"Zoiren?!"
Maya-maya pa'y biglang pumreno ang driver dahilan kung bakit ako muntikang mahulog sa kinauupuan ko at napakapit ako sa likod ng upuan. Nice timing Newton's First Law of Motion: Inertia! Muntikan na rin akong sumubsob sa sahig ng van dahil sayo.
"Are you alright everyone?" Nagtanong agad si Prof. Aise sa aming kinalalagyan sa likod matapos magpreno ng driver.
Inayos ko muna ang upo ko at sumagot ako sa kanyang tanong. "Opo Pro. Aise. Maliban na lang sa muntikan akong sumubsob sa sahig ng van."
Tumawa naman nang malakas si Ranzou na talaga namang nakakaasar na sa aking mga tainga. Mukhang magsisimula na namang mang-asar ng kumag na 'to. "Yari ka Zenrie! Lumingon ka pa kasi rito kaya ayan tuloy."
Binatukan naman siya ni Emerson upang tumahimik siya at napatigil sa pagtawa niya. Sa puntong ito pinagsasabihan na naman siya.
"Ibsan mo nga ng konti ang boses mo at baka magising pa ang itong katabi mo kahit nakasuot pa 'yan ng earplugs."
Huminga na lang muna ako nang malalim sabay dungaw sa bintana ng sasakyan. Agad akong nakakita ng isang matayog at napakalaking gusali na mas mataas pa sa Marci Hotel na makikita sa Roxas Avenue at may nakalagay sa may pasukan ng gusali ang pangalan nito. May simbolo rin ito ng isang bituin na kung tawagin ay Sirius. Para rin siyang gusali para sa mga secret agents ng isang series na Alias. Kung tama ang obserbasyon ko, mukhang nandito na kami sa aming destinasyon, ang Sirius Tech Institute.
"Guys, we're here."
"What do you mean Zenrie?" tanong naman ni Althea.
"Nandito na tayo sa ating destinasyon para sa beta testing."
Agad namang nagsalita si Prof. Aise at sumang-ayon sa aking mga sinabi.
"Tama si Ms. Zenrie. Bumaba na kayo sa sasakyan at dalhin niyo lang ang bag na ginagamit niyo, habang ang iba naman gaya ng mga bagahe niyo ay iwan niyo na lang sa loob maliban sa gadgets at iba pang mahahalagang kagamitan. Huwag na rin kayong mag-alala dahil mahigpit ang security system ng van at hindi ito madaling manakaw at sirain ng kuno sinuman."
"Whoa! Ang astig!" namamanghang sabi ni Althea. "It looks like a car of a secret agent."
Ngumiti naman si Prof Aise kay Althea sa mga munting papuri nito. "We're using the advance technology for this van just like in Japan where Virtual Reality Massively Multiplayer Online technology was originated. Malalaman niyo rin ang iba pang mga detalye sa pagpasok natin sa loob ng gusali," paliwanag niya sa amin.
Nang mabanggit niya ang tungkol sa VRMMO tech, mukhang mas nasasabik na ako sa beta test na ito pati na rin ang ibang detalye tungkol sa Sirius Tech. Parang pinagsanib-pwersa nila ang mga ideya ng mga magagaling na eksperto sa teknolohiya gaya ng nasa mga kuwento. How can you imagine that some scifi stories come to life in the future?
Dinala ko agad ang aking bag at lumabas na sa van kasama ang iba ko pang mga kasamahan at sumunod kay Prof. Aise para sa pagpasok sa gusali. Isa-isa na rin niya kaming binigyan ng ID pins na nagpapatunay na kami ay kabilang sa isasagawang beta testing ng proyekto sa Sirius Tech. nakapaloob dito ang pangalan at unibersidad na kinabibilangan namin. Ang sistema nila ay kagaya rin sa estilo ng unibersidad namin na itapat lang ang ID sa scanner at bubukas na ang pinto para sa inyo.
Nang makapasok na kami sa gusali ay namangha kami sa aming mga nakita sa loob. Napakaaliwalas ng hallway at tanggapan ng gusali na may kulay puti, pilak, at asul na kulay ng pasilyo. Para talagang sa isang 5 start hotel o secret agency ang estillo ng lugar na ito. The reception desk is in color silver and there are three receptionists there that use a holographic computer technology that they can only tap the screen and work. Everything you can see here is technologically advanced. Pero kahit ganoon, may nakikita rin akong mga halamang nakatanim sa tatlong maliliit na plant box gaya ng mga karaniwang ornamental plants at bonsai. May nakita rin akong mga asul na rosas na nakalagay sa bawat vase na talagang napakaganda.
ESTÁS LEYENDO
Class Code: ERROR
Ciencia FicciónHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 2: Sirius Tech Institute
Comenzar desde el principio
