Chapter 41: Five Minutes Rest

4.9K 332 40
                                    

Chapter 41: Five Minutes Rest

Beautiful moments happens in an unexpected time and place. Ni minsan ay hindi dumako sa isip kong makikipag-usap ako sa isang maharlika, ni minsan ay hindi sumagi sa panaginip kong makakausap ko ang isang Prinsipe. Ang lahat ng nangyayari ngayon ay malayo sa aking inaasahan, ngunit hindi ko maikakailang gusto ko rin ang nangyayari ngayon.

It happened so fast, hindi na ako halos makasabay sa mga nangyayari. Ang buong akala ko'y hindi ako makakatagal kasama ang Prinsipe, I thought I wouldn't even survive a day with him. But look at us now, it's been days simula nang pansinin niya ako. It's been days since nagkaroon kami ng komunikasyon. Ilang araw na simula nang magsimula siyang maging makulit, and all I can say is that he's consistent. He is indeed Mr. Consistent, ang kakulitan at mga banat niya noong una na nagpapakilig sa akin ay hindi pa rin nawawala.

Ang lahat ay tila nagbago dahil lamang sa isang halik, sa halik na 'yon. Tila ba nawasak ang bakod na namamagitan sa amin at lubusang nakabuwelo ang Prinsipe. Noong una'y grabe pa ang pagtitimpi niya, hindi niya nga ako pinapansin, tamang titig lang siya sa akin. At nang mawasak ang barikada sa aming gitna ay ibinuhos niya na ang lahat ng kaniyang itinatago. Nag overflow na nga ang kakulitan niya at hindi ko ito ini-expect.

Mr. Consistent, ano pa ba?

The Prince and I continued to look for the remaining stones. Malaki talaga ang nagbago sa amin, gumaan na ang pakikitungo ko sa Prinsipe at kinakausap ko na siya na parang magka-level lang kami, ang nakamamangha ay parang wala lang sa kaniya 'yon. Though I'm still a bit shy, hindi na iyon naging dahilan upang iwasan kong muli ang Prinsipe.

"Chrysler gave me a signal. He and Nathalia found two stones, same with Greyson. Nagka injury si Corinthians kaya isang bato pa lamang ang nahahanap niya. All in all I have the perception that we're going to win this search." Pagkukwento ng Prinsipe sa gitna ng aming lakad.

"Wala pa akong nahahanap," malungkot kong sabi.

Zavan looked at me. He sighed and patted my head as he said; "Well, you can always have my stones, Precious."

Umiling ako bilang pagtugon. "Pinaghirapan mo iyan, makakahanap rin ako. Hindi ako titigil." Sa halip ay tugon ko.

Naramdaman niya ang frustration ko.

"I'm fucking tired," bigla ay sabi niya.

Napalingon ako sa kaniya at umirap, "ako rin naman pagod na."

Malawak namang ngumisi ang loko at ipinakita ang biceps niya. "Halika sa bisig ko, magpahinga ka."

Pakiramdam ko'y muli na naman akong namula dahil dumadagundong na naman ang aking puso. Hind ko siya pinansin, nag-iwas ng tingin. Narinig ko na lamang ang kaniyang pagtawag.

"We've been looking for the whole day, shall we take a rest first?" Ani Zavan at huminto sa isang malaking puno. "Come here, magpahinga ka na muna. Alam kong nagpapahinga rin ang mga echelons ngayon, tirik na tirik ang araw. Ang sakit sa balat." Dagdag niya at pinagpag ang damo sa ilalim ng malaking kahoy.

Kaagad akong pumunta roon at umupo. Saktong sakto gusto ko na rin magpahinga, pagod na pagod na ako nahihiya lang akong magsabi. Nang makaupo ako sa damuhan ay sumandal ako sa malaking punong nasa likuran ko, pagkatapos ay pumikit ako at dinamdam ang tahimik na paligid upang mas makapagpahinga.

I gasped when I felt something or should I say someone in front of me. Napadilat ako at nakita ang Prinsipe na prenteng pinagmamasdan ako sa harap niya. Ano nga bang ginawa ko sa taong ito? Wala akong natatandaang ginayuma ko siya dahil unang una sa lahat ay hindi ko magagawa ang bagay na iyon.

The Search (PSS, #1) ✔️Where stories live. Discover now