Chapter 4

5.3K 213 50
                                    

Nakakapagtaka. Nakakatakot. Nakakakaba. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang nilalang na nakaupo sa upuan ng study table ko. Nakasuot ito ng t-shirt na kulay itim at pants na kulay itim rin.

Ni hindi ko kilala kung sino siya at di ko rin alam kung papaano siya nakapasok.


Nakatalikod ito sa akin nung tinanong ko siya kaya hindi ko nakita ang kanyang panlabas na anyo. “Si-sino ka? Pa-paano ka nakapasok? A-anong kailangan mo?” Medyo natatakot kong sabi.

Eh baka kasi mamaya, rapist to o magnanakaw o di kaya killer. Aba! Kahit full of horror ang buhay ko, mahal ko pa rin ‘to noh.

Nakita kong ibinaba ng ewan kung sino to ang librong binabasa niya saka dahan-dahang humaharap si kuyang trespasser.

Ay! May pa slow motion effect pa siyang nalalaman ah?

Nang tuluyan na itong makaharap sa'kin ay nabitawan ko ang mga chichirya na binili ko kanina. Dinala ko kasi eh, nalimutan kong ikwento.

Para may props ako sa gulat scene na’to.

Pero, syet lang. Multo! MAY ISANG MULTONG NAKAPASOK SA KWARTO KO! O well, di naman na imposible yun. Pero please naman, gusto ko ring mag day off sa kakacommunicate sa multo uy. Nakakatakot rin kaya.

Ngumiti ang multo kaya kinilabutan ako at napaatras ng konti. Maputla na ito, kaya malalaman mong multo nga.

May medyo mahaba-habang itim na buhok. Matangos na ilong at manipis na labi. May pagkachinitong mata at makapal na kilay. Iba! Siguro, heartthrob ito nung nabubuhay pa. May capacity eh.

“Nagulat ka ba? O na starstruck sa kapogian ko?”

Biglang nawala ang takot ko nung bigla siyang magsalita. Pamilyar ang boses niya, inisip ko kung saan ko ito nadinig at tama nga. Ito yung pasaway na multo.

Inirapan ko ito, at bigla akong may naalala, na tila may umilaw na light bulb sa taas ng ulo ko.

Nilapitan ko siya at binatukan ng pagkalakas-lakas. Aha! Akala niya ah? Baka di niya alam, kaya kong hawakan ang multo.

Aray! Ang sakit ah! Papatayin mo ba ako?” Aniya. Natawa ako sa naging reaksiyon ng multo. Buti nga sayo! Sobra-sobrang kahihiyan at pagpipigil inis ang dinanas ko sa kanya ah. Mahirap hirap rin yun.

“Oy. Wag kang feeling. Patay ka na uy. Kaya nga multo ka na eh, diba?” Iiling-iling ko na sabi. Masyadong feeling naman to. Pinulot ko ang mga chichiryang binili ko kanina. Sayang pa to, ansarap pa naman na habang nagmomovie marathon eh may kinakain.

Hindi ko alam kung bakit hindi na ako natatakot sa multong kaharap ko ngayon.

Kahit na di ko pa siya gaanong kilala.

At di pa gaanong nakakausap.

Para kasing, andali niyang pakisamahan. Ewan ko.

Maiba ako, natakot ka ba sa inasal ko kanina? Epektib ba yung slow mo, ko?”

Aniya. Napanganga ako aa kanya. Mygad! Di ako makapaniwala sa tinanong niya. Hindi ko alam kung, matatawa ba ako o maiinis sa katanungan niyang walang sense. Napailing ako. Hayup!

Tinignan ko siya na tila sinusuri. “Kung wala kang gagawing matino, pwede? Alis na. Bukas pa ako mag eentertain ng multo dahil pagod ako? Ha? Alis!” Saad ko ng deretsang nakatingin sa kanya.

My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon