Chapter 53: Lost And Found

4.6K 293 8
                                    

Chapter 53: Lost And Found

Pagod na pagod na ako. Palagi na lang akong tumatakbo. Ilang beses na akong sinundo ni kamatayan ngunit hindi siya nagtagumpay. Sinundo niya na nga ba ako? I'm suffering hard, I'm aching and I'm tired. Kusang bumagsak ang katawan ko sa lupa dahil sa panghihina at pagod. I'm always running away, kung bakit ba kasi ako ang naging target ng mga kalaban gayong salta lang naman ako.

I'm slowly realizing my purpose. Hindi ako basta-bastang makakasali sa paghahanap kung wala sa aking plano. Is it to reveal the danger in Eufrata? Ang paglitas nga lang ba sa mga mahihirap ang purpose ko? Mas lalo akong nalilito, dahil ako ang nakakaalam ng mga panganib na magaganap sa Eufrata. Katulad na lamang ng pagnakaw sa trono, I need to warn Zavan about this thing.

About Maximus. Masyado na akong malayo. Hindi ko na alam kung nasaan ako, hindi ko na rin alam kung nasaan si Marcus, at mas lalong hindi ko alam kung nasaan si Zavan at ang mga echelons. Because I don't even know where I am. Pagod na pagod na ako. Nakikiusap ang katawan kong magpahinga, ngunit tumatanggi ang isip ko. Sinusubukan kong bumangon at muling magpatuloy sa paglayo ngunit hindi ko na kaya. I blacked out. I freaking blacked out.

-----

MALAKAS ang pagsampal ng hangin sa akin. Sunod sunod ring pumatak sa mukha ko ang butil butil na tubig. Bigla akong napabangon kasabay ng aking pagdilat. Bahagya pa akong nahilo dahil sa pagkabigla. Wala akong orasan, ngunit alam kong kinabukasan na.

Biglang bumuhos ang malakas a ulan, napatayo ako at napatakbo upang maghanap ng masisilungan. Gusto kong balikan na lang si Marcus ngunit hindi ko alam kung saan na siya naroroon, at natatakot rin akong makasalubong ang sentry na dumakip sa akin.

Nasaan na kaya sina Zavan? Baka naman iniwan na nila ako? Kung bakit ba naman kasi ako pa ang nahiwalay sa kanila. Bahagya rin akong nagsisisi na isinakripisyo ang aking sarili upang makaligtas sina Corinthians at Greyson, tao pa rin naman ako, nakakaramdam ng pagsisisi na ginawa ko iyon at takot dahil nga nasa ganito na akong kalagayan, ngunit hindi ko na mababawi ang lahat. At mas lamang ang aking tuwa dahil ginawa ko ang lahat ng iyon para sa ikabubuti. Naririto na ako, nawawala at walang naghahanap.

I think they left already left me. Kumuha ako ng isang malaking dahon bilang payong sa malakas na ulan. Palakas ito ng palakas, at dahil wala akong matinong nasilungan ay nabasa ako. Basang-basa. Hindi tumila ang ulan kaya naman nagpatuloy ako sa paglalakad. Siguro'y magtatanghali na, ngunit dahil malakas ang ulan at madilim ang langit ay hindi ito halata.

"Zavan," bulong ko sa ere. Umaasang lilitaw siya sa oras na sabihin ko iyon.

Why am I still hoping about this hopeless romance? Unang-una sa lahat ay mas makabubuti nga sa kanila kung iwan na nila ako at bumalik na sa palasyo. I don't know If I can still find my way back home, ngunit masaya na akong mag-isa na lamang na haharapin ang panganib dito sa gubat. Atleast alam kong safe ang grupo, kahit ako hindi.

Argh! Pero hindi, I may look tough and strong ngunit punong puno na ako ng pagod at hirap. Pagod na pagod na rin akong maiwan, palagi na lang akong naiiwan. Palagi nalang akong nagsasakripisyo, is it worth it? Am I really worth it? Napahinto ako at napaluhod sa putik. Hindi ko na kaya, kailangan ko nang ilabas ito.

"I'm tired!" Sigaw ko at binitawan ang malaking dahon sa wala namang silbi dahil nababasa lang naman ako. "I give up!" Muli kong sigaw at umiyak.

Wala na si Marcus, iniwan na niya ako. Pati ba naman si Zavan iiwan ako? Sana nga ay hindi nalang ako umasa, ngunit ako naman itong dakilang tanga ibinigay ng tuluyan ang puso sa kanya. Now look at me, shattered into pieces and lost in nowhere.

Mapait kong sinalubong ang marahas na patak ng ulan sa aking mukha. Tumingala ako, tingin ko'y wala na akong pag-asa pa. Dito na ako sa gubat mamamatay, kung ganoon ay sana pala hindi ko na iniwanan si Marcus. Nangako pa naman akong aalis ako rito ng buhay, dito rin lang naman pala ako mamamatay.

The Search (PSS, #1) ✔️Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum