Chapter 3: A Test For the New Utopia

Start from the beginning
                                        

"Alam naman nating laganap ang pandemyang dulot ng RespiroRoachVirus sa buong mundo at sa oras na ito ay nagkaroon na rin ng ganitong kaso sa ating bansa at sa ating rehiyon na itala na rin ang mga ito na talagang nakakabahala na. Kaya isasagawa ng gobyerno ang community quarantine kasabay ng lockdown sa iba pang industriya at paaralan bukas dahil isa rin ito sa mga sinasabing mass gatherings at lubhang delikado ito. Ito rin ang dahilan kaya ilulunsad din nila ang blood at swab test upang titiyakin kung ikaw ba ay nagdadala ng naturang sakit o hindi. It is worse than a particular computer virus," paliwanag niya sa amin.

Mistulang nagiging orientation ulit ang kanyang mga paliwanag sa amin lalo na sa sakit na ito. Ipinaliwanag din niya sa amin na bago pa man pumutok ang pandemya ay naghanda na sila para sa proyektong ito kaya nagiging mabusisi rin ang kanilang pananaliksik dito at pumili ng sampung estudyante sa rehiyong ito. Nakakamanghang pagmasdan ang mga paliwanag para sa kapakanan ng mga tao lalong-lalo na sa mga estudyanteng gusto ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap.

If the final phase of the beta test becomes successful, the government sectors will propose this as the new alternative learning system and distribute this gadget to the qualified students for free. Sila na rin ang sasagot sa lahat ng gastos at wala itong pandaraya o scam gaya ng pinag-usapan namin sa van.

Habang nakikinig, napansin ko rin ang parehong marka sa gilid ng mesa at pinindot ito. Lumitaw din sa aking harapan ang isang holographic screen at keyboard. Parang ganito lang sa mga nabasa kong sci-fi series at talagang napakaastig nito. Binuksan ko rin ang aking student's window at pinindot ang avatar bar. Tumambad sa akin ang isa pang window na may buong larawan ng aking body silhouette at may mga detalye pang nakalagay sa ibaba. Maliban sa mga pangunahing detalye gaya ng pangalan, unibersidad, taon at college program, may schedule rin ng klase ko sa tabi ng aking avatar at isang costumizer na kung saan pwede kang magpalit ng damit, at isang item inventory. May code ring nakalagay sa ibaba kung sakaling gusto mong tumambay sa dorm ng virtual world.

Ngunit ikinagulat ko nang makita ko ang mga napakapamilyar na bagay sa aking mga mata ang makikita lang sa laro. Paano sumulpot dito ang mga stats gaya ng strength, agility, speed at intelligence? Pati rin skills?! Ito rin ba ang dahilan kaya naging mabilis ang takbo ko at lumalakas ang mga pandama ko?

"Zenrie ayos ka lang?" tanong sa akin ni Zoiren na pumukaw ulit sa aking atensyon.

Inalis ko kaagad ang window nang magsalita siya. "Oo naman Zoiren. Mamaya na lang tayo mag-usap."

"Ok."

Anak ng tinapang giliw! Paano sumulpot ang mga 'yon sa window ko? Kahit hindi 'yon available sa window at hindi gumagana ay nakakabahala na rin sa sitwasyong ito. Hindi naman siguro ito isang bug 'di ba?

Matapos magpaliwanag ni Prof Leizuko sa mga paraan kung paano mag-log in at mag-log out sa virtual world, lumabas na ang iba pang beta testers sa silid maliban sa akin. Lumapit agad ako kay Prof. Leizuko at dinulog ang tanong tungkol sa student's window.

"Prof. Leizuko? Can I ask you something?"

Lumingon siya sa akin at kinausap, "What is it Zenrie? May tanong ka ba tungkol sa orientation?"

"Opo sana pero tungkol po ito sa napansin ko sa student's window." Binuksan ko ito ulit at saka ipinakita kay Prof. Leizuko ang tungkol sa napansin ko sa window. Bakas sa kanyang mga mukha ang pagtataka nang makita niya ang game stats sa avatar settings ng aking window. Binusisi ito ng mabuti at saka binigay agad ang kanyang sagot.

"I see. 'Yan din ang aking napansin sa mga nakaraang beta test. But just disregard it as for now. I still don't know who's responsible for putting this on the student's window. Pero kapag may natuklasan ka tungkol dito ay sabihan mo lang ako. I know that you have an ability to investigate and unlock mysteries of a particular whereabouts," sabi niya sa akin at hinimas ang ulo ko.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now