Chapter 52: Warning

4.3K 254 3
                                    

Chapter 52: Warning

Dinig na dinig ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso pati na ang malakas at mabagal kong hininga. I opened my eyes, I can't move. Pinagmasdan ko ang madilim na paligid. I knew it's evening already, kumikinang ang mga bituin sa langit at nakakasilaw ang liwanag ng buwan. It was ought to be a beautiful scenery but it was not.

Nakatali ang aking katawan sa isang malaking puno habang nakaupo. At nakakaasiwang mukha ng guwardiyang nagbanta sa akin sa labyrinth ang bumungad sa aking harapan. He was building a fire at mukhang napansin nitong gising na ako dahil lumingon ito sa akin at ngumisi.

"What the fuck is a fucking guard doing in here?" Pang iinsulto ko at ikinurba ang labi. "A traitor perhaps?" Dugtong ko. Mukha namang nainsulto nga siya sa sinabi ko, he clenched his fist and his jaw moved in anger. Traydor nga siya. May balak siya, isang madilim at masamang balak.

"Shut up," aniya at tumayo sa aking harapan.

"Hindi na nga ako makagalaw tinalian mo pa ako, ganoon ka na ba katakot sa akin?" Sabi ko at ngumisi.

I saw him smirked, mabilis ang kaniyang paglapit sa akin. Sa isang iglap tumagilid ang mukha ko dahil sa kanyang malakas na sapak. Nalasahan ko ang sarili kong dugo, ngunit ang sakit na naramdaman ko ay muli ko na lamang ininda. Dapat sa ngayon ay manhid na ako, mas malala pa dito ang pinagdaanan ko. At palagi nalang ako.

"You are insane!" Sigaw ko sa galit. Ngunit mas namula siya sa galit nang salubungin ko ang mga titig niya.

"Yes, I am! HA HA, I am!" Sigaw nito at lumayo sa akin.

"Ano ang kailangan mo sa akin? I don't have anything to give you."

"Masyado kang hambog! Ang dapat sa iyo ay pinaparusahan." Sabi niya at pinulot ang isang kahoy na naglalagablab. Nanginig ako ng itutok niya ito sa aking mukha, nasilaw ako sa liwanag nito.

"Masyado kang duwag!" Hamon ko.

Nahinto siya at ibinagsak ang apoy na hawak. Tiningnan niya ako ng masama. He's loud and mad, nagsimula na siyang sumigaw sa galit at nagwala.

"What do you need?" Sigaw ko.

"The throne! The fucking throne!" Sigaw niya at patuloy na nagwala. He started throwing the fire around, pumipikit ako kapag lumilipad sa akin ang mga bagay na itinatapon niya. "The throne!" He's getting wilder and wrathful. He's madly insane!

"A guard wanting the throne? You are mad!" Sabi ko sa maliit na boses. Nahinto siya sa pagwawala at inilagay ang mga kamay sa magkabila kong gilid. My breathing became rapid, masyadong malapit ang kanyang mukha sa akin. Pakiramdam ko'y hindi matutuwa si Zavan kapag nakita niya ito.

"Yes! I'm mad! I'm freaking mad! At wala kang alam, wala kang alam sa trono! I am not just a guard, woman, I am not just a sentry and I will get that fucking throne!" Sigaw niya sa aking mukha. Pwede niya namang ibulong dahil masyado naman siyang malapit, pinili niya paring sumigaw na para namang ang ganda sa pandinig.

"Bakit? Isa ka bang prinsipe?" Hamon kong muli. He's thrilled. Una sa lahat ay hindi ko alam kung bakit ako ang dapat makaalam sa mga problema ng guwardiyang ito, hindi ko din alam kung bakit ako ang kailangang magdanas ng hirap at higanti gayong salta lamang ako sa misyon na ito. Bakit ako?

"Did Prince Zandrus sent you?"

I can't stop my curiosity. Tutal nasa matinding panganib lang naman ako ay lulubusin ko na, atleast nalaman ko kung sino ang nagsugo sa kanya upang dakpin at kitilin ako. "Did he sent you for the throne?" nanggigil kong tanong.

"Woman, wala akong pakialam sa Prinsipeng iyon!" Aniya at parang nababaliw na humalakhak. He's damn crazy, he is really crazy. Napalunok ako. Kung ganoon, imposible namang si Zavan? Hinding-hindi niya gagawin ito. Hindi maaari.

The Search (PSS, #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon