Chapter 3: A Test For the New Utopia

Start from the beginning
                                        

"Ang galing!"

Matapos ang ganoong usapan ay pumasok na kami sa aming silid-aralan at nakapansin kami ng mga iilang pagbabago sa loob. Nandito pa nga ang kulay puting haligi at dingding at white board na may kasamang sliding chalkboard. Ang kaibahan lang sa klasrum na ito ay imbes na mga armchair ang nakahilera rito ay mga single desk at chair ang nandito at kulay golden brown pa ang mga kulay na may mga metal na sumusuporta rito gaya sa Japan. Gaya nga sa tunay na mundo ay may sliding window dito at makikita mo rin ang magandang tanawin sa labas. Kaya nga sa pwestong iyon ako laging umuupo na malapit sa bintana at nasa harap pa. Nakapwesto naman ang mga bintana sa kanang bahagi ng bahay.

Umupo na agad ako sa aking paboritong pwesto habang nasa likod naman sila Emerson at Ranzou, katabi ko naman si Zoiren sa kaliwa at sa likuran ko naman si Althea. Napakatahimik ng paligid matapos mangyari ang mga bagay na iyon at sa mga oras na ito ay hinihintay na lang namin ang senyas o ang pagdating ni Prof. Leizuko sa virtual world. Malamang sa ngayon ay nakatingin pa siya sa computer monitor at pinagmamasdan kami. Mukhang nahuli rin siguro ako sa ginawa ko at talagang lagot ako.

Binuksan ko na lang ang bintana upang pagmasdan ang bughaw na kalangitan at ang mga tanawin sa labas nito. Nararamdaman ko rin ang hanging humahaplos sa aking balat at tumatangay sa iilang hibla ng aking buhok. Para talagang nasa tunay na mundo ako kung tutuosin ngunit gaya nga ng sinabi ko kanina ay nasa alternatibong mundo ang kinatatayuan namin. Napakagandang pagmasdan ang lahat ng ito at napakapayapa. Napapikit ako saglit habang dinadamdam ang mga 'to.

Nang minulat ko ang aking mga mata ay nasorpresa ako nang makita ko ang munting nilalang na pumatong sa ilong ko. A butterfly with big shiny royal blue and black wings rested on my nose. Nang makaramdam akong babahing na ay agad itong dumapo sa aking kanang balikat. Nakakapagtataka naman kug bakit sumulpot ang munting nilalang na ito sa virtual world at ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng uri ng paruparo na sa pagkakaalam ko'y bihira lang ito. Parang totoo talaga ang lahat ng nakikita ko rito at nakakahanga! Siguro pati ang iba pang pandama ay talagang totoo rin sa mundong ito. Pwede rin kaya luha?

Maya-maya pa'y nakaramdam akong may nakatayo sa may pintuan ng silid-aralan at kasabay n'on ang paglipad ng paruparo paalis sa aking balikat. Dahan-dahan akong lumingon sa may pinto at nakita ko ang lima pang beta testers na pumasok dito.

Naunang pumasok sa silid ang sinasabi kong Orange Lad o kilala bilang Rupert sa tunay niyang pangalan. He's wearing a white polo uniform with orange necktie that is inserted by a peach vest. Sa pagkakaalala ko sa uniporme ng MCT ay kulay itim ang necktie nila at hindi kulay kahel. I guess this is his favorite color. Pero sa totoo lang hindi talaga ito bumagay sa kulay itim niyang slacks ang kanyang suot tapos samahan pa ang konting blonde sa gilid ng kanyang buhok na sa pagkakaalam ko'y highlights lang. Parang sa isa lang kanina na nakasuot ng turtle neck at ngayon ko lang din napansin ang sa kanya.

The other one wears a peach polo uniform on top with a logo of Germaine College on his pocket and a black slacks. He is Beta Tester #5 Calyx. Simple lang siyang tao pero ang lakas ng kanyang dating at minsan lang umiimik. Siguro mahiyain ang isang 'to.

Beta Tester #6 wears a white polo shirt with checkered linings at the end of the sleeves with the colors of green, black and yellow intersecting each other and wears the same color og the slacks. Siya si Lezmond na mula sa University of Realonda at siya rin ang kasama ng Orange Lad.

And the last two beta testers #9 and #10 wears a red long-sleeved blazer. Nakasuot ng kulay itim na palda at puting knee socks ang babae habang black slacks naman sa lalaki. Both of them wears white inner polo shirts with black neckties. Sila naman si Ellah at si Andy na nagmula sa Angeruzo University at sila ay magkakambal. Parang may lahi silang Espanyol dahil sa pagiging mestizo at sa mga mata nitong kulay hazel brown.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now