Chapter 41

2.6K 98 27
                                    

Di makapaniwalang tinitigan ko ang taong niyakap ko nang wala man lang paalam.

Si Ehan nga. Agad na tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa halo-halong emosyon na naramdaman ko.

Nandoon ang kaba at takot mula kanina. Pero namutawi naman ang saya at kilig na naramdaman ko ngayon.

“Ehan? salamat.” Saad ko pa at niyakap siyang muli. Naramdaman kong may tumulong luha sa mata ko kaya pinunasan ko ito.

Hinayaan niya lang akong yakapin siya ng ilang segundo. Namiss ko to. Namiss ko yung pakiramdam habang yakap ko siya.

Kusa na akong bumitaw dahil medyo naaawkwardan ako since, di ko naman kaharap ngayon ang Ehan na kilala ako. Kundi, itong Ehan na to ay gustong-gusto ako palayuin sa kanya.

Tumayo siya at walang salitang tinalikuran ako.

Ambastos naman nito. Di man lang ako tinulungan makatayo.

“Sandale.” Sigaw ko pa nung nagsisimula itong maglakad palayo. Di siya huminto sa paglakad kaya hinabol ko siya.

“What now woman?” Iritableng tanong pa niya habang nakasimangot na nakaharap sa akin.

Pinaglihi ba 'to sa galit?

“Paano mo nga pala nalaman na nandito ako?” Curious ko pang tanong. Eh, di naman kasi masyadong matao ang lugar na iyon kaya nakakapagtaka lang na nandito siya.

Umiwas naman ito ng tingin saka umubo. “I'm not feeling well, can I go?” Aniya at di man lang sinagot ang tanong ko. Hmp. Iniiwasan ba niyang sagutin iyon dahil sinundan niya pala ako? Hmm...

Kumunot naman ang noo ko sakanya. Bahagya itong napaatras nung ilapat ko ang palad ko sa noo niya.

Mainit nga siya. Napalingon ako sa mga braso niya, may mga galos ito at medyo dumudugo pa yung ibang sugat na natamo niya. Siya kasi ang naging shield ko sa semento eh kaya halos siya ang nakatamo ng mga sugat.

“Tara sa bahay.” Sabi ko pa. At hinawakan ang kanyang kamay para sana hilain siya ngunit agad niya naman itong binawi.

“Are you crazy?” Di makapaniwalang tanong niya pa. Oo nga pala, hindi sila bati ni kuya.

Eh, pake ko ba?

Di ko na siya pinakinggan at hinawakan kong muli ang kanyang kamay at hinila siya papuntang bahay namin. Dami niya kayang sugat aba.

Di ko naman hahayaang masaktan yung mahal ko ano. Charing.

“Hey, you don't understand!”

“Woman, let go of me.”

“I am warning you.”

Kanina pa siya nagpupumiglas o nagrarason na di siya pwede sa bahay namin at baka mag kasuntukan sila ni kuya.

Baka raw magasgasan pa ang kanyang iniingatang mukha dahil mabagsik daw si kuya sa suntukan.

Tinatanong ko siya kung anong meron between them, e ayaw naman niya akong sagutin. Makakakuha na sana ako ng chismis about kay kuya kaso di naman tsismoso 'tong isang to porket naging tao na.

Kung alam niya lang kung gaano siya ka chismoso nung multo siya, naku pati siguro siya ay maiirita sa sarili.

Pasimple pa to si Ehan e. Kayang-kaya niya namang makawala sa hawak ko pero nagpapahila rin naman siya. Mas malakas siya kumpara sa akin kaya anytime, ay pwede siyang makakabitaw kaso mas pinili niyang magpakulong sa hawak ko.

Naks, pasimple. Kilig ako dun ah.

Halos sa buong paglakad namin papunta sa bahay ay reklamo niya ang naririnig ko ngunit, di ko siya pinapakinggan at nanatiling kalmado.

My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon