Chapter 68: Last Time

4.3K 283 2
                                    

Chapter 68: Last Time

Lahat sila'y hindi nakapagsalita dahil sa aking sinabi.

"You are selfless, as ever." Tinig ng Reyna ang namayani sa loob ng silid na kinaroroonan namin. Matunog ang kanyang mga hakbang habang tinutungo ang pwesto ko. Nagbigay daan ang mga echelons pati na ang Prinsesa upang marating ako ng Reyna.

"Hindi na ba mababago ang iyong pasya?" she asked. Umiling ako, kusang tumulo ang aking mga luha. Kung pwede lamang sumugod ay ginawa ko na, ngunit naiintindihan kong ang pagpasya niyang limutin ako ni Zavan ay para rin sa lahat.

"You want to use your stone for the first district?"

I nodded.

She sighed, "Makakaasa ka. We'll work hard to give the homeless people a shelter..."

Nakaramdam ako ng tuwa dahil sa wakas ay magkakaroon na ng matitirhan ang mga nasa lansangan, kabilang na kami. Hindi ako mananatili sa palasyo, babalikan ko si Lola at Laura. Pipilitin kong kalimutan ang lahat, katulad ng pagpilit nilang kalimutan ako ni Zavan.

"Everyone in the first district will live happily again." Ani ng Reyna. "Ang sabi ni Maximus ay namumuhay ng maayos ang mga tao roon. I think we should visit the districts, baka sakaling may hindi pa tayo nalalaman." Dugtong nito.

"Aren't you busy facing the crisis, your majesty?" Tanong ng Prinsesa. They're talking according to their ranks respectively and not by blood, ganoon talaga siguro ang monarchs. Hindi ka Mama, Reyna ka.

"Yes, but I have learned that... we should see everything on our own eyes... someone taught me that." Sagot ng Reyna at bumaling sa akin. "Hindi tayo sigurado sa mga ibinabalita sa atin kung totoo. Kaya naman para makasiguro, tayo na mismo ang bibisita sa mga lugar. From now on, the Monarchs and Echelons will be visiting the districts. Isa na iyon sa trabaho natin."

Nadagdagan ang kasiyahan sa puso ko. Mabuting tao ang Reyna, hindi lamang nila narerealize na sila na mismo ang kailangan ng mga tao... hanggang ba sa dumating ako? I don't want to assume, but I think she was referring to me when she someone had taught her. Was it me?

My pleasure, your majesty.

I couldn't speak anymore. Hindi parin nawawala sa akin ang lungkot, yes I am brave, but when it comes to love, I don't survive. Umalis na ang Reyna at Prinsesa upang simulan ang trabaho nila. Naiwan na naman kami ng mga echelons. Hindi ako kumibo, gusto ko na lamang magmukmok.

Chrysler tapped my back, "What will you do next?" tanong niya.

I heave a deep sigh and looked at him, "B-babalik na ako sa unang distrito."

Amusement filled his face, "What? Hindi ka mananatili rito?" He asked.

"You have the right to stay here. You are proven to be the daughter of the trusted personnel here, you are the daughter of the late Lucianno Ferrero and the granddaughter of Manang Omeng..." Singit ni Greyson, "you can... stay with us here."

"Greyson is right. And besides, nangako na ang Reyna na tutuparin nila ang iyong kahilingan. Makakaasa kang makakaahon ang first district, Beryl.." Nathalia seconded. Tahimik akong napangiti, noon ay palaging kinakalaban ni Nathalia si Greyson. Himala at nagkasundo sila ngayon. Mukhang napansin rin ito ng mga echelons, hindi rin nawala ang asaran dahil doon.

"Bati na sila..." Puna ni Corinthians.

"Tsk," Nathalia reacted, "Tama lang si Greyson sa part na 'yon kaya sumang-ayon ako."

Greyson laugh, "so you mean doon lang ako naging tama? Palagi ba akong mali dati kaya kinokontra mo ako?"

"I guess that's her point." Singit ni Chrysler. "Right, Nathalia? Ganitong usapan lang pala ang magpapabati sa inyo." He chuckled.

The Search (PSS, #1) ✔️Where stories live. Discover now