig ko. Dulot din ito ng mga alaala sa aking nakaraan na ayaw ko nang balikan pa. Ewan ko ba. Para kasing hinahabol pa rin ako nito kahit sampung taon na ang nakakaraan.

Napatingin ako ulit sa aking student's window na kung saan nakapaskil pa rin ang mga misteryosong stats na para naman sa laro. Buti na lang at walang nakalagay na health parameter at mana parameter dito at baka iyon pa ang simula ng matinding kababalaghan sa virtual world kapag nagkataon. Hindi ko rin alam kung sinadya ba ng isang dalubhasa na ilagay ito sa aming student's window o sadyang nagkataon lang. I guess there's a weird thing to happen in this alternative world.

Maya-maya pa'y bigla kaming nakarinig ng isang napakalakas na sigaw mula sa loob ng hallway.

"Aaaaaaaaaah! Andy tulong!" natatakot na sigaw ni Ellah na agad naming pinuntahan sa loob. Napatigil kami sa may railings nang makita namin siyang nakakapit sa pangatlong palapag at konti na lang ay mahuhulog na siya sa oras na bibitaw siya sa bakal na siyang harang upang hindi mahuhulog ang mga taong dadaan dito papuntang ground floor lobby. Takot na takot siya at kailangan na namin siyang puntahan.

Natigilan naman ako nang makita ko sila Rupert at Lezmond sa itaas na hindi man lang siya tinulungang iangat at pinapanood lang nila ito hanggang sa mahulog. Nakaramdam ako ng inis dahil wala man lang silang pakialam. Siguro sinusubukan nilang alamin kung anong mangyari kung mamatay ang isang estudyante sa virtual world na ito. Napakuyom tuloy ako ng kamao at walang emosyong nakatingin sa kanila. Mabuti na lang at dumating na sila Andy na nakatayo sa aming kinalalagyan.

"Ellah!" pag-aalalang sigaw ni Andy. "Kumapit ka lang d'yan ok? We're coming!"

Pero bago pa man sila makapunta ng hagdanan ay napabitaw na si Ellah sa pagkakapit niya rito. Napasigaw ang iba naming mga kasamahan sa takot mula sa kanilang nasaksihan.

Hindi ko hahayaang may masaktan sa sitwasyong ito!

Walang anu-ano'y agad akong humakbang nang limang beses saka tumakbo at pumatong sa railings. Buong lakas at liksi kong ibinuhos sa aking mga binti upang tumalon nang mataas at sa kabutihang palad ay mabilis kong naisalo si Ellah at lumapag kami sa kabilang bahagi ng hallway nang ligtas at walang pinsala.

Agad akong nagtaka sa panibago na namang natuklasan ko. Bakit mas tumaas pa ang antas ng lakas at liksi ko? Hindi na ito pangkaraniwan para sa isang tulad ko. Basta ko na lang sinabi sa loob kong ililigtas si Ellah at nagawa ko nga ito sa loob ng tatlong segundo. Dinaig pa ang isang ninja kung kumilos.

I don't know if this is a bug or another set of a strange will power from my virtual identity.

Minulat agad ni Ella hang kanyang mga mata at nalaman na lang niyang kalong ko na siya mula sa pagkakasalo. Tumayo siya nang dahan-dahan ay inayos ang kanyang sarili. Niyakap niya ako nang mahigpit dulo ng sayang naramdaman niya at konting takot sa parehong dahilan.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now