Chapter 32: Crazy

5K 304 12
                                    

Chapter 32: Crazy

Talaga namang hindi ko na lubos maisip ang mga nangyayari sa akin. Matapos makapagbitaw ng masakit na salita ang prinsipe ay agad siyang humingi ng pasensya sa akin. A thing that I never thought he'd do. He's a Prince, he's superior, and he bows down to no one. And my idea about them is that they would never apologize dahil lagi silang tama, ngunit mukhang mali ako.

He apologized to me at araw-araw ay binabangungot ako ng katotohanang iyon. Matapos ang gabing iyon ay bumalik kami sa dati, as in sa dati. 'Yong hindi napapansin, invisible sa grupo, outcast, anino. Ganoon kabilis na nangyari ang lahat. Kasing bilis ng hangin na lumipas ang gabing 'yon at dalawang linggo na naman ang lumipas.

Since that night, hindi na ako pinansin pa ng Prinsipe. Siguro'y umiiwas na siya sa akin dahil baka mapagsabihan na naman niya ako ng masasamang salita. Naging maingat na rin ako at siniguradong hindi na makakagawa pa ng mga bagay na ayaw niya, mahirap na at baka bigla kaming magkagyera rito.

Muling nagpatuloy ang aming paglalakbay. At talagang mahirap maghanap ng mga batong hiyas, hindi ito biro. Kung sa kwento ay mabilis na naghahanap ng bida ang goal nila, malayo naman 'yon sa realidad lalo na kung bato ang pinag-uusapan. Sa pagmimina nga hindi nagiging madali ang lahat, ang maglakbay pa kaya sa gubat?

Kaya naman dalawang linggo na naman ang lumipas mula nang mangyari ang gabing 'yon. Dalawang linggo na kaming naglilibot sa gubat ngunit wala kaming nahahanap na batong hiyas. Sa tinagal-tagal ko nang kasama sila hindi ko pa rin sila close, ang hirap naman nilang i-please. Nahahalata tuloy ang gap ng status namin kahit wala akong gawin. Natural na lamang na hindi tinatanggap ng mga aristokrata nilang dugo ang isang mahirap na tulad ko.

It's almost 4 in the afternoon and we still only have one stone found. Huminto muna kami saglit upang magpahinga. Hindi kami tumigil sa paghahanap sa loob ng dalawang linggo kaya nakakapagod, gayunpaman ay hindi ko masyadong nagamit ang abilidad ko dahil mas mayroong kagamitan ang mga abilidad nila kesa sa akin. Hence, the map was given to me ngunit hindi sapat iyon upang huwag akong tuluyang mawala so Chrysler gave me his compass in case na magkahiwa-hiwalay kami.

"It's already afternoon, we only have the amethyst. Kinakailangan nating magmadali, ano ba ang dapat nating gawin?" Nathalia asked in between the silent tension.

"Edi huwag huminto sa paghahanap." Greyson answered.

"Idiot, can't you see? That's what we've been doing the whole day!" Singhal ni Nathalia.

"Ikalma mo yang puso mo, huwag kang magsimula Nathalia." Giit naman ni Greyson.

"Magsimula ng ano ha? This is so frustrating, I just think we need to work onto something para mapadali ang lahat!" Inis na sabi ni Nathalia.

"Then what? huh? What should we do?"

"Tigil tigilan mo ako Greyson!"

The two was about to use their magics but Chrysler stopped them. They wouldn't listen at first until the Prince himself stopped the war between. Bakit ba madalas mag-away ang dalawang ito? They're both short-tempered, hindi sila pwedeng magsama.

"I think Nathalia's right, we need another plan. Hindi pwedeng ganito na lang, matatagalan talaga tayo." The deluder said, it was Corinthians by the way.

"What? Makikinig ka sa isang 'to? Eh kung magpatuloy nalang tayo, sayang ng oras." Ani Greyson.

"Greyson!" Nathalia yelled in anger, maya't maya pa'y inilabas nito ang kanyang patalim. As well as Greyson, in a blink of an eye he's now holding bombs.

"You two! Stop it!" Dumagundong ang baritonong tinig ng Prinsipe na siyang nagpahinto sa aming lahat. "We need another plan, let's find a shelter first." Maawtoridad nitong utos. Agad namang tumalima ang lahat; kasama na ako.

The Search (PSS, #1) ✔️Where stories live. Discover now