Chapter 3: A Test For the New Utopia

Start from the beginning
                                        

"Opo Prof. Leizuko," sabi ko sa kanya at ngumiti.

Disregard? Something's weird in this situation. Parang nag-iba na naman ang pakiramdam ko nang makita ito sa window ko. But the question is, am I the only one who notices this unexplainable bug? I guess it's just normal especially for the students who are athletes.


========

Pumunta kaming lima sa open bleachers ng Arts and Sciences Department na kung saan nakaharap ito sa open field ng unibersidad. Abala naman ang iba sa pag-uusap habang ako naman ay nakasandal sa may haligi at may iniisip. Binuksan ko ulit ang aking student's window at tinignan ulit ang nasa avatar settings. Hindi pa rin kasi natatanggal sa isipan ko ang mga nakalagay na game stats sa student's window hanggang sa ngayon. Pati rin si Prof. Leizuko ay nagtataka at hindi alam kung sino ang naglagay nito.

Ang tanging alam ko lang ay isa itong online class gamit ang VRMMO technology para maipagpatuloy ang pag-aaral at wala nang iba. Iyan lang ang alam ko... sa ngayon.

Hindi naman sa nanghihinala ako pero may napapansin akong misteryo at kababalaghan sa sitwasyong ito. Sana man lang ay hindi iyon maghahatid ng kapahamakan sa iba at hindi iyon isang uri ng bug o malware. Pero sa kabila n'on ay nagiging matagumpay naman ang test na ginawa namin.

"Zenrie? Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Zoiren na papalapit sa aking kinatatayuan. "Parang ang lalim kasi ng iniisip mo r'yan at kanina ka pang nakatitig sa student's window. May problema ba?"

Huminga ako nang malalim at saka humarap sa kanya. "Parang ganon na nga Zoiren."

"Pareho pala tayo ng iniisip. Kanina kasi may napapansin din ako sa aking student's window. Para bang may nadagdag na impormasyon," dagdag pa niya.

Akala ko ba ako lang ang nakakapansin ng pangyayaring ito, may isa pa palang nakapansin.

Nagkasalubong ulit an gaming mga mata at tila nag-uusap kami sa isipan. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang parehong kutob na nararamdaman ko tungkol sa student's window. Ayos lang sana kung nakalagay iyon dahil isa ka sa mga atleta ng unibersidad, pero sa isang karaniwang estudyante ay nakakapagduda na.

Binuksan ni Zoiren ang kanyang student's window at parehong pinindot ang avatar tab saka ipinakita rin sa akin ito gamit ang kanyang dalawang darili upang ipuwesto ito sa kaliwa ko. "Napapansin ko rin ang mga ganitong stats sa aking avatar settings. Hindi rin ito pangkaraniwan para sa isang estudyante. Marami rin akong mga teoryang binuo tungkol sa ganitong klaseng bagay. Ayon din sa munting orientation ni Prof. Leizuko kanina, ibinase ang ating student's window ang ating student's account sa unibersidad at pati na rin ang sinasabing virtual self gaya sa leksyon ng asignaturang Understanding the Self," paliwanag sa akin ni Zoiren.

I knew it! Pareho rin ang teoryang pumuna sa isipan ko sa simula pa lang. Magkakasundo rin kaming dalawa sa imbestigasyong ito tungkol sa pangyayaring biglang sumulpot sa beta test. But when he mentioned the virtual self, I stop my self for a second. 'Yan din ang isa sa mga bagay na ayaw kong pag-usapan lalo na't may itinatago ako.

"Kung pagbabatayan natin ito sa usaping virtual self, sa tingin ko ay may iilang bahagi ng brain activity na kumukonekta sa kalakaran ng isang indibidwal kung sino at ano siya sa cyber world. It's just like a conversion of your self to the other alternative universe. Gaya na lang na isa ka palang sikat na vlogger, manunulat, artist, science geek, depressed na gustong tumakas saglit sa realidad, o kaya nama'y isang magaling na gamer, makikita nila ang ibang pagkatao mo sa pamamagitan ng virtual aspect na hindi makikita sa akwal na personalidad sa tunay na mundo. May mga tao rin kasing ipinalabas nila ang kanilang itinatagong bahagi ng kanilang saloobin sa teknolohiya. Sometimes cyber world is an alternative universe where everyone uses it as a gateway to escape from the sick reality," paliwanag ko sa kanya.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now