Chapter 4: Cornered

6.6K 479 44
                                    

Chapter 4: Cornered

The sun had completely set, the surroundings were gloomy, and the atmosphere was really tense. Despite the fact that there was no one else in the area, it did not feel safe. It's as if, despite our solitude, someone has been keeping an eye on us. I just wanted to take a step back and go back to where I was to avoid further difficulty and to entice Laura away from my way of life.

But, when I looked at Marcus and Laura, I knew I had to do something in order to survive. After all, I'm the one with the greatest requirements, and they're the ones who are assisting me. I shook my head and hurried towards the store. Mabilis pa sa kidlat akong pumasok sa loob ng shop matapos kong masira ang lahat ng camera, hindi maalis sa puso ko ang kaba lalo na't hindi ko sanay ang lugar.

"Mag-iingat ka," pigil sa akin ni Laura bago ako pumasok. Tumango na lamang ako at saka walang hirap na binaybay ang loob ng shop.

The interior was massively lavish and elegant, and I couldn't have asked for anything more. My eyes are glittering with wonder, yet my heart is pounding with anxiety. Everything is pricey, from the glass containers to the drawers; there were jewels, excellent marbles, golds and silvers, abnormally healthy pearls, and other luxuries. I couldn't help but drool over the merchandise because I'm so pulled to it. This is my first experience with fine aristocratic items and taking them. I've stolen things before, but not such high-end items.

Mabilis kong hinablot ang lahat ng pwedeng makuha at ipinasok sa malaking bag. Nang mapuno iyon ay mabilis kong itinapon kay Marcus atsaka binigyan ako ng panibagong bag, siniguro kong hindi ako makikilala ninuman kung sakaling may makasilip sa aking ginagawa.

Natapos ko ang limang bag at wala na akong makuhang iba pa.

"Wala na."

"Tara, bilis!" Sigaw ni Marcus.

Agad akong humakbang palabas ng lugar ngunit sa kamamadali ko ay nasugatan pa ang kaliwang tuhod ko. Bumagsak muna ako bago tuluyang nakalabas.

"Sabi nang mag-iingat eh," ani Laura at hinila ako patayo. Tumango-tango na lamang ako na parang walang nangyari at mabilis na kumilos.

Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Marcus na agad niya ring pinaandar palayo sa shop. Masyadong mataas ang tensyon sa loob ng sasakyan at ramdam ko ang kaba ni Laura. Ngunit habang lumalayo sa lugar ay nagiging magaan na ang hangin.

Nagbuntong hininga ako. Naramdaman ko ang pagtulo ng pawis ko sa aking mukha at likod, akala ko'y hindi ako makakalabas ng buhay sa shop na iyon. Mabuti nalang at swerte ang gabing ito.

"Madaling araw na."

Nagulat ako sa sinabi ni Laura. Hindi ko napansin ang oras dahil nakatuon ako sa masamang ginagawa kanina.

"Shit!" Mura ni Marcus.

Biglang kumalabog ang puso ko sa mura ni Marcus, maging si Laura ay nataranta.

"Bakit?" Kinakabahan kong tanong, hindi ganon ang reaksyon ni Marcus kung walang problema.

"May problema ba sa nanakaw natin?" Tanong ni Laura.

"Walang problema." Problemadong sabi ni Marcus habang nagmamaneho. Walang problema, pero problemado siya.

"Eh bakit ganyan ang hitsura mo?" Tanong ni Laura. Nanahimik na lamang ako habang nakikinig sa kanila.

"Darating ang ibang opisyal sa palasyo ngayong araw, sigurado akong maibabalita agad na nanakawan ang shop kanina."

Pati ako ay natigilan. Akala ko'y okay na ang lahat, akala ko'y magiging maayos ang lahat, ngunit ang lahat ng iyon ay akala ko lang pala. The ambiance between the three of us is unpleasant, and we're becoming uneasy all of a sudden.

The Search (PSS, #1) ✔️Where stories live. Discover now