Chapter 12: Passed Out

5.4K 378 74
                                    

Chapter 12: Passed Out

"VE-LU-RI-YA..."

I heard a familiar sound, it was a woman's voice, an old woman's voice. Iyon ang tinig na palagi kong naririnig noon, the warmth of the voice is giving me peace and serenity. The tranquility I couldn't find is within the woman's sound. Para iyong musika sa aking tainga at hinihiling ko na lang sana'y huwag nang huminto ang oras upang palagi kong marinig ang tinig na 'yon.

"Ve-lu-ri-ya..." I repeated as soon as she said it. "Verulia!"

The voice was suddenly filled with happiness, "Veluriya!"

And my voice became clear as gladness was soon exposed, "Verulia!"

I heard a loud laugh, it was my grandmother's voice, teaching me about my name. What the heck is this? Isang malakas na pagtawa ulit ang narinig ko, tinig ulit iyon ng aking lola at mas malinaw na ngayon. Tinuturuan akong banggitin ang bagong pangalan na ibinigay niya sa akin.

"Kahit anong pangalan pa ang ibigay ko sayo, iisa lang naman ang ibig sabihin nito. Ito ay ang pangalan mo." Sabi ng lola ko habang nakangiti. Ganoon na lamang natunaw ang puso ko. Ang kaniyang ngiti ay tunay lamang na nakakaluha, 'yon na ang pinakamagandang ngiti sa mundo. At natatakot akong kapag naglaho ang ngiting iyon ay katapusan ko na rin.

Nangunot ang akong noo at napalabi, "ang gulo mo naman po lola..."

Tumawa si lola, "Ang apo ko talaga, kahit na anong pangalan pa ang itawag sayo. Iisa parin ang pangalan mo. Balang araw maiintindihan mo ito, mahal na mahal kita apo."

"Mas mahal kita lola..." Sagot ko at niyakap siya ng mahigpit.

"WHAT THE HELL IS SHE DREAMING?"

Ganoon na lamang kadaling naglaho ang mga imahe sa aking isip. Tila ako nabuhusan ng toneladang yelo dahil sa tinig na 'yon. Siguro kung may sakit ako sa puso ay natuluyan na ako. Tinig iyon ng isang lalaki.

What an inconsiderate man. I was dreaming of my grandmother and this bastard just cut it off by yelling. Hindi niya na ni-respeto ang panaginip ko. Sa ilusyon ko na lamang nga nakikita sa lola, napuputol pa. Nawala ang kanina lamang na tinig ni lola, napalitan ito ng tinig ng isang lalaki.

"She's crying, what the hell is happening to her? Did you put the right medicine to her Nathalia?" Sabi ulit ng tinig, mukha itong nag-aalala. Hindi ko maintindihan, hindi ko sila makita. Nasa isip ko lang sila, naririnig ko lamang ang kanilang mga tinig.

"Of course I did! Huwag ka ngang over acting diyan, nananaginip lang siya okay! Ginamot ko siya ng maayos!" Sagot ng isang babae. Mukhang ang babaeng iyon ay si Nathalia.

"Bakit ka ba namomroblema Prinsipe ha? Wala ka namang pakialam sa ganitong bagay ah!" Sumbat pa ng isang babae.

"Whatever you say Coreen!"

"Importante na ba siya sayo ngayon? Ha? Kung makareklamo ka naman d'yan your royal highness, 'di mo nga 'yan kilala." Tila nang-aasar na sabi ni Coreen.

"Are you insane? Of course not, baka mapano 'yan at kargo ko pa dahil sa area ko napahamak!" Ma—awtoridad ang baritonong tinig na iyon. "Bakit kasi nandoon 'yan sa labyrinth ko. That practice was exclusive only to us. What the fuck is she doing there?" Sabi pa nito na nagpatahimik sa lahat. Walang sinuman ang muling nagsalita.

"Who is she anyway?"

If only I could roll my eyes. Gusto kong sumingit sa usapan nila at mag-explain ngunit nahihirapan ako. I think naunang maging conscious ang isip ko kaysa katawan ko kaya malinaw ko na silang naririnig eh hindi parin ako makagalaw. Hindi ako kaagad makasingit. I can't abruptly explain my side na hindi ko kasalanan ang mga pangyayari. May damuho lang kasing kumuha sa akin bilang pain kuno ng grupo at tinakot ako ng isang sentry para pumasok sa labyrinth. Kung pinakawalan lang nila ako ng maayos eh hindi na sana nagkaganito.

Wala akong kasalanan. Kasalanan nila 'to. Gusto ko lang naman mabuhay, ba't kailangan ko pang umabot sa ganito? Sinubukan kong galawin ang mga kamay ko upang siguruhin kung buhay ba ako. And I did! I moved my hands! I'm alive! Ang huling ala-ala ko'y hawak hawak ko ang puso ng ahas na iyon! Wait, are these all real? Hindi ba talaga ako nananaginip? Totoo ba ang lahat ng ito?

"She's—— she's moving," tinig iyon ni Coreen. "She's freaking awake!"

Iginalaw ko ang ulo ko, ang sakit parin ng ulo ko. Naramdaman ko ang tuluyang pagpatak ng luha ko, siguro nga ay naiyak ako sa ala ala ng lola ko kanina. I miss her so bad. I want to think about her every minute, gusto ko nang umuwi para makasama siya, pero hindi madali ang lahat at kailangan kong harapin ang katotohanang naririto ako, isang bilanggo sa Palasyo.

"She's alive!" Muling sabi ng isang tinig.

"Bobo ka ba Greyson? Kita mong gising na na nga!" Pambabara ng isang babae sa lalaking nagsalita.

Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko, sa una'y malabo pa ang lahat. Wala akong maaninag kundi puro puti lamang lahat. Hanggang sa tuluyan ko nang makita ang paligid. There were five of them, at may pumasok na dalawa pa sa silid na kinaroroonan ko.

"She's fucking awake!"

Sinundan ko ng tingin ang lalaking papunta sa akin. Ganoon na lamang namuo ang takot ko, nanginig ako. Paano ba naman kasi seryosong seryoso ang kanyang mukha habang papalapit sa akin.

‘No...’ hindi ako makapagsalita. Mukha kasing hahawakan niya ako anytime, sobrang sakit pa rin ng katawan ko at gusto ko siyang tutulan.

"Hey!"

He snatched my arm's cut. And holy geez-- I'm calling all the names in heavens and earth, all the divines who could heal or remove away the pain to please take this man away from me and mend me immediately because the agonizing pain caused by his reckless touch has just consumed my entirely. My eyes rolled back in pain, gosh-- I can't! It's really too much I just want to die rather than experience such nerve-wracking sting.

"Prince Zavan, no!"

Pagkasabi noon ng isang babae ay muling dumilim ang paningin ko. Everything went black as I felt an excruciating pain.

I think I freaking passed out once again.

The Search (PSS, #1) ✔️Where stories live. Discover now