Chapter 18: Her Pledge

5.4K 353 11
                                    

Chapter 18: Her Pledge

If you will be having a crystal or gold, I'm sure you will treasure it the most. You would treat it as if it's the most beautiful thing you ever have, and never in your wildest dreams would place it in a dirty spot beside a trash. You will not place your crystals in a dirty place, beside a dust. Kaya naman palaisipan pa rin sa akin kung bakit kahit na ang dungis ko kumpara sa kanila'y ninais nilang isama ako.

As much as I want to think and prove to them that I'm not dirty, reality always hit. And I'm here, a pauper between two Princes. Ah, right. Prince Zavan's group wants me to be the bait, a pawn. And that's probably the same for the other prince. Saan na nga ba ako patungo?

"Zavan? Akala ko'y umalis na kayo ng grupo mo?" Nakangising tanong ni Prinsipe Zandrus sa nakababatang kapatid bago ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Tila hinuhusgahan ang aking buong pagkatao sa aking hitsura at kasuotan. Animo'y nagtatanong na sa sarili kung bakit bigla niya akong inaya sa kaniyang grupo.

Gayunpaman, hindi naalis ang paghanga sa mga mata ni Prinsipe Zandrus habang pinagmamasdan ako, at lalong tumindi ang paghanga nito nang dumako sa mata ko. Wala pang nakakakita kung paano nagbago ang kulay ng mata ko, maging ako hindi ko alam kung paano ito magbago at kung ano nga ba ang nagiging kulay nito. Ang presensya ng nakatatandang Prinsipe ang siyang mas lalong nagpahirap sa akin upang makatindig ng maayos.

Hindi ako komportable.
Naguguluhan ako at hindi malaman ang gagawin. Ang mga mata ni Prinsipe Zavan ay patuloy na nakatitig sa aking mga mata. Ni hindi nga nito tinapunan man lamang ng tingin ang kanyang kuya na kinakausap siya. I don't know if our words are applicable in the Palace, ngunit hindi naman masamang gamitin iyon.

Yumuko ako sa mga maharlika bilang paggalang. Sa oras na ito ay gusto ko na lamang maglaho. Alam kong nais ninuman na masilayan ang kanais-nais na mukha ng mga maharlika at isa na ako doon, ngunit hindi ngayon, hindi katulad nito. Naiipit ako sa sitwasyong alam kong muli kong ikapapahamak.

"Zavan? I thought you already left, sagutin mo ako at huwag kang bastos sa akin." Matapang na utos ni Prinsipe Zandrus, at alam kong lumikha iyon ng matindi at mainit na tensyon sa pagitan namin.

Tingin ko'y hindi talaga maganda ang relasyon ng magkapatid. Malamang, they're clashing for the throne; for the crown, kaya naman magkaaway sila sa ngayon. Hindi ko masabi kung noon pa man ay magkaaway na sila kaya sa ngayon muna. Hence, the sad reality of these siblings is that, they grew up battling for the Kingdom. They probably grew up fighting for the highest position, and that's what brought them to what they are now.

"Yes, I just came back to take this girl. She belongs to my group." Sagot ni Prinsipe Zavan at walang pasabing hinawakan ako sa braso.

I silently screamed in my mind ngunit isang mahinang pagkagulat ang kumawala sa aking tinig. Napalingon ako sa prinsipeng may hawak sa akin, ang kaninang namamanghang mga mata'y biglang napalitan ng pagkalito at inis. Gusto kong umirap dahil tila hindi niya nagustuhan ang pagkagulat ko. Masama bang magulat? He just touched me; no— he just held my arm so I have all the rights to be shocked.

"Really?" Hindi kumbinsidong sagot ni Prinsipe Zandrus.

"Yes," matatag na sagot ni Prinsipe Zavan. "We'll go, then." Sabi pa nito atsaka hinila ako palayo sa lugar.

Pakiramdam ko'y unti-unti nang bumalik sa dati ang kulay ng aking mga mata dahil nagsimula nang humina ang aking abilidad.

"Seems like she's not happy. Maybe she wants to join my group." Singit ni Zandrus sa gitna ng kanyang nang iinsultong tawa.

Dahil doon ay nilingon ako ng masama ni Zavan at mas lalong diniinan ang pagkakahawak sa aking braso. Napalunok ako. Ano'ng problema nito? Pwede bang kung may issue sa kanilang dalawa 'wag na nila akong idamay?

"You are coming with me." Ma-awtoridad nitong utos.

Napayuko ako bilang pagtugon, alam kong wala lang naman akong magagawa kundi ang sumunod at ito rin naman ang gusto ko. Halos kaladkarin ako ng Prinsipe patungo sa naghihintay niyang grupo. Hindi parin ako makatingin sa mga taong ranggo na nasa harapan ko, wala akong ideya kung paano sila babatiin.

"Let's go." Sabi ni Zavan at binitawan ako.

Kumawala ako ng malakas at mahabang buntong hininga. I can't stand his presence. He's so much for me, he's too much for me. Sumunod ako sa kaniya at pumunta kami sa kaniyang grupo. Gulat naman akong sinalubong ni Nathalia at Corinthians habang ang dalawa pang lalaki ay halata mong hindi natutuwa sa presensya ko.

"Well, witchy, welcome to our group," bati ni Corinthians. "Shall we go." Dagdag nito at hinila ako sa aking braso.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Tama ba itong ginagawa ko? Sasalang akong walang alam. Sasama ako nang hindi ko man lang alam kung ano ang hahanapin; kung anong klase ba iyong mga batong hiyas. Kung saan ito matatagpuan, kung ano ba ang mga kulay nito. Wala akong alam.

Bigla akong napahinto sa paglalakad, ganito na ba ako ka desperada na makaalis sa palasyo na kahit kamatayan ay haharapin ko ng walang kalaban-laban? Wala na ba talagang ibang paraan?

"Kung binabalak mong tumakas hindi ka magtatagumpay. Si Zavan na mismo ang humila sa'yo, kung ako sa'yo sasama nalang ako ng tahimik at susunod sa grupo." Pagbabanta sa akin ni Nathalia sa gitna ng aking pagkahinto. I looked at her fierce face and stand, pati tindig ay tila hindi ko siya mapantayan, "wala ka nang kawala, babae. Sumama ka ng tahimik." Dugtong pa nito.

At sa oras na iyon ay alam kong wala na talaga akong kawala. Wala akong magagawa kundi ang sumunod. Isa akong pain, hindi ko iyon makakalimutan. Kung kinakailangang may ibigay na buhay, ako iyon. Hindi ko iyon makakalimutan. Iyan ang kanilang pakay, kung bakit nila ako isinama. Ngunit tila hindi pa ako handang mamatay, kinakailangan ko pang lumaban. At ang pangako ko sa paghahanap na ito, ay babalik ako ng buhay.

I will come back alive.

With blood and stains in my hands, I will rise.

In the deepest sorrow and agony, I will soar high.

I will come back alive, with aching pain I will survive.

Sa paglalakbay na ito; liparin ko man ang himpapawid at languyin ang karagatan, abutin man ako ng takipsilim at bukangliwayway sa pagtakbo para sa aking kaligtasan, kahit na ano'ng mangyari ay nangangako ako na babalik akong buhay.

The Search (PSS, #1) ✔️Where stories live. Discover now