Chapter 3: A Test For the New Utopia

Start from the beginning
                                        

"Sorry naman," saad ni Ranzou at nerbyosong tumawa sabay kamot sa ulo. "Sinusubukan ko lang naman kung may kakaiba sa mundong ito kung sakaling mas tumaas pa ang karaniwang antas ng bilis mo."

"Alam mo namang isa itong beta test para sa virtual world online class at hindi isang larong gaya ng nilalaro natin 'di ba? Pero kakaiba nga lang na kahit sa ganitong mundo ay lumalabas ang iyong skills at abilidad ng isang estudyante lalong-lalo na kapag isang player. Maybe it's because of the brainwaves reading from the systems," sabi ko sa kanya. Susubukan kong usisain ang VRMMO tech na ito kung sakaling may panahon ako. Pero kahit ganito ay nagiging maganda naman ang ipinamalas ng systems dito.

Sumang-ayon naman sa akin si Ranzou at napaisip. "Baka nga."

Maya-maya pa'y dumating na sila Zoiren, Emerson at Althea. Ngunit gaya nga ni Ranzou ay bigla na naman akong binato ni Emerson ng limang maliliit na bato sa kinatatayuan ko. While those pebbles are flying to my direction, I suddenly feel my senses are getting stronger and aggressive even a simple tiny vibration and wave frequency. I bend for almost 45˚ and flip backwards just to avoid it. At nang makita ako ang isang mop sa tabi ay agad ko itong kinuha at tinamaan ang huling dalawang maliliit na bato na tumilapon kay Zoiren at iniwasan naman niya ito.

Mga anak ng tinapang tokwa! Mukhang gusto yata nilang mabuking ng iba ang pagkatao ko sa cyber world dahil sa pinaggagagawa nila. Tandaan niyong hindi ito isang virtual reality game gaya ng Sword Art Online at Brain Burst mga tokwa! Para ito sa virtual reality online class! Online class! At maliban doon, silang tatlo lang ang nakakaaalam na ako ang tinutukoy ng Orange Lad na iyon at ni Zoiren nang mag-usap kami kanina sa cafeteria. Paano kung mabuking ako ni Zoiren at ng iba pa dahil sa mga kalokohan niyo aber?

"Nice focus and reflexes Zenrie," nakangiting sabi ni Emerson nang lumapit na sila sa may pintuan.

May gana pa talagang pumuri ang isang 'to na sa isang galaw ko na lang ay mabubuking na ako. Alam naman nilang may isa riyan na may angking abilidad ng isang imbestigador sa grupong ito at nakakatakot 'yon ok?!

Agad naman silang binatukan ni Althea na dapat ako ang gumawa pero ayos na rin. "Hay! Ang gagaling niyo ring mga tokwa ano?! Siguro kulang pa sa inyo ang biskwit na binigay ni Zenrie kanina kaya ganyan kayo kung makapang-sar," naaasar at sarkastikong saad ni Althea sa kanila at saka kinurot ang kanilang mga tainga. Napailing silang dalawa dahil sa ginawa niya. Kung makagawa rin kasi ng kalokohan ang dalawang 'to akala nila walang isang taong iniingatan ang itinatagong bagay na hinding-hindi dapat malaman ng kung sino.

How I wish that this VRMMO class has a pain absorber protocol in the systems. Pwede rin kayang magkaroon ng pain absorber sa puso? Mukhang malabong mangyari 'yon.

"Whoa Zenrie! Ang astig naman ng ginawa mo kanina! Pumasok ka ba sa isang Ninja Academy?" tanong naman ni Zoiren sa akin at lumapit. Nakaramdam ako ng pagkakalma sa aking loob nang ito lang ang kanyan katanungan. Akala ko tuloy ay itatanong niya kung paano ko ginawa iyon.

Tumawa ako nang mahina at saka sinagot ang kanyang katanungan. "Hindi Zoiren, noong bata pa lang ako ay tinuruan ako ni mama ng mga iilang martial arts gaya ng wushu, karate, ninjutsu at lalong-lalo na ang kendo kaya nagawa ko 'yon."

Mas lalo pang namangha si Zoiren sa aking mga sinabi. Akala ko tuloy itatanong niya kung ako ba si Black Navillerian Angelus dahil sa mga kilos ko kanina. Looks like I made an alibi again for the second time but that alibi is really a fact about me. Sa murang edad ko rin kasi ay tinuruan na ako ni mama sa mga ganoong fighting skill lalo na't isa pala siya sa mga junior champ sa isang interschool kendo tournament noong nasa elementarya pa siya.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now