"CYBERUS SYNCH!"
=====
Isang malaportal ng makukulay na linya at puting ilaw ang nagpakita sa aking harapan na tila humihigop sa akin papunta sa kakaibang mundo ng virtual world. Nakita ko na ring naging awtomatiko ang pag-customize sa settings ng aking student's account gaya ng pangalan, mga detalye ng estudyante at pati na rin linguahe. Matapos n'on ay tumambad sa aking harapan ang mga letrang nagpapahiwatig ng pagtanggap sayo sa loob ng virtual world at nagsalita pa.
Welcome to your virtual world class!
Matapos nito ay bigla na naman akong nilamon ng nakakasilaw na liwanag at dinala na naman ako sa isang kawalan. Saan na naman kaya ako balak dalhin ng systems na ito?
Maya-maya pa'y dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at tumambad sa aking harapan ang isang napakalaking school ground ng isang napakapamilyar na unibersidad. Tumingin ako sa paligid at hindi ako nagkakamali sa nakikita ko rito. Ito ang virtual world version ng Strelia Aurelis University na kung saan ang natatanging graphics nito ay kapareho sa kung ano ang nakikita ng mata ng tao sa tunay na mundo. Parang totoo ang mga nakikita ko at talagang nakakamangha. Ibang klase 'to!
Tumingin ako saglit sa aking kamay at napansin ko ang mahabang mangas ng aking school blouse at nalaman kong nakasuot na rin pala ako ng aming uniporme. I guess the systems already customize on what university are we in that's why the school uniform just generated automatically.
Naalala ko rin kung paano palabasin ang window sa virtual world na ito na nabasa ko kamakailan lang sa kanyang libro at hindi na ako nag-atubili pang subukan ang bagay na ito. I draw a circle using two fingers in counterclockwise motion and suddenly a window appeared. It has a semi-white background with black text font in the style of OCR A EXTENDED that bursts out the technology ambiance of this parallel world. Nakalagay sa window na ito ang settings, avatar customization, message and call box, ibang detalye ng estudyante at syempre ang pinakamahalagang button sa lahat ang log out. I can also notice that the supercomputer generates the student's account in the university portal with safety and data privacy protection which it makes cooler than I can imagine. It's mind blowing!
After I saw the descriptions on the student's window, I draw a circle again on the right side in clockwise motion to close it. Napagdesisyunan ko na ring tumakbo papunta sa aking silid-aralan at napansin kong mas bumulis akong tumakbo kumpara sa tunay na mundo. Nakakapagtataka kung tutuosin pero ang galing pa rin nito dahil wala pang isang minuto ay nakarating na ako sa aking destinasyon. Parang ang weirdo kung pansinin ang bagay na ito at minsan dito rin nagsisimulang umandar ang isipan ko pagdating sa obserbasyon at pag-iimbestiga dala ng pananaliksik. Nakatayo na ako ngayon sa pintuan ng aming silid at wala pa rin talagang pinagbago ang lugar na ito. Kaparehong-kapareho talaga sa tunay na mundo ang mga nakikita ko sa paligid ngunit sa alternatibong mundo nga lang.
Bubuksan ko na sana ang pinto nang bigla kong marinig si Ranzou sa may hagdanan.
"Hey Zenrie check this out!" masiglang saad nito at nakangisi pa sa akin. Walang anu-ano'y bigla na lang niya akong binato ng tatlong maliliit na bato at mabilis ko itong inilagan. Nagulat na rin ako sa angking bilis na taglay ko nang ginawa ko ito Nakakapagtaka. Paano tumaaas ang antas ng aking bilis na mas doble pa sa karaniwang bilis ko sa tunay na mundo? Para akong nasa loob ng game pero kakaiba.
Ano bang nakain ng Ranzou na 'to kaya niya ako binato ng mga bato? Anong akala niya sa'kin isang target practice?
"Tokwa ka ba Ranzou?!" nagugulat kong saad sa kanya na may riin sa huli. "Ano bang nakain mo kaya ginawa mo 'to? Naku naman oh!" Napakibit-balikat na lang ako sa konting inis na nararamdaman ko. Paano kung may makabisto sa akin at malaman ng ibang beta testers ang tunay kong virtual identity kapag pinagpatuloy niya akong asarin ng ganito? Baka mabuko pa ako.
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 3: A Test For the New Utopia
Start from the beginning
