Chapter 56

296 28 11
                                    

Mabigat ang aking naging paghinga. Hindi ko maintindihan si kuya kung bakit pati ako nadamay sa away nilang magkaibigan.

Kung may alitan sana sila, ayusin nila. Hindi yung iiwasan nalang nila.

Paano nila maayos kung patuloy silang umiiwas?

Hinawakan ni Ehan ang balikat ko. “Hey, don't worry. Mahal ako ng kuya mo.” Aniya at pinisil ang pisngi ko.

Napatawa naman ako ng mahina.

“Bakit? May relasyon ba kayo noon?” Tanong ko pa habang natatawa at umiiling.

“Just wait and see.” Mayabang niyang sabi. Kahit kelan talaga 'tong taong to eh.

Mabilis lumipas ang oras. Nagpaalam na siyang aalis na kaya naman ay hinatid ko siya hanggang sa bintana namin kung san siya dumadaan.

Di ko alam kung paano niya naakyat itong kwarto ko ngunit mula nang makita ko kung pano siya bumaba ay ngayon alam ko na.

Dumadaan pala siya sa may puno at pilit na inaabot ang aming bintana na may iilang dangkal lang ang layo.

Masyado namang maparaan ang taong to ah?

Napailing nalang ako sa pamamaraan ng kanyang pag punta at pag alis dito sa kwarto. Kapag nahulog talaga ang taong yun, malilintikan talaga siya.

Naupo ako sa kama at napatingala. Di ko kasi maiwasang hindi mag-isip.

Parang kelan lang ah?

Nung una multo siya, tas nung nagising siya ay di niya ako kilala kaya pilit niya akong pinagtatabuyan ngunit ngayon? Naalala niya na ako at tila ba bumalik yung dating siya.

Inaalala ko lang ngayon ay kung ano ang magiging reaksyon ni Jeriche at ni Kuya kapag nalaman ang tungkol sa amin.

Teka, ano ba kami ni Ehan? Kami na ba? Pero di pa siya nanliligaw e. Ewan ko ba.

Biglang tumunog ang cellphone ko, hudyat na may nag text. Nakita kong ito yung tumatawag kanina. Si Ehan.

From: Unknown

I'm home. Anong susuotin mo?

Napangiti naman ako sa tanong niya kaya naisipan kong lokohin siya.

To: Unknown

Turtle neck na croptop tapos shorts. Then high-heels.

Message sent.

Napatawa ako sa sinabi ko. Kung may multo lang siguro na nandito sa kwarto ko, malamang ay maghihinala na iyong may sapak ako sa ulo.

Tumatawa mag-isa e.

Wala pang isang minuto ay may natanggap na akong reply.

From: Unknown

Utot mo Jell. Di ka sumusuot ng mga ganun. Just make sure na komportable ka sa susuotin mo. Call me when you need me.

Namula ako sa text niya. Ito yata yung unang beses na makakatext ko si Ehan since wala naman siyang cellphone nung multo pa siya.

To: Unknown

Okay. Magreready ako :) Text you later.

Message sent.

Yun ang huling mensahe na ipinadala ko sa kanya.

Hanggang ngayon ay parang panaginip lang ang lahat. Hindi ko pa rin lubos maisip kung papaano niya ako naalala ngunit heto na, at nangyari.

Nung araw na nakipagbreak siya kay Coleen kahit na wala namang sila ay doon niya sinabi kung paano niya ako naalala.

Ewan ko ba jan kay Ehan. Bakit kinakailangan pa niyang sabihin na 'Let's break up' kung di naman naging sila talaga?

My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon