Chapter 11

3.6K 155 11
                                    

Mag-iisang linggo na matapos ang insidenteng muntik nang maghatid sa akin  ng maaga kay kamatayan.


Medyo gumaling na rin ang mga sugat ko ngunit ang troma sa akin naririto pa rin.

Kasalukuyan akong nasa upuan ko’t nakikinig ng mga aralin. Nakikinig nga ba ako? Nakakatamad eh. Naramdaman kong medyo bumibigat ang mga mata ko. Inaantok yata ako eh, di kasi ako masyadong nakatulog dahil tinapos ko ang last episode ng Strong Woman. Ang ganda kasi eh. Hikhikhik.

Dahil inaantok na nga talaga ako ay di ko na napigilang matulog sa loob ng klase. Bahala na si Sir. Nakakatamad makinig sa mga eksperimento niya sa math.

“Ms. Amando..”

“Ms. Amando!”

Bigla akong nagising nang makarinig ako ng isang malakas na sigaw kasabay ng hampas sa mesa ko. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin na sa akin. “You dared to sleep in my class huh?” Nangangalaiting tanong ng prof kong matanda. “Get out!” Sigaw niya.

Edi lalabas!

Agad kong kinuha ang mga gamit ko at dali-daling lumabas. At sa paglabas ko ay nakita ko si Ehan na nakasandal sa poste. Nagmukha tuloy siyang model ng poste. Tatakbo sana ako papunta sa kanya ng biglang nagkabanggaan kami ng isang taong tumatakbo din. Letse to ah? May pa running ba?

Buti nalang di ako natumba at di rin nalaglag ang mga dala ko na katulad sa mga pelikulang napapanood ko na masyado ng cliche.

Mahinang banggaan lang naman. Mukha rin naman kasing nakapreno ang nakabangga sa akin eh.

“Sorry..” Teka. Pamilyar yung boses na yun ah? “Jeriche?.” Omyyy. Yung crush ko! Biglang tumibok ang puso ko. Nakakakilig. Ang pogi niya talaga. “Oh. It's you again? What was your name again?” Tanong niya ngunit inirapan ko lang siya at tinalikuran. Ganon ba kahirap tandaan ang pangalan ko?

“Jell..” Napahinto ako nang banggitin niya ang pangalan ko. Bigla ko siyang nilingon. “Naalala mo?.” Tanong ko pa na tila nabuhayan ng pag-asa. “Uhm.. yeah?” Aniya. Tumalikod ako at biglang nangiti na parang nagtagumpay. Wala nang mas magpapaganda ng mood ko.

“Aray!” Bigla akong napasigaw nang may maramdaman akong pambabatok galing sa letseng multong to. Panira. Hinimas ko ang batok ko dahil sa kirot. Humanda siya, di ko siya papakainin mamaya.

“Are you okay?” Nagulat ako nang lumapit sa akin si Jeriche at hinimas ang batok ko.

Tug tug.


“Ah-ah.. May kumagat lang sa akin eh. Okay na ako” Sagot ko naman. Inalis niya na ang kamay niya kaya napahinga ako ng maluwag. “Where are you heading now?.” Tanong niya pa. Nagkibit balikat naman ako. “Ewan.” Malay ko ba kung saan na ako ngayon. Magi-skip nalang ba ako ng susunod pang subject? Hayst.


“Oh. I need to go. See you!” Aniya at kumindat pa. Mamamatay na yata ako! Kinindatan ako ng crush ko. May pag-asa ba? Kung meron, naku! Pakasal na agad. Anlandi ko.


“Tama na kakadaydream. Di ka gusto nun.” Pinitik ako ni Ehan sa noo kaya sinipa ko naman ang tuhod niya. Kanina pa yan siya ah! Masyadong panira. “Pake mo. Magugustuhan din ako nun.” Pagsisiguro ko pa saka nauna nang maglakad.

Naramdaman ko namang sumunod ito sa akin. “Saan ka ngayon?” Tanong niya.

Dahan-dahan kaming naglalakad sa hallway na walang mga estudyante dahil syempre ako lang naman ang pinalabas at nagkaklase ang lahat ngayon. Pwera na lang sa mga best in banyo.


My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon