Chapter 24: Doomed

4.9K 295 13
                                    

Chapter 24: Doomed

Nagsimula na akong magtaka at magtanong sa aking abilidad. Hindi ko inakalang masyado palang malayo ang aming lalakbayin. That moment when I saw something during the eclipse, I experienced the peak of my power. I went to a very vast length to the point that I saw something very far. I don't know why and how, but I think the eclipse itself made a big impact and help to me.

Dahil nakita ko 'yong bagay na nagniningning sa aking mga mata, akala ko'y malapit. Ngunit nagkamali ako, dahil inabot kami ng isang linggo sa paglilibot sa kagubatan patungo sa kwebang iyon. Ganoon kami natagalan dahil bawat lugar na dinadaanan namin ay sinusuri namin upang makahanap ng mga bato.

Nai-imagine ko na kung anong ginagawa ng mga Geologist sa Eufrata, humihinto sila sa iba't-ibang dako ng lugar upang maghanap ng bato o gumawa ng topographic map at inaabot sila ng mahabang araw o linggo. Ang mga kasamahan ko ay talagang professionals, they have equipments that I don't know and I don't understand but they're using it really well and it helps us a lot to determine whether the rock is what we're looking for or not.

At talaga namang kakaiba ang mga kasama ko, dahil sa isang linggo naming pagsasama ay hindi ko pa sila nagiging close. Bakit? Hindi nila ako kinakausap o pinapansin unless may kailangan sila which is napaka bihirang mangyari kaya madalas akong maitsapwera. Salta lang talaga ako sa grupo.

Naiintindihan ko naman sila, they're keeping themselves from speaking too much. Malay nila isa akong spy at kailangan nilang magdahan-dahan, o kaya naman ay kung anong nilalang na may masamang loob at kailangan nilang mag-ingat. They are wise persons, at talaga namang napapasaludo ako sa kanila.

After a week of being left behind, sa wakas ay napansin na nila ako. At dahil iyon sa isang pangyayari sa talaga namang involved akong malala;

My steps were heavy just as how I stepped from that labyrinth in the palace before. Ang kaibahan nga lang ay nasa reyalidad na ako ngayon, this is life and death. This ain't fairytale and illusion anymore. This is happening. My extrasensory perception is awake. Mabilis ang aming paglalakbay patungo sa lugar na tinatahak ko.

I'm leading the way again while they're still surveying the area carefully.

"Are we still far?" Tanong ni Corinthians.

"Malapit na tayo," sabi ko dahil unti-unti nang lumalapit sa paningin ko ang kweba.

"Sa paningin mo malapit na tayo. I can't even see a cave here, it's full of thick bushes and stems." Ani Nathalia.I didn't respond. Dumeretso lang ako. Palapit ng palapit sa aking paningin ang kweba, at tuluyang lumilinaw ang mga bagay na kumikinang sa loob niyon.

"Fray is coming!" Masiglang sabi ni Greyson. Ngunit agad na kumunot ang noo nito pagdapo ng agila sa kanyang balikat.

"What is it Fray?"
Maingay ang agila, hindi ito mapakali. "Did you roam around?" Hindi huminto si Greyson sa pagtanong sa kanyang alaga na tila sila lamang ang naroon at sila lang din naman talaga ang nagkakaintindihan.

"Greyson, what did Fray see?" Tanong ng Prinsipe.

"Marami raw na hayop ang gumagala sa gubat na ito. Mababangis, malalaki at mabibilis. Ang iba raw ay naririto sa lugar natin, malapit mismo sa kinatatayuan natin." Greyson said.

Biglang umakyat ang dugo sa aking mukha ng makarinig ng malakas na kaluskos at tunog. Ibang iba iyon sa normal na tunog ng gubat, it's something more than thick bushes and leaves. Something roared, tinig iyon ng isang leon. Dahan dahan akong napalingon sa aking kaliwa. Bigla akong napahinto, ganoon rin sila. Alam kong ako lamang ang nakakarinig ng tinig na iyon dahil malayo sa amin ang leon. It's 48 meters away from us at tumatakbo ito patungo sa aming direksyon.

The Search (PSS, #1) ✔️Where stories live. Discover now