Chapter 50: Spring Revelations

4.5K 352 112
                                    

Chapter 50: Spring Revelations

Pareho kaming nakaupo ngayon ni Marcus sa ilalim ng makapal na puno. Naghahabol ng hininga dahil sa pagod na nararamdaman. We're both exhausted and catching our breathes to death. It seems like we're only one breathe away bitten the dust, but none of us has the will to let go of the last air we want to heave. We're both panting and sucking air for our lives, and each presences strongly bonded together is enough to strengthen the will to fight until we survive.

Marcus and I are going to survive in this game. We are going back to the District 1, to Laura. She's waiting for us, for Marcus. Hindi ko pwedeng biguin si Laura. Kung nangako si Marcus na iuuwi niya akong buhay, nangangako rin akong isasama ko siya sa pag-uwi ng buhay. Babalik kami kay Laura. Hangga't mayroon pa kaming hangin na nalalanghap, hindi kami susuko.

Habang lumilipas ang mga segundo at minuto ay napapansin ko ang patuloy na pag-agaw ni Marcus ng hangin na parang nahihirapan siyang huminga. He's suffering more than I do. He's panting hard than I am. He's asking for another breathe. It seems like a prayer, a request to the firmaments, one more breathe.

"Ang hirap," sabi ko at lumingon sa aking kaibigan. I intertwined our hands together as I stared at him, "Ang hirap ng buhay natin Marcus, bakit kailangan pa nating pagdaanan ang bagay na ito?" Tanong ko.

"Nauuhaw ako Verulia." Sabi niya. Agad akong napalingon sa paligid, wala akong tubig. And then suddenly, I heard rushing waters not so far from our post.

"Tara, nakakarinig ako ng lagaslas ng tubig." Tumayo ako at inalalayan si Marcus. Naghanap kami ng tubig dahil nauuhaw raw ang aking kaibigan. Hinanap namin ang naririnig kong lagaslas ng tubig.

Isang bukal ang natagpuan namin, malinis ang tubig na iyon. Kaya naman hindi pa kami tuluyang nakararating ay tinakbo iyon ni Marcus at ininom. Pagkatapos niyang uminom ay kumuha rin ako ng tubig na panlinis sa aking mukha at katawan.

"Masyado nang maraming sugat ang natamo mo, bakit kailangan mo pang pagdaanan ang bagay na ito?" Tanong ni Marcus at tumitig sa akin ng may nakakapasong lungkot sa kaniyang mga mata. Nangunot ang noo ko dahil kanina ko pa napapansin ang kakaibang paraan ng kanyang paghinga, his golden tan skin doesn't look fine. Nag-iiba iyon, tila namumutla siya.

"Parehas tayong marami ang sugat Marcus."

"Hindi Verulia, kung tutuusin ay hindi mo dapat nararanasan ang mga bagay na ito. Dapat namumuhay ka ng maayos ngayon."

Napahinto ako sa aking ginagawa. Lumapit sa akin si Marcus at huminto sa harapan ko. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa harapan ng malinaw na tubig.

"Anong nakikita mo?" Tanong niya.

"Hindi pa tayo ligtas dito Marcus..." Sa halip ay sagot ko.

"Anong nakikita mo Verulia?" Pag-uulit nito.

Wala akong nagawa kundi ang sumagot. "Isang babaeng puno ng sugat."

Lumingon sa akin si Marcus, "Hindi Verulia, hindi iyon ang nakikita ko," aniya at ngumiti. "Isang matapang na babae ang nakikita ko. Ang pinakamatapang na babae sa buhay ko."

Gusto kong matawa, noong nasa unang distrito kami kailanman ay hindi ako naiyak. Ngunit ngayon, paulit-ulit akong naiiyak. "Marcus..."

"Ang pinakamatapang na babae sa aking buhay ang nakikita ko. Ang babaeng una kong minahal ng higit pa sa isang kaibigan."

Napahinto ako sa kung anong ginagawa ko at naituon ang pansin kay Marcus. Ano bang pinagsasabi niya?

"Marcus?" Nalilito kong tawag.

The Search (PSS, #1) ✔️Место, где живут истории. Откройте их для себя