Chapter 66: Forgotten

4.3K 252 25
                                    

Chapter 66: Forgotten

"

Who are you?" Zavan asked out of nowhere. Nangunot ang noo ko dahil sa tanong ni Zavan sa akin. Tinampal ko ang kanyang braso.

"Hindi ka nakakatuwa." Pilit ang pagtawa kong sabi.

Tumawa siya sa akin at muli akong hinarap; "I'm not kidding, who are you?"

Nahinto ako sa pagtawa. Nangatog ang tuhod ko nang mapansing unti-unti akong nawawala. Hindi si Zavan ang nawawala kundi ako, ano ito?

"Za-Zavan?" Kinakabahan kong tanong.

"Who are you?" Tanong niyang muli. Blanko lamang ang kanyang ekspresyon, at nabibiyak ang puso ko dahil sa nangyayari.

"Zavan!" Tawag ko dahil nawawala na ako, nagiging malabo na rin siya sa paningin ko. "No!"

Unti-unting pumapasok sa utak ko ang sigaw. Tinig iyon ni Zavan, tila nahihirapan siya. Napakalabo ng nangyayari, pagkatapos kong sumigaw ay tinig niya naman ang narinig ko.

Isang malakas na hampas ang narinig ko dahilan upang magising ako sa aking pagkakatulog. "Oh shit!" It was a nightmare! Binangungot ako! Muling kumalampag sa labas. Mabilis akong bumangon, tumayo at nagtago sa likod ng aking silid, siniguro ko pang gising ako dahil baka panaginip na naman ang lahat ng ito.

Pinagpapawisan ako, hindi ko makalimutan ang aking napanaginipan. Bakit ganoon? Bakit ganoon ang nangyari? Binangungot nga ba talaga ako? Hindi malinaw sa akin kung tinapos na nga ng prinsipe ang lahat sa amin, ang sabi niya'y pagkatiwalaan ko lang siya. Ngunit sumobra naman yata iyong panaginip ko, hindi ko iyon kaya.

Isang malakas na kalabog ang nagpaatras sa akin. Gising na gising nga ako sa kalagitnaan ng gabi. Matapos ang pag uusap namin ni Zavan ay hindi na kami muling nagkita. Sinabi ko kay manang Omeng na balak kong bumalik sa unang distrito ngunit ang sabi niya'y pagkatapos ko na lamang humiling.

"Huwag mong iiwan ang prinsipe..." Iyon ang naalala kong saad ni Manang Omeng sa akin. Pansin ko ang pagkagambala niya, parati siyang hindi mapakali. Kaya naman nagtataka na ako sa mga ikinikilos niya. Binalot ako ng takot, hindi maalis sa aking isipan na baka may nangyari na sa lola Omeng ko kaya kumakalampag sa labas ng aking pintuan.

I sighed. Lakas loob kong binuksan ang aking pintuan at sinilip kung ano ang nangyayari sa labas. Walang tao sa labas ng aking silid, lumabas ako at dumeretso sa silid ni manang Omeng ngunit wala rin s'ya doon. Nanginig ako, ano na naman ba ang nangyayari?

Upang makasiguro'y binuksan ko ang aking abilidad. Nagsisi pa akong binuksan ko iyon dahil para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ang sumisigaw na tinig ni Zavan.

"Shit." Napamura ako dahil tila nahihirapan si Zavan. Akala ko'y panaginip lang iyon, ngunit bakit parang totoong nangyayari? Hindi na nga ba ako nananaginip? O nasa panaginip ko parin ako?

Sinundan ko ang sigaw na iyon. May nangyayari bang masama sa aking prinsipe? Mabilis akong naglakad at nagulat ako ng hilahin ako ng isang tao. Sinubukan ko pang magpumiglas ngunit nahinto ako ng napagtantong si Zandrus iyon.

"Tara..." Bulong niya at hinila ako. Napansin ko ang mga natumbang sentry roon, pinatulog niya ang mga bantay upang makuha ako sa aking silid. Bakit kailangan niya pang gawin iyon gayong pwede niya naman akong kunin na lang? Ano ba ang kanyang balak?

"Saan mo ako dadalhin?"

"Kay Zavan..." Sabi niya, lumikha ako ng nagdududang tunog at dahil doon ay nagbuntong hininga siya. "Hindi maganda ang samahan nating tatlo, ngunit hindi ko rin gustong may mangyaring masama sa kapatid ko."

The Search (PSS, #1) ✔️Where stories live. Discover now