Chapter 30: Knowing Them

4.9K 293 9
                                    

Chapter 30: Knowing Them

Sabay sabay itong tumatakbo sa utak ko. Hindi ako makapag isip ng matino, lahat ng kasamaan ng ginawa ko, lahat ng paghihirap na dinanas, lahat ng sakit, ay sabay sabay na bumubulong at umiikot aking utak. And I'm running out of breath.

I'm in the middle of thick bushes, trees that are source of oxygen but I'm running out of breath. Napahawak ako sa isang puno upang alalayan ang sarili ko sa badyang pagkakatumba. I massage my chest to calm and manage my breathing.

"Let it out." Chrysler said. Chrysler was there. He lend me his hands and helped me to stand up. He cupped my face with his bare hands and wiped my tears away. "Shh, look at me. Let it out, wag mong pigilan ang iyong pag-iyak mas masakit." Nakangiti niyang sabi. Umiling iling ako.

"I-I'm fine," I sobbed.

"No you are not. Come here, come on," He said and let me rest in his chest. I felt his hands rubbing my hair. "Shhh, It's okay. It's all right. Everything's gonna be fine." He said comforting me.

And for the mean time, I spit out half of my pain. Kalahati pa lang iyon ngunit halos sumabog na ako sa sakit at hirap, paano kung hindi dumating si Chrysler? Mamamatay na kaya ako?

"Iiyak mo lang iyan. Tapos laban ulit."

Chrysler is good at comforting others. But I can feel his burden, it's heavy too. I wonder what are his struggles, how he manage to calm his demon inside him whenever it burst out.

I cried for a minute only, hindi ito ang oras upang maging mahina. And for a minute, I felt like Marcus was with me. He was always there whenever I'm struggling, and now I have Chrysler. Sana nga, sana magkasundo kami ni Chrysler dahil ko alam kung paano mabubuhay ng maayos kasama sila. Chrysler is an angel in disguise for me, and with him is comfort in the midst of struggles. Sa pagkakataong iyon pakiramdam ko'y nakatagpo na ako nang kaibigan.

"Ang bilis mong umiyak ah." Natatawa nitong sabi matapos kong huminto. Mabigat parin ang dibdib ko, masakit ang sinabi sa akin ng taong lubos kong hinahangaan. Binago nito ang buhay ko dahil ginising nito ang sakit na matagal kong pinapatulog sa aking puso. I'm silently screaming in pain now.

"Ayaw na kitang makitang umiyak ulit." Ani Chrysler, agad naman akong napatingala sa kanya. "Ang pangit mo kasing umiyak." Dugtong nito atsaka humalakhak.

Wow, he's laughing now? Sandali akong natigil sa kanyang inakto, ngunit agad ko rin iyong nabawi atsaka ngumiti.

"T-talaga ba?" Natatawa kong saad habang pinupunasan ang aking mga luha.

He nodded. "Oo, kaya tumahan ka na." He said and smiled at me. I think, I just found a new friend.

"Let's go?" Tumango ako atsaka sumunod sa kanya. I inhaled and deeply exhaled before heading straight with Chrysler. Atleast, I spit out half of my burden.

"N-nasaan na ang iba?" Tanong ko.

"You okay now?" He asked. Tumango ako bilang pagtugon.

"They're probably looking for some gems now, we should search now too." Nagsimula na siyang sumeryoso kaya naman nagseryoso na rin ako.

Ganoon lang ba yon? He didn't feel awkward at all, halos mabasa ko ang damit niya dahil sa luha ko. Parang wala lang sa kanya ang nangyari samantalang ako naman ay halos lamunin na ng lupa sa hiya.

"What did he say to you?"

"A-ano?" Agad akong napalingon.

"Ano bang sinabi niya sayo at ganoon na lamang ang reaksyon mo?" He looks curious.

The Search (PSS, #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon