Special Chapter: Zavan

5.5K 333 78
                                    

Special Chapter
Zalistaír Vandróss Magnaté Caésar

We only have few days left before the search, and my team is a whole mess. I am somehow worried dahil maayos na ang set-up ng grupo ni Zandrus samantalang ang grupo ko'y nagkakagulo. We sent the officials to the districts para kumuha ng tutulong sa amin, they haven't arrived yet kaya naman aligaga parin ang grupo ko.

"Prince, we need to talk to you," Greyson suddenly entered Princess Zavannah's room which I was in. I nodded and planted a kiss on Zavannah's forehead before leaving. Walang araw na hindi ko siya binibisita, it's been years since she has fallen asleep after the fall of Lucianno Ferrero, bata pa ako noon kaya hindi ko alam kung ano ang tunay na nangyari. Nagkagulo na lamang sa palasyo, namatay ang magiting na Ferrero at hindi na nagising pang muli ang kapatid ko. Now we only have the stones as our hope, to wake the princess, to free the kingdom from crisis and for me to get the throne.

We have arrived at the old haunted storage room, naroon na ang grupo maliban kay Chrysler na hindi ko alam kung saan nagsusuot. As usual they're worried.

"We only have the defense, attack, manipulator and heal, samantalang kay Zandrus ay kompleto," Nathalia enunciated, "I hope you are aware na kulang tayo,"

"Kaya nga nasa distrito ang mga opisyal upang maghanap ng makakasama natin, hindi ba?" Corinthians answered.

Nathalia sighed, "No, we need someone like us,"
Sandaling nanahimik ang grupo hinihintay ang pagsagot ko ngunit nanatili akong tahimik.

"Can't we be just like our prince? Walang pinoproblema kahit bitbit niya tayo,"

Corin rolled her eyes. She's bitchy at times, "Really, ano bang kulang sa atin?"

Greyson answered, "A pawn!"

I stood up, "Enough!" Iyon lamang ang sinabi ko'y nahinto sila sa pag-uusap, "Go to the labyrinth, may aayusin lang ako," utos ko.

Hindi sana sila susunod ngunit nauna na akong umalis at dumeretso kay manang Omeng. I'm feeling something really strange, ngayon ko lang ito naramdaman. Malakas ang tibok ng aking puso, I feel excited at the same time worried. Gusto kong huminga ng malalim dahil napag-alaman kong dumating na ang mga opisyales, inisip kong iyon ang presensyang gumagambala sa akin. Ngunit hindi parin ako mapanatag, pakiramdam ko'y may nakapasok sa palasyo lalo pa't may nakita akong abo sa packages na dumating sa akin.

I asked manang Omeng, ang sabi niya'y kung mayroon mang nakapasok ay hindi iyon banta. Nagtaka na ako, her perception is no joke, and that was the first time she somehow disregard my concern. Nagtiwala na lamang akong wala iyon, ngunit habang tumatagal ang oras ay mas lalo kong nararamdaman ang kakaibang presensya. I never believed in mates, but it's my soul feeling the intense sensation of something, no, someone in the palace.
May prinsesa bang darating? I heard the princess of Alemanya will visit Eufrata, siguro'y iyon ang nararamdaman. It was also rumoured that our wedding will be settled, nakatali na ako.

I entered the labyrinth, everyone was there maliban kay Chrysler. Later on, naramdaman ko ang presensya ng lalaking iyon, ngunit hindi lang siya ang aking naramdaman, mas lalong lumakas ang sensasyon na kanina pa bumabagabag sa akin. I can feel my senses awakening, I can hear heartbeats. I can hear quiet cries in fear, I can feel tiredness and struggle, and it wasn't me. It was her. Nang lingunin ko ang distansya ng pinakamalaking ahas sa labyrinth, doon ko siya unang nakita. She was so hopeless, and exhausted yet she has the best courage I have ever seen and the bravest girl I have ever met. It was the first time we met, at ganoon na lamang ako kabilis na tumakbo upang puntahan siya at iligtas mula sa ahas na iyon. Ngunit huli na ang lahat, she has been swallowed.

The Search (PSS, #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon