Chapter 20

2.8K 125 22
                                    

Ehan's PoV

Matapos kong umalis nung gabing nagkasagutan kami ni Jell ay kung saan saan na ako pumupunta. Natutulog ako sa Mall sa bandang pabilihan ng mga foams, sofas and beds dahil bukod sa malamig dun eh, ang lalambot pa ng mga kama. Tutal, di naman nila ako nakikita.

Pero ganun pa man, lagi kong binabantayan si Jell mula sa malayo, ang akala niyang wala ako ay mali pala. I'm always at her side kahit di niya alam.

Kaya nga nung mahimatay siya dahil sa multong manyakis na yun ay di na ako nagsayang ng minuto para bugbogin ang multong yun. Ang pinagtataka ko lang, nung di na siya makaahon pa sa tindi ng pagkakabugbug ko ay pinalibutan siya ng itim na usok saka biglang nawala.

Nagpabalik-balik ako dun para tignan kung naroon pa siya ay bigo ako. Wala ng bakas niya ang nagpaparamdam pa. Lagi rin akong dumadalaw kay Jell tuwing tulog siya sa ospital. Ewan ko ba, bakit di ko kayang lumayo ang paa ko sa kanya. Hindi kaya, magkamag-anak ang mga paa namin? Tsk.

Kasalukuyang magkaharapan kami ni Jell. May luhang pumapatak sa mga mata niya. Bakit ba to umiiyak? Lumapit ako sa kanya upang punasan ang luha sa mata niya ngunit tinabig niya ito at isang malakas na pambabatok ang aking natamo. "Aray! Para saan yun ha?." Tanong ko.

Nagpamewangg naman ito sabay taas ng kanang kilay. "Saan ka ba nagpupupunta ah?! Bakit bigla ka nalang umaalis! Akala ko di ka na babalik!." Aniya at pumatak naman ang luha niya. Magsasalita na sana ako ngunit bigla naman itong nagsalita. "Bakit ba ako umiiyak?.." Pag puna niya pa sa sarili.

"Siguro kasi namiss mo ko at masaya kang nakita mo ako?." Saad ko. Napakunot naman ang noo nito. "Kapal din naman ng kaluluwa mo noh? Psh." Aniya. Hinila ko siya at niyakap. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko.

Miss ko siyang kausap ah? "Sorry sa mga nasabi ko. Wag ka ng umalis ng pabigla ah? Di mo alam kung gaano kalaking konsensya ang hinatid mo sa akin." Aniya. Napatawa naman ako ng mahina. "Wag mo nang isipin yun. Di na ako aalis, di ako mangangako pero susubukan ko." Saad ko bago humiwalay sa yakap ko.

~Grooooooowl~

Napahawak ako sa tyan ko. Ilang araw rin ako walang kain ah? Dinig kong napatawa siya ng mahina. Napasimangot naman ako. "Wag kang tumawa jan. Kasalanan mo 'to." Sabi ko pa sabay nguso. Nagulat naman ako nang kinurot niya ang pisngi ko. Sakit ah? "Sige na. Tara, bili tayo ng pagkain." Saad niya pa. Ngumiti naman ako ng malapad. Finally, after how many days makakakain na rin ako.

**

Matapos ang mahabang diskusyon kung saan kami kakain ay nauwi ito sa pag take out ng meal galing sa Jollibee. Kanin na may manok tas coke lang ang binili niya na may kasamang spaghetti, burger and fries.

Kumain kami sa may burol na tambayan namin dahil buti nalang naisip niyang malaya akong makakakain dito at hinde dun sa street foods na gusto niya. Baka mamaya magsitakbuhan yung mga taong di nakakakita sa akin dahil sa lumulutang na fishball. Tsk.

"Iyo na 'tong kanin ko oh." Abot niya pa sa kanin niya. "Sigurado ka ba? Hindi ako hihinde dahil gutom ako." Saad ko pa. Napatawa naman ito saka umiling.

Sarap sa feeling na makakakain na rin ako. Di na ako aalis ulit kundi magugutom lang ako kahit na mahigit dalawang taon naman na akong gutom.

Ilang oras lang ang lumipas ay bumalik na kami sa bahay nila ang sabi niya raw kasi, dapat maunahan daw niya ang kuya at mama niya sa bahay nila kundi malalagot siya.

Nang makauwi kami ay wala kaming nadatnan ni isang tao. Umakyat si Jell para makapagbihis ng pambahay kaya naiwan ako dito sa kanilang sala. Pinaandar ko ang tv nila at naghanap ng magandang channel. Nahinto ako nung natapat ito sa Disney channel. Saktong may isang series itong pinapalabas. Phineas and Ferb.

My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon