"Huwag kang sumakay d'yan Zenrie Darling! Dudukutin ka nila at ibebenta ang lamang-loob mo!" sigaw ng mokong.
Sa totoo lang kahit saan ako magpunta minsan sinusundan niya ako. Nakakatakot siya kung tutuosin at dinaig pa si Yuno kung mang-stalk at sa totoo lang nakakabwisit na siya. Kinompronta ko na siya minsan at binusted nang sinubukan niya akong ligawan pero 'di pa rin nadadala. May pagkakataong sinapak ko na siya nang tuluyan nang subukan niya akong yakapin at talagang mapupunta na sa harassment ang ginagawa niya. Pero kahit napuruhan, ayaw pa rin niyang tumigil. Kailangan ko na bang tumawag ng espesyalista sa utak para rito o pulis?
Kukunin ko na sana ang ginawa kong improvised stun gun sa bag nang bigla na lang kinuha ng babae ang kanyang ballpen at pinindot ang kulay asul na button na siyang nagpakawal ng maliit na karayom na mas maliit sa kadalasang ginagamit para sa pananahi. Dumirekta ito sa balikat ni Sack at natumba. Nagulat ako sa ginawa niya at naaastigan sa parehong dahilan.
"Don't worry Ms. Zenrie. It's just a dissolvable tranquilizer needle and safe for humans, then the effect lasts up to 10 minutes. At gaya mo, ayaw na ayaw kong may sumusunod sa akin lalo na't isang stalker," nakangiting sabi ng babae.
Grabe ang astig niya! Para siyang isang sci-fi agent sa isang light novel series na nabasa ko.
"My name is Prof. Aise Domingo from Sirius Tech Institute and I'm also the executive assistant of Prof. Yuan Leizuko," pagpapakilala sa akin ng babae.
"It's nice to meet you Prof. Aise. Ang astig niyo po," masaya kong saad sa kanya.
"Ganoon din ako Ms. Zenrie," tugon niya at ngumiti. "Kailangan na nating pumunta sa Siruis Tech Institute Building ngayon. Nasasabik nang naghihintay si Prof. Leizuko sa inyong lima. Ang iba ay nandoon na sa building kaya tayo na't umalis."
"Opo Prof. Aise," nagagalak kong saad.
Bago pa ako pumasok sa loob ay inutusan na niya ang driver na kunin ang aking big bag at maleta sa likod ng van at isakay. Tanging dala ko lang ngayon ay ang aking itim na bag na ginagamit ko sa klase na may tatlong keychain. Sumakay na agad ako sa van at nakahanda na kaming umalis.
Nananabik na talaga ako para sa beta test na ito. Sigurado akong magiging maya ang araw na ito at may madidiskubre akong mga bagay na hindi lang sa libro niya mababasa kundi makikita mo na talaga sa dalawang mata mo.
Habang nakaupo sa gitnang bahagi ng van, nakakarinig ako ng tatlong pamilyar na boses sa aking mga tainga at nag-uusap pa. At 'yong pangatlo naman ay katabi ko lang at hindi ko medyo namamalayan.
"Ito ang pinakaunang beses na sasali tayo sa beta test ng isang napakagandang proyektong ito! Sigurado akong magiging masaya 'to!" Nasasabik na sabi ni Ranzou sabay palakpak nang isang beses. Para siyang sea lion sa ginagawa niya.
"Ako nga rin eh. I'm pretty curious on what Virtualrealmnet looks like. At ngayon ay gagamitin nila ang teknolohiya ng virtual reality massively multiplayer online o VRMMO na naisasagawa na rin sa ibang bansa gaya ng Japan ang beta test nito bago pa man umusbong ang pandemya," dagdag naman ni Emerson na nasasabik na rin.
Hindi na rin ako nag-atubili pang sumali sa kanilang usapan at para na rin masorpresa sila nang konti.
"Tama ka Emerson," pagsang-ayon ko sa kanya, "Hindi lang ito dahil sa pumatok at naglipana na ang mga light novel at anime series na may kuwentong ginagamit ang VRMMO technology, ginagamit na rin ito para sa psychological theraphy para sa mga pasyenteng nakakaranas ng depresyon at dementia. Pero sinusubukan din nilang gamitin ito para sa isang memory recovery sa mga pasyenteng may amnesia lalong-lalo na sa lon-term retrograde issue," dagdag kong paliwanang sa kanila. Mukhang hindi lang pala ako ang intersado sa usaping teknolohiya lalong-lalo na sa VRMMO rito ah.
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 2: Sirius Tech Institute
Start from the beginning
