Chapter 48: A Seer

4.2K 302 8
                                    

Chapter 48: A Seer

"Anong hinihinto-hinto mo? Lakad!" Sigaw ng Prinsipe. Nagulat ako kay Zandrus kaya wala akong nagawa kundi ang dumeretso.

"Ikinalulungkot ko ngunit wala talaga akong nakikitang berilo." Sabi ko.

"Magsalita ka kapag nakita mo na ang berilo, kung hindi ay papatayin ko ang lalaking ito sa harapan mo!"

Naikuyom ko ang aking kamao, kanina pa ako nagagalit sa Prinsipeng ito. Ibang-iba siya kay Zavan, ibang-iba!

"Berdeng maasul-asul..." bulong ko. Hindi basta-bastang nakikita ang mga batong hiyas, kung hindi sa tubig, sa kweba ito, maaring sa ilalim rin ng lupa, hindi kaya... "May bulkan ba sa Eufrata? Pwede tayong makahanap doon, baka mas marami doong metamorphic rocks. Sa cavity or veins ng limestone or marble."

"What do you mean?" Tanong ni Zandrus.

"Beryllium is found in the mineral bertrandite, which in recent years has become a major ore of this element. Bertrandite is found in certain volcanic rocks derived from granite," makahulugan kong sabi habang inaalala ang nabasa ko noon sa libro. "Beryl is often found in granites and granitic pegmatites but it can also be found in metamorphic rocks or in the veins and cavities of limestones and marbles." Those were exactly what was written in the book.

Bumakas ang paghanga ni Zandrus sa sinabi ko, binitawan niya si Marcus at lumapit sa akin. Marcus fell on the dead leaves ngunit agad siyang inalalayan ng mga dukhang kasama niya.

"Magaling kang babae ka, ngayon din ay pupuntahan natin ang kaisa-isang bulkan sa Eufrata." Ani Zandrus. Napasinghap ako, so it's true. May bulkan nga sa Eufrata, at maaring dito namin mahanap ang ika-walong bato.

"Tara na sa Bulkang Eurates. Echelons, huwag niyong hahayaang makawala ang babaeng ito!" Pagkasabi niyon ni Zandrus ay nauna na siyang naglakad patungo sa lugar na tinutukoy niya.

Tinakbo ko ang pagitan namin ni Marcus at niyakap siya. He hugged me back, at wala na akong mahihiling pa sa oras ding iyon. Tiningnan ko ang mga dukhang kasama ni Marcus, hindi naalis ang pagkamangha sa kanilang mukha at gulat ng makita ako. Ang kanilang mga mata'y nagtatanong, nagtataka kung anong ginagawa ng presensya ko sa lugar na ito.

"Keep moving!" Sigaw ng isang echelon. Halos napalundag kami sa gulat, nauna na ang iba samantalang ako ay inalalayan ang binugbog kong kaibigan.

"Marcus, anong nangyayari?" Bulong ko. Humigpit ang pagkaka-akbay sa akin ni Marcus, naglakbay ang kanyang mga kamay sa likod ng aking ulo.

"Shh, itatakas kita rito." Bulong niya sa akin at sandaling hinalikan ang noo ko.

"Papaano? Bakit ganito? Hindi ko naiintindihan." Naluluha kong sabi.

"Hindi mo kailangang matakot hangga't kasama mo ako. Hindi kita pababayaan, Verulia."

Tila nabiyak ang puso ko ng muling marinig ang kinagisnang tawag sa akin ni Marcus. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya, may tiwala ako kay Marcus. Nilakbay namin ang isang mahabang ilog, inabot kami ng umaga. Sumikat na ang araw ng makarating kami sa paanan ng bulkang tinutukoy ni Zandrus. Huminto ito at nilapitan ako.

"Hindi ba tayo magpapahinga? Wala pa tayong pahinga simula sa simula Zandrus." Ani ng isang echelon.

"Kung hindi mo na kaya magsabi ka lang at nang tapusin ko na ang paghihirap mo." Matalim na sabi ni Zandrus. Nanahimik na lamang ang lahat, walang sinuman ang sumubok sumabay sa init ng kanyang ulo. Huminto ito sa harap ko, nangunot ang noo nito habang nakatingin kay Marcus na ngayon ay hinang-hina parin. Pati ako ay napapagod na rin.

"Anong masasabi mo, nandito na tayo." Ani Zandrus.

"May ilog ba rito? Iyong dinaanan ng lava flow, maraming bato roon tingin ko'y makakahanap tayo ng berilo sa lugar na iyon." Mahina kong tugon. Dumako ang mata nito sa kamay ni Marcus na nakaakbay sa akin.

"Tingin ko'y hindi ito magugustuhan ni Zavan oras na makita niya ito." Aniya at ngingisi-ngising naglakad nang deretso. Wala kaming nagawa kundi ang sumunod. Ang iba niyang tauhan ay hindi nakatagal at huminto sa paglalakbay, kami kami na lamang ang nakarating sa ilog na paroroonan namin.

"Ang lahat ay inuutusang maghanap." Ani ng isang echelon. Nasa gilid na naman kami ng isang ilog, mas malawak iyon kumpara sa ilog na pinanggalingan namin. Ibinaba ko si Marcus upang makapagpahinga.

"Dito ka lang, hahanapin ko ang bato para huwag ka na nilang saktan." Bulong ko. Noong una'y tumutol si Marcus ngunit pagkalaon ay wala itong nagawa. Bukas na bukas ang abilidad ko, inilibot ko ang paligid at maiging nagmasid.

"Verulia!" Pagtawag sa akin ni Marcus, kaagad akong lumapit sa kanya.

"Oras na makita mo ang bato, magsabi ka agad sa akin. Magbabawi lang ako ng lakas sandali." Ani Marcus, tumango ako bilang pag-sangayon. Hindi nawala sa akin ang tingin ni Prinsipe Zandrus, nakakrus ang mga kamay nito habang pinagmamasdan kami ni Marcus.

"You're too close, enough with that and look for the precious stone!"

Wala akong nagawa kundi ang maghanap. Tumalon ako sa tubig at sinilip ang ilalim kung mayroong kakaiba roon ngunit nabigo ako. Lumusong ako papunta sa kabilang bahagi ng ilog.

"Anong ginagawa mo d'yan?" Hindi nakatiis na tawag ni Marcus. "Hintayin mo ako!" Saad nito.

"Diyan ka lang, magpahinga ka muna. Ni hindi pa gumagaling ang mga sugat mo." Sabi ko pabalik, ngunit matigas ang ulo ni Marcus at lumusong sa tubig papunta sa akin. Ganoon din ang ginawa ng grupo ni Zandrus. Ano na kaya ang ginagawa ng grupo ni Zavan? Kumusta na kaya ang Prinsipe? Hinahanap niya kaya ako?

"Hintay sabi." Ani Marcus at nang maabot niya ako ay binatukan niya ako ng mahina.
Pagkatapos ay muli niyang iniakbay ang kanyang kamay sa aking balikat. Mabuti na lamang at hinahayaan kami ni Zandrus. Sa hindi kalayuan ay nakakita ako ng isang usok.

"May apoy ba rito?" Tanong ko.

"Ano?"

Hindi ko na siya sinagot at nilakad ang nakikitang usok. Sumunod naman sila sa akin, at isang apoy na parang tubig ang aming nakita.

"Is this a lava?"

"Wala akong pake kung ano yan, nasaan ang batong hiyas?" Tanong ni Zandrus.

Sandali akong bumitaw kay Marcus at sinundan ng tingin ang pinagmulan nito. Napakaraming bagay na kamangha-mangha sa Eufrata, if I didn't join THE SEARCH I wouldn't know that a place like would exist. Napalingon ako kay Zandrus, sabay na nagtama ang aming mga paningin. Alam kong sa oras na ito ay namumuo ang balak niyang pagtatraydor sa akin, ngunit hindi ko iyon hahayaang mangyari.

"Marcus..." Pasimple kong tawag, sapat na upang marinig iyon ni Marcus. "The Prince and I... saw the stone." Pagkasabi ko noon ay agad akong tumakbo sa pinagmumulan ng lava.

Ganoon din ang ginawa ni Zandrus. Hindi nga ako nagkamali. Bumunot ng dagger si Zandrus at ibinato iyon patungo sa akin, ngunit mas lalo atang naensayo ang aking abilidad at bago niya pa man ito nagawa ay alam ko nang gagawin niya ito. So I dodged his attack. Good Lord, I can now predict five seconds from the future!

Holy! What's happening to me? I'm indeed a seer!

The Search (PSS, #1) ✔️Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu