Pawang biro naman ang lahat ng ginagawa namin sa tuwing nag-uusap kami at walang personalan na nangyayari basta huwag na huwag lang babanggitin ni Ranzou ang aking pseudonym sa laro at baka may iba pang tao ang makakarinig.
Ayaw ko lang din namang ako lang ang kakain habang nasa biyahe kaya dumukot ako ng tatlo pang biskwit sa bag at ibinigay sa kanila. Matuto ring magbigay kahit may kasamahan kang pagkain ang lagging iniisip minsan. "Baka sakaling nagugutom kayo gaya ni Ranzou, kaya nagdala ako ng pagkain para sa atin," sabi ko.
Kinuha naman ito nila Ranzou at nagpasalamat.
"Salamat Zenrie," sabay na sabi nina Althea at Emerson. "Lagi talagang handa itong commander natin ah." Sabi naman nni Emerson.
"Salamat Kaz--- Ibig kong sabihin Zenrie!" Masiglang kinuha ni Ranzou ang biskwit at agad na kinurot ang aking kanang pisngi.
Umalarma tuloy ang munting tunog sa isipan ko nang muntikan na niyang banggitin ang aking pseudonym sa laro. Parang may makakatikim talaga sa akin ng isang malutong na sampal dahil sa bagay na ito. I glare at him like I was about to draw my sword and cut his head in just 00.1 second.
Kinalauna'y napangisi na lang ako sa kanya nang magulat siya. "Walang anuman Ranzou. At sa susunod na susubukan mong akong tawagin sa aking game pseudonym, talagang babawiin ko ang biskwit na 'yan at hindi ako magdadalawang-isip na sipain kita palabas ng van. Baka may makakakilala sa akin dito sa laro nang hindi natin alam."
Maingat na maingat dapat ako sa bagay na ito. Ayokong may bigla na lang sasakmal sa 'kin dahil sa rank.
"Para sa isang taong itinago ang kanyang cyber world identity sa laro dahil sa rank, mahirap talagang gawin 'yon. Baka bigla ka pang hanapin na parang usa," pagsang-ayon naman ni Althea. Binuksan na niya ang pambalot ng biskwit na binigay ko saka kumain ng isang piraso. Talagang hindi matitiis ang gutom sa biyahe lalong-lalo na't traffic.
"Sinabi mo pa," sagot ko.
Maya-maya pa'y may napansin si Emerson sa tabi niyang tila nakatapik pa ang mukha ng kulay pulang panyo at nakasuot pa ng earplugs na pula rin sa tainga na nakikinig ng musika sa phone niya.
"Guys, looks like we have another student who wants to accompany us for the beta test. I guess Zenrie and Althea knows about him," sabi ni Emerson.
Napaisip ako bigla sa kanyang mga sinabi.ni Emerson kaya napalingon ako sa likod. Sa pagkakaalala ko kaming apat lang na beta testers ang nandito sa van. Medyo nangangamba tuloy ako kung sino man 'yan at ba ang isang 'to ay nakikinig sa usapan namin at malaman niya ang itinatago kong virtual self.
"Huwag kang mag-alala Zenrie kanina pa siya nakatulog d'yan habang suot-suot ang earplugs. Hindi rin halatang kasama natin siya dahil medyo payat siya. He's kind a skinny as what we think," sabi naman ni Ranzou.
Pareho kaming nagtaka ni Althea at mahinang tumawa sa mga narinig niya.
Pero sandali, tama ba 'yong narinig ko sa kanya? Skinny?
Hindi ko alam kung mangngamba ako o matutuwa sa pagkakataong ito dahil kilalang-kilala ko kung sino ang tinutukoy niya. At 'yong pangambang tinutukoy ko, baka malaman niya kung ano ang aking game pseudonym at ang player na pinag-usapan namin kanina habang nananghalian. Pero 'pag hindi naman siya at ibang estudyanteng ang kasama namin na isang comsci genius, mas malala pa 'yon. Sana nga lang mali ang pumapasok sa utak ko ngayon.
Nagkataong nalaglag ang kulay pulang panyo mula sa kanyang mukha at umalinag sa aking mga mata ang napakapamilyar na estudyante. Naku lagot! Kung hindi ako nagkakamali, kasama pala namin si...
أنت تقرأ
Class Code: ERROR
خيال علميHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 2: Sirius Tech Institute
ابدأ من البداية
