Chapter 25

2.6K 123 32
                                    

Agad kong nilapitan si Ehan. “A-anong?..” Kunot ang noo ko habang nakatingin sa kanyang ngiting-ngiting mukha.


Ano ang nakita niya? Yung siya?— I mean yung katawan niya?


Handa na ba ako dito? Handa na ba akong maiwanan niya? Agad ko siyang tinalikuran at di ko alam bakit parang sumisikip ang dibdib ko.



“Huy. Anong—?” Di ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla siyang nagsalita. “Mamaya, Alas dose. Antayin mo ko.” Aniya at nag tila usok na lang sa bilis mawala. Anong... Anong meron mamaya? Tsaka, alas dose pa ng madaling araw? Midnight?


Eh, labasan ng mga multo yun eh. Alas dose hanggang alas tres ng madaling araw, maraming multo.


Napaupo ako sa kama ko at tulalang nakatingin sa bintana. Tila bumabagabag sa akin yung bagay na nakita niya, ano kaya iyon? Wag niya masabi-sabi sa akin na nakita niya na sarili niya dahil hindi pa ako handa.


Alam kong imbes na dapat maging masaya ako para sa kanya ay hindi ko magawa. Selfish na kung selfish pero yun ang nararamdaman ko.


Tatlong malalakas na kalabog sa pintuan ang nadinig ko. “Uy Jell!”. Boses iyon ni kuya. Kunot noo akong napatayo at naglakad tungo sa pintuan para buksan ang mokong. Badtrip to, kung kelan nageemote ako, saka dadating. Tsk, panira.


“Ano yun?!” Saad ko nang bumungad sa akin ang kanyang pag mumukha. “May numero ka ni Jezreel?” Aniya. Napakunot naman ang noo ko.


Nakapamewang ko syang tinaasan ng kilay. “At baket mo hinihingi ang numero niya? May gusto ka sa kanyo noooh?” Mapang-asar kong usal. Wala naman problema kung meron e. Mabait naman si kuya tsaka, nasa mabuting kamay si Jez pag ganun.


Kita ko ang pamumula ng tenga ni kuya at agad na umiwas ng tingin. “May atraso sa akin yung loka-lokang yun.” Aniya. Walang sabing dumeretso si kuya sa kwarto ko at kinuha ang cellphone ko pagkatapos ay may mga pinidot ito saka umalis.


Naiwan akong nakatulala. Anong meron sa kanila?


Rinig kong kumakalam ang sikmura ko, lumabas ako ng kwarto at amoy na amoy ko na agad ang niluluto ni mama. Gutom na gutom na ako. Di nga pala ako kumain ng meryenda kanina, tsk.

“Jell, pakitawag na si kuya mo, kakain na.” Rinig kong saad ni mama. Naglakad naman ako tungo sa kwarto ni kuya, nakaawang ang pinto kaya sinilip ko siya at tila matawa ako sa lawak ng ngiti niya habang nakaharap sa cellphone niya. Kadiring ngiti yun ah.


“Oy, kain na.” Saad ko. At halos matawa ako sa gulat niyang reaksiyon. Umalsa ang balikat niya at agad na nabitawan ang cellphone. “Kumatok ka nga sa sunod.” Inis niya pang sabi. “Bukas e.” Sabi ko pa saka naglakad na papalabas.



Bumaba na ako at dumiretso sa hapag kainan. Tinulungan ko si mama sa paghahain, at nang matapos ay naupo kami. Tahimik ang naging hapunan namin, lahat siguro ay may kanya-kanyang iniisip. Tulad nalang ako.


Teka, kumain na ba yung Ehan na yun?


Madaling natapos ang hapunan namin, at dahil ako ang nakatoka sa paghuhugas ay kasalukuyan akong naghuhugas ng plato. Kokonte lang din naman kaya walang problema. Patapos na ako nang biglang may maramdaman akong malakas na hangin at nung paglingon ko ay agad kong nakita si Ehan na nakangiting masaya.


Ba't parang nasasaktan ako sa mga ngiti niya? Ewan ko.


“Oh? Nandito ka?” Tanong ko pa. Ngumuso naman ito. “Bawal ba? Gutom ako eh.” Aniya. Di ko alam kung matatawa ba ako sa ekspresyon ng mukha niya o maaawa. Para siyang batang inagawan ng lollipop eh.

My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon