EPILOGUE

464 33 104
                                    

Ehan's Pov

“Hmm...” Usal ko pa. Nakaamoy ako ng chemical. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.

Naramdaman kong may luha na tumulo mula sa mata ko. Napakarealistic ng panaginip ko.

May kasama raw akong babae, kasama ko sa adventures tapos lagi ko siyang pinagtatanggol hanggang sa isang araw na-inlove ako sa kanya. Masaya kaming nakaupo sa ferriswheel at naalala ko pa na umiiyak siya.

Doon natapos ang panaginip ko. Hindi ko man lang nakita o naalala ang mukha niya. At hindi ko na alam kung ano na ang nangyari matapos naming maupo sa ferris wheel.

“Omy! Gising kana!” Napangiwi ako nang may marinig akong sigaw. Tss. Nakakairitable ng kanyang boses.

“Doc!” Sigaw pa ni Coleen at lumabas. Napailing na lamang ako.

Inilibot ko ang paningin at nasa ospital pala ako. Bakit ako nandito? Ano ba ang nangyari?

Dahan-dahan akong naupo, ngunit nakaramdam ako ng pananakit sa katawan at ulo ko. “Aray.” Daing ko pa.

Bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Jeriche na mukhang gulat na gulat at di makapaniwala sa nangyari.

“Gising kana?” Aniya. Di kakikitaan ng saya ang mga mata niya. Ngumisi ako.

“Why? Is it better that I die?” Sarkastiko ko pang sabi. Ilang segundo matapos kong sabihin yun ay nag-iba ang ekspresyon niya. Ngumiti siya na para bang inosente at masaya.

“Mapagbiro ka naman. Of course not. Why would you?” Aniya at umiling. Ngumisi na lamang ako na tila ba naniniwala ako sa kanya.

I know you better that anyone else.

Nang makarating si Coleen ay bumubula ang bibig niya kakasalita e hindi naman ako interesadong pakinggan iyon.

I fell asleep for two years. I know maraming nangyari at hindi ko alam kung papaano ako mag-uumpisang muli.

Ang huling naalala ko lang ay nag-inuman kami kina Jeriche. Birthday niya kaya ayon. Nagmaneho ako pauwi at hindi kumakagat ang break dahilan para andito ako ngayon. But even I, don't sure about this. Ito ay ayon sa statement ng tito chief ko. I don't even remember kung uminom ba ako e.

Alam kong masyado akong napuruhan noon, at hindi ko alam kung bakit buhay pa ako ngayon.

Nang idischarge ako palagi nang dumadalaw si Coleen sa amin. I know my gusto siya sa akin but, I don't feel the same way.

Hindi ko siya gusto.

Ang gusto ko ay makilala ang tao sa panaginip ko.

Although, alam kong impossibleng magkatotoo ang panaginip ngunit hindi ko alam ang pumasok sa utak ko at minahal ko ang taong hindi naman nag-eexist.

Gabi-gabi kong pinapanalangin na sana ay mapanaginipan ko iyong muli ngunit wala. Hindi na muli pang naulit kahit pa ilang araw na ang lumipas.

Pumunta ako sa prisinto para tanungin kay tito chief kung ano ba ang nangyari nung gabing naaksidente ako. Matapos ko siyang kausapin ay napag-alaman kong sinadya at planado ang pangyayari. Imposible raw na magkaganun ang break ng sasakyan since bago ito at hindi iyon basta-basta masisira.

May nawala raw kasing isang piyesa sa sasakyan kaya ang hula nila, inalis ito para mawalan ng break ang sasakyan.

Alam kong kilala ko lang rin ang may gawa nun. Marami akong nakalaban at maraming nagtangkang kunin ang buhay ko pero heto pa rin ako, humihinga. Ni isa sa kanila, walang nagtagumpay.

My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon