Chapter 70: Eufrata's King

4.8K 308 14
                                    

Chapter 70: Eufrata's King

ISANG buwan na ang lumipas. The houses of the paupers were built and established. Wala na rin akong balita sa Palasyo. Siguro'y naging busy na ang lahat dahil sa kanya-kanyang tungkulin.

Nakakatuwa, hindi ako tinantanan ng mga tao sa unang distrito. Trinato nila ako bilang kanilang Mayora, but they call me commander tho. Hanggang sa ginampanan ko na lamang iyon. Ako na nga ang namahala sa unang distrito, naging maayos na ang lugar na tinatapak-tapakan nila noon.

The first and second district became good friends, wala na ang barriers sa pagitan ng magkalapit na pook. Ngunit ang status ay hindi parin nawawala, hindi parin pwedeng magsama ang mga elite at paupers. Siguro'y wala na ako doong magagawa, but atleast the friendship between the districts grow. Wala nang dukha sa Eufrata, ang lahat ay may kanya kanya nang matitirhan, including us.

"Manong Rody, kumusta iyong taniman natin?" Sigaw ko sa lalaking magsasaka.

"Magandang araw commander! Maayos naman ang palayan, itong si Elmer lumago na iyong maisan!"

"Maari kayo doong bumisita Commander! Huwag kayong mag-alala, libre na ang mais para sainyo!"

I laughed; "That's good! Hayaan po ninyo at bibisita ako doon." Sabi ko at kumaway sa kanila bago tuluyang umalis.

I'm doing my morning habits. Nagjajogging ako tuloy na rin ang paglilibot sa unang distrito upang tingnan kung maayos ba ang lugar. Nasa amin ang mga tanim o anumang pagkain habang sa ikalawang distrito naman ay mga finished product na ipinapadala sa palasyo at ini-export sa ibang kaharian. Yes, the Eufrata has improved a lot. We are free from crisis now, masigla na ang kaharian.

"Magandang umaga Commander!" Sigaw ng mga batang nadadaanan ko. Kumakaway lamang ako sa kanila at ngumingiti. Kapag nasisilayan ko ang masasaya nilang mukha, wala na akong mahihiling pa.

"Magandang umaga!"

Napahinto ako sa pagjogging ng makakita ng limousine na papunta sa akin. The Kingdom has improved, inaallow na rin ang mga mayayaman na dumalaw sa mga distrito. Ang mga Monarchs nga pwedeng dumalaw, ang mga elites pa kaya? Pinunasan ko ang pawis sa aking mukha at huminto. Hinintay kong huminto sa aking harapan ang magarang sasakyan, at halos mapunit ang labi ko sa kakangiti ng makita ang mga echelons.

"Omy what the!" Sigaw ko ng halos ikalipad ako dahil sa biglaang pagyakap sa akin ni Chrysler. "What the hell!" natatawa kong reklamo.

"I missed you!" Sabi niya.

Hindi pa siya bumibitaw ng agawin ako ni Greyson at tuluyan na kaming lumipad sa ere dahil sa pagkakayakap niya sa akin. Damn this echelons!

"Wow, this district has improved a lot! Thanks to you baby! I missed you!" Bulalas niya. Hindi nawala ang pagtawa ko. Ako na mismo ang kumalas at sumalubong sa dalawang babae na hindi na mapakali sa kakahintay sa amin ni Greyson na matapos.

I hugged them, "How are you bitch?" Masayang tanong ni Nathalia. "I heard you are their governor here." she giggled.

"Mayor lang." I said.

"Grabe, ibang iba na ang unang distrito. Hindi ito ganito noong una kong punta dito." Puri ni Corinthians.

Hindi na kami matapos tapos sa yakapan, kumunot ang Noo ko at napalingon sa limousine. Dumagundong ang puso ko sa kaba at kusang naghintay ng isa pang taong lalabas roon.

"Baby, he's not here." Bulong ni Greyson at inakbayan ako.
Disappointment drew all over my face. The prince is not here. "But, we can bring you to him..." Dugtong niya.

The Search (PSS, #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon