"Thank you Zenrie! Salamat sa pagligtas mo sa akin mula sa pagkakahulog!"
"Walang anuman 'yon Ellah," nakangiti kong saad.
Nagtataka pa rin ako sa ngayon kung anong ginawa ko.
Nag-aalalang lumapit si Andy sa kanyang kakambal at niyakap ito. "Ellah are you ok?"
Tumango si Ellah sa kanya at ngumiti. "Yes Andy. Ayos na ako. Salamat kay Zenrie at agad niya akong tinulungan bago pa man ako bumagsak sa ground floor lobby."
Humarap sa akin si Andy at hindi niya maipaliwanag ang kanyang saya matapos ko siyang iligtas. "Thank you so much for saving my twin sister Zenrie."
"No problem Andy," nakangiti kong tugon.
Medyo na-we-weirduhan na talaga ako sa mga nangyayari ngayon. Siguro kung nangyari man ito sa tunay na mundo, kakailanganin talaga ng isang telang sasalo sa kanya sa ibaba o mas malala pa'y masasawi kaming dalawa.
Sa kabilang banda ay nagulat naman ang aking mga kasamahan lalong-lalo na sila Althea, Zoiren, Emerson at si Ranzou na talagang nakanganga pa sa matinding gulat. Agad na lumapit sa akin ang aking mga kasamahan.
"Anong nakain mo kaya nagiging mas maliksi at malakas ka? Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa mo kanina para kang isang mabilis na assassin o ninja na sumagip sa kanya," hindi makapaniwalang sabi ni Ranzou.
"Hindi ko rin alam Ranzou, basta ko na lang ginawa ito sa hindi maipaliwanag na dahilan," sagot ko.
Inilapat kaagad ni Emerson ang kanyang kamay sa aking noo na tila sinusuri niya kung may lagnat ba ako. Kulang na lang ay gagamitan na niya ako ng isang thermal scanner. Pinalo ko kaagad ang kanyang kamay niya dahilan upang ilayo ito sa aking noo at mahina pang tumawa kahit hindi pa rin makapaniwala.
Lumapit agad ang dalawang damuhong sa amin at agad naman itong kinompronta nina Calyx at Andy.
"Nababaliw na ba kayo? Hindi niyo man lang siya tinulungan kaninang iangat mula sa pagkakakapit sa railings tapos dedma lang kayong nakatingin sa kanya? Paano kung natuluyan siya sa mga ginagawa niyo? Tandaan niyong isa itong beta test para sa isang online class at hindi ito isang laro o eksperimento kung ano ang mangyayari kapag namatay ang isang estudyante sa virtual world!" galit na galit na sabi ni Calyx. Tahimik lang siya sa grupong ito pero nakakatakot din palang magalit gaya ng isang bulkan.
Kinuwelyuhan naman ni Andy si Rupert at sinandal sa pader dahil sa tindi ng galit niya. Sino ba naman ang hindi mag-aalala sa kanyang kapatid na muntikan nang madisgrasya? Hindi pa nga natitiyak sa ngayon kung ano ang mangyayari kapag namatay ang isang user sa virtual world. Naaalala ko tuloy ang nangyari sa isang light novel na sana hindi 'yon ang mangyayari.
"Scumbag! Anong nakain niyo at hindi niyo man lang tinulungan ang kakambal ko? Are you out of your mind because you think that this is a game where you can still respawn after you die? Nababaliw na ba kayo?!" nagagalit na saad nito.
"Relax dude! We're just having an observation. Hindi rin namin sinasadyang maitulak siya at mahulog sa railings. Kasalanan ba namin kung hindi siya nakatingin at nahulog? Dapat siya ang umiwas at hindi kami," sabi naman ni Rupert. Aba't may gana pang mamilosopo ang lokong 'to. This is a serious matter and he has a reason to tell this stuff.
Baka (Stupid)!
"Sinadya man 'yon o hindi, huwag na huwag niyong sasaktan ang kakambal ko. At kung may mangyari man sa kanyang hindi maganda dahil sa mga kalokohan niyo, hindi na ako magdadalawang-isip na ihulog ko kayo mula rito."
Bago pa man magkaroon ng kaguluhan ay agad na namin silang inawat nina Ranzou at Emerson. Ayaw naming maitala ito sa records ng beta test na may nag-aaway dahil sa kahibangang ito.
Although the test is successful, a little hint of chaos happened because of these scumbags. Hindi lang 'yan, pinagtataka ko pa rin kung paano biglang lumakas pa ang aking katawan at liksi pati mga pandama ko sa mundong ito dahilan upang nailigtas ko agad si Ellah.
Ilang sandali lang ay nag-anunsyo na sa amin si Prof. Leizuko mula sa computer control room na naging matagumpay ang resulta sa panghuling bahagi ng beta test sa isang holographic screen. Magkahalong saya at inis ang nararamdaman ko dahil sa mga nangyari. Tumingin na rin siya sa dalawang salarin.
"Beta testers #2 and #6, may pag-uusapan tayo matapos niyong mag-log out sa virtual world tungkol sa nangyari," seryosong saad ni Prof. Leizuko.
After that, he told us that we need to log out to celebrate the successful beta test final phase. Nauna nang mag-log out ang aking mga kasamahan hanggang sa naiwan na naman akong mag-isa sa hallway. Dumapo na naman ulit ang isang asul na paruparo sa aking kanang balikat na agad kong pinagtataka nang lumiwanag ang kanyang mga pakpak. Bumisita na naman ito ulit dahil siguro sa mga nangyari. Muntikan na tuloy akong mapaisip kung may shinigami ba sa virtual world. Pero bakit lagi na lang itong sumusulpot?
Siguro kung may nalalaman na naman akong mga kakaibang bagay na nangyayari sa virtual world lalo na sa student's window na kung saan may naligaw na stats sa avatar settings, mukhang mapipilitan akong mag-imbestiga sa bawat bakas na makikita ko rito maliban sa pandemyang dulot ng nakamamatay na virus sa tunay na mundo.
As the research for the vaccine and medicine against RespiroRoachVirus in on the process, the mystery of this world is also starting to create signs and culprits.
===Unknown===
Sa wakas! Naging matagumpay na rin ang panghuling hakbang sa ginagawang beta test para sa proyektong matagal ko nang inaasam. Mukhang oras na para gawin ko na ang susunod na hakbang para sa aking natatanging misyon lalong-lalo na ang paghahanap sa asul na paruparo.
Sisiguraduhin kong mapapabagsak ko si Yuan sa susunod kong hakbang at mahanap si Nayu at ang pinakamamahal na anak ni Haruka. Hinding-hindi ko hahayaang makuha niya ang aking inaasam na bagay at mapasakamay ang pinakamahalagang sangkap upang tuluyan ko nang kontrolin ang virtual world.
My game plan is about to start. Magkikita rin tayo sa susunod anak ni Haruka Matsouka. Maghaharap din tayo sa tamang panahon...
=============
Author's note:
Sino naman ang misteryosong tao na gustong angkinin ang Project Virtualrealmnet? Ano kaya ang pag-uusapan nila ni Prof. Leizuko matapos ang beta test? Mapapansin kaya niya ang ginawa ni Zenrie nang iniligtas niya si Ellah mula sa pagkakahulog? At ano na ang magiging kapalaran ni Zenrie matapos ang beta test at harapin muli ang malupit na realidad? Abangan sa susunod na kabanata sa susunod na update.
Medyo trying hard akong gumawa ng illustration ng screen sa beta testers nyahahahaha kailangan ko na talagang pag-aralan 'to.
Hey Juls, Sher and Dais! Para sa inyo nga pala ang update na 'to. :)
Happy reading minna-san and stay safe! God bless and lovelots!
~SymphoZenie
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 3: A Test For the New Utopia
Start from the beginning
