Chapter 2: Sirius Tech Institute

Start from the beginning
                                        

"Exactly---Teka! Zenrie?"

Nasorpresa si Emerson at Ranzou nang marinig nila ang boses ko. Sumilip agad silang dalawa sa harap at nagkasalubong pa ang mga tingin namin nang lumingon ako sa likod. Ewan ko lang kung matatawa ako sa mga reaksyon nila. Kung may phone sana ako ngayon malamang kanina ko pa sila kinunan ng stolen shots.

"Kumusta?" masaya kong bungad sa kanila. "It looks like you're getting curious about Virtualrealmnet huh."

"Ganoon na nga Zenrie!" Masaya namang sumagot si Althea na katabi ko lang pala. Medyo nakaramdam ako ng gulat nang bigla ko siyang narinig magsalita.

Hindi ko akalaing kasama pala ang mga kaibigan ko sa beta test na ito. Sigurado talaga akong magiging masaya ang tagpong ito sa kabanata ng buhay ko bago pa man magsimula ang community quarantine.

"Naisip ko lang, siguro ang Virtualrealmnet ay gagamitin ni Prof. Leizuko para sa pagsasagawa ng online class. Alam naman nating maraming mga estudyante ang walang pambili at available na gadgets at internet connection lalo na sa mga bukirin," dagdag na sabi ni Althea.

"'Yan din ang nasa isip ko," pagsang-ayon ko sa kanya. "An online class in virtual reality world is really new and unique idea to discover. Pakiramdam ko nagsagawa sila ng mabusising pananaliksik bago nila isagawa ang proyektong ito."

Napaisip tuloy ako. Sa proyektong Virtualrealmnet, isa sa mga magiging aspeto nito ang pagiging bahagi ng iyong virtual self na kung saan ang iyong pagkatao sa cyberworld ay lalabas din. Puwera na lang kung magaling kang magtago at gumawa ng paraan para hindi nila mahalata ang kinaiingatan mong sikreto. Mapalad na lang ako dahil sila Ranzou ang nakasama ko rito. Pero paano na lang kung may isa pa kaming kasamahan dito na malalaman niyang ako ang tinutukoy ni Zoiren kanina?

Sandali, kasali kaya si Zoiren sa beta test na ito?

Nakaramdam ako ng gutom habang nasa biyahe kaya minabuti kong kumuha ng biskwit at tubig sa bag ko. Mukhang hindi pa rin tumalaba ang kinain kong pananghalian kanina ah. Nagutom na naman ako ulit.

"Siguro nga Zenrie," pagsang-ayon naman ni Ranzou. "Sa oras na maging matagumpay ang proyektong ito, ipapasa na ito sa kagawaran ng teknolohiya at edukasyon at iaapruba ito. Pabor naman ang planong ito ng gobyerno at isa pa ipapamahagi na nila ito sa mga estudyanteng pasok sa kanilang survey nang libre. At para naman sa mga may maraming pera at mataas ang antas ng buhay, pwede nila itong bilhin sa halagang 10,000 pesos. Isa na rin sa mga beta testers ang malilibre sa Virtualrealmnet kung tutuosin," paliwanag niya.

Ang galing din ng obserbasyon ni Ranzou kung tutuosin ah.

Hindi ko namalayang dumukot na siya ng biskwit na hawak ko at agad kong pinalo ang kanyang kamay at napailing ito. May estratehiya pa talaga siyang nalalaman para makakuha lang ng pagkain ah. Hindi na 'yan tatalab sa'kin dahil minsan ko na 'yang ginawa noong bata pa ako.

"Aray naman Zenrie! Pahingi naman ng biskwit oh! Kanina pa ako nagugutom eh!" Ranzou exclaimed after I caught his act.

Pagdating din talaga sa pagkain hindi rin siya aatras sa bagay na 'yan.

"Magpaalam ka muna kasi kay Zenrie kung ayaw mong gamitin niya sayo ang kanyang critical sword skill. Hahahaha!" pang-aasar ni Emerson sa kanya.

Sa grupong ito talaga hindi maiiwasan ang mga asarang ganito lalo na kung nagkataong natalo kami sa laro ng isang beses. Pagdating naman sa asaran, si Ranzou talaga ang pinuno sa kalokohang ito lalong-lalo na sa 'kin. Palibhasa'y ako ang sinasabi nilang top rank player sa isang online game dahil sa mala-assassin kong skill bilang sword player at sa magaling na taktika at koordinasyon. Isa na rin doon ang pagiging solo player ko.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now