Kung naitatanong niyo kung bakit ko alam ang kanilang pangalan ay dahil iyon sa nakalutang na ruby icon sa ibabaw ng kanilang ulo at may nakalagay na pangalan sa ibaba nito. Mukhang kakaiba talaga ang napapansin ko sa virtual world ah. Parang isang icon sa game. Pero pagtataka ko lang ay may iba pa kaya akong matutuklasan sa bagay na ito? Samu't saring teorya na rin ang bumubuo sa utak ko sa mga oras na ito.
"Is this our classroom for the beta test? Nakakabagot naman tignan at walang kaaksyon-aksyon!" nayayamot na saad ni Rupert at umupo malapit sa pinto. "At sandali nga, anong unibersidad ba ito?"
"Hindi mo alam 'to? We're here in the prestidge public university of this city and also multi-awarded. It's also ranked as the 23rd best excelled universities in the world, the Strelia Aurelis University," sagot naman ni Lezmond sa kanyang may bahid ng sarkastiko sa tono. Ano bang meron sa unibersidad namin at ganyan na lang kayo makaag-isip?
"It's cheap! Wala bang mga lasers o halimaw man lang na darating dito para sa beta test?"
Nakarinig ako bigla ng pagtunog ni Ranzou sa kanyang mga buto sa daliri na parang aakmang sumuntok sa dalawang mokong na'to. Sa mga mata niya'y gusto niyang manghamon ng dwelo. Stay cool Ranzou it's just nonsense rants from the scumbags.
Tumawa ako nang mahina kasabay ng paghinga ko nang malalim. Lumingon ako sa kanyang walang bahid na emosyon sa aking mukha at nagsalita na parang nagpapaalala.
"You better realize that this is a beta test for the effectiveness of online class using the VRMMO technology and it's not a game as what you think. Hindi ka ba nakikinig sa munting paalala nina Prof. Leizuko kanina?"
Lumingon naman siya sa akin at nakaguhit sa kanyang mukha ang isang naaasar na bata. Umakma itong lumapit sa akin at tumawa pang parang engot. "Mukhang may isang nerd na mula sa SAU ang nagsalita rito sa tabi ah. Naiinis ka ba sa mga sinasabi ko tungkol dito?"
I sigh and smirk at him at the same time. "Ngayon ko lang narinig na magtalumpati ang isang ponkan dahil dito isasagawa ang beta test. But you must be careful on every word you spit from your mouth if you don't want those words become double in return."
Umiling siya sa inis ng aking mga sinabi. Nang aakma nang lumapit ito ay agad siyang binatukan ni Andy sa tabi upang patahimikin siya. Humingi na rin ito ng paumanhin nang lumapit siya sa'kin. "Sorry for the childish behavior of this orange guy. Naninibago lang siguro siya sa lugar na ito at hindi ako makapaniwalang nandito kami sa isa sa mga pinakatanyag na unibersidad sa Pilipinas," nakangiting sabi nito sa akin.
Mabuti na lang ang isang 'to kahit nasa private university marunong tumanaw ng kagandahan ng lugar na ito. Siguro may mga tao talagang ganoon ang pag-uugali na kulang na lang ay ihahampas ko na ang single desk sa mukha niya saka itapon palabas ng bintana.
"I guess you're one of the intelligent student in SAU and as I can see you're interested in technology stuffs," dagdag naman niya.
"Oo tama ka," nakangiting sabi ko. Nagagalak akong makausap ang isang gaya niya kahit hindi halata sa mukha ako ang pagkasabik na makilala ang iba pang beta testers. "Minsan na rin akong pinagkamalang geek dahil sa pagkahumaling ko sa teknolohiya pati na rin sa pagsusulat at pagbabasa ng mga kuwentong sci-fi series at ang pananaliksik tungkol dito."
"Whoa! You're so cool!" nasisiyahang saad ni Andy. "Mukhang magkakasundo tayo sa mga bagay na 'yon. Me and my twin sister Ellah really loves those stuffs."
"Ganoon din ako," nakangiti kong saad sa kanya. Mukhang hindi lang kami ang mahilig sa usaping ganito at may nakilala pa akong interesado sa mga bagay na ito.
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 3: A Test For the New Utopia
Start from the beginning
