Bigla na lang lumapit sa akin si Ellah at agad akong niyakap sabay tili na parang nakakita ng isang artista. Ito rin ang ikinagulat ko nang makita ko siya. "Whaaaaaaa! Zenrieeeeeee! Hindi ako makapaniwalang isa ka sa mga beta testers ng Project: Virtualrealmnet! Alam mo bang isa ako sa mga tagasubaybay ng nobela at blog mo? Hindi ko inakalang makikilala kita sa personal! Kyaaaaaaaa!"
"S-Salamat," nauutal kong usal, "Hindi rin ako makapaniwalang magkasama rin tayo rito sa beta test at isa pa sa mga tagasubaybay ko sa larangan ng pagsusulat." Nakangiti ako sa kanya at hindi ko rin maipaliwanag ang pagkasabik. Hindi ko rin akalaing may kasamahan ako sa beta test na ito na tagasubaybay ko sa mga isinusulat kong nobela at blogs kahit magiging "hiatus" ako nang iilang linggo dahil sa nangyayaring pandemya ngayon sa mundo.
"Walang anuman 'yon Zenrie! Even if you're in the hiatus status right now because of the pandemic I still wait for your updates no matter what," masiglang saad niya at ngumiti sa akin. Ang bait naman niya gaya ng napansin ko sa kanya. Napangiti rin ako sa kanya.
"Tanyag ka rin pala sa mundo ng panitikan Zenrie!" Nagsimula na namang mang-asar ni Ranzou sa akin na may kasama pang tawa habang lumalapit sa aking kinatatayuan kasama si Zoiren at si Althea. Tinapik niya ang aking kanang balikat at nakangisi pa ito. "Hindi lang din pala sa la---"
Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita nang agad kong isiniko si Ranzou sa kanang bewang. I also give him my deadly glare if he's going to continue a single word from his sentence. Ibang klase rin ano kung may kasama kang madaldal sa grupo at mapang-asar pa. Tularan niya kaya sila Zoiren at Calyx na napakatahimik lang at minsan lang naging madaldal.
"Nang-aasar ka ba Ranzou?" tanong ko na may halong diin sa tono.
"Biro lang Zenrie," sabi naman niya at nerbyosong tumawa habang napakamot siya sa ulo. Sa oras na magsasalita siya ulit sa pagiging gamer ko sa maraming tao talagang hindi ako magdadalawang-isip na sipain siya palabas ng bintana.
"Iyan kasi," sabay na sabi nina Althea at Zoiren at napatakip pa ng mukha gamit ang palad.
Matapos ang munting usapan ay bigla na lang dumating si Prof. Leizuko sa aming harapan. He's like teleporting from the real world and went to the alternative universe. Ang astig nama niya!
Sometimes it's really strange to ask this stuff. How my senses in the virtual world could possibly becomes stronger and sharper than the real world? Kahit sa isang kilometro pa ang layo ng isang tao o bagay ay nakakaramdam na ako ng isang konting vibration frequency. Sounds weird isn't it?
"Kumusta beta testers?" tanong sa amin ni Prof. Leaizuko habang papunta siya sa aming harapan. Para siyang isang gurong handa nang magtalakay ng mga leksyon para sa kanyang mga estudyante.Hindi na rin kami nag-atubili pang ituon ang aming atensyon sa kanya dahil importante ang kanyang mga sasabihin sa mga oras na ito.
"MABUTI NAMAN PO KAMI PROF. LEIZUKO," sabay naming tugon sa kanya.
Tila nagiging seryoso siya sa mga oras na ito kahit nakangiti siya. Siguro habang nakatingin siya sa screen ng computer sa control room ay naririnig niya ang aming usapan at nakikita niya ang mga pinaggagagawa namin at isa na roon ang reklamo ng taong ponkan. Hindi na rin ako magtataka kung bakit itinuon din niya ang kanyang pansin sa mahalagang pangyayaring ito.
"Looks like one of you don't know about the objectives of the beta test but I'll explain you once again the reason why we launch this special program." May pinindot agad si Prof. Leizuko sa mesang may kulay asul na dyamante sa gilid nito at lumitaw sa aming harapan ang isa na namang holographic screen. He illustrates the explanations through the videos and pictures on the screen.
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 3: A Test For the New Utopia
Start from the beginning
