Chapter 45

314 34 6
                                    

Kasalukuyan kong pinagmamasdan ang natutulog na Ehan sa bench. Pilit ko siyang ginigising para alamin kung anong nangyari sa kanya. Ngunit ayaw niyang magising.

Marami ang pasa, yung iba ay may dugo pa at di ko alam kung bakit siya meron nito. Maging sa kamay niya ay tila ba punit ang kanyang balat.

Kelangan kong magamutan ito. Kaso di ko siya kayang dalhin sa bahay dahil mabigat siya. Mapayat ako kaya talagang mahihirapan ako.

“Ehan...” Tinapik ko ng marahan ang kanyang mukha. Kasalukuyan akong nakaupo sa gilid niya kaya halos magcramps na ang mga paa ko. “Ehan, bibili muna ako ng mga pang gamot sa sugat mo.” Saad ko pa.

Di naman siguro siya aanuhin dito diba? Hays. Marami rin namang tao dito, tsaka wala namang kahina-hinalang mukha.

“Mabilis lang to Ehan, promise!” Sabi ko pa kahit di naman niya ako naririnig since tulog siya.

Tumayo ako saka pinagpagan ang sarili. Baka may malapit na convenience store dito, doon nalang ako bibili.

Nakakaisang hakbang palang ako ay naramdaman ko ang isang mainit na kamay sa braso ko.

Napatigil ako at sinundan ang kamay na iyon. Dumapo ang mata ko kay Ehan na kasalukuyang nakapikit.

“Don't leave me here.” Aniya habang nakapikit pa rin. Gising siya!

Agad akong bumalik sa pwesto ko kanina para sana interviewhin siya subalit mukhang di pa nito kayang magsalita masyado.

“Ehan, anong nangyari sayo? Ayos kalang ba? O dadalhin kita sa ospital?” Tanong ko pa.

Rinig ko namang huminga siya ng malalim at dahan-dahang idinilat ang kanyang mata. “I'm fine. Nothing to worry.” Saad pa niya. Kinunutan ko naman siya ng noo. “Anong nothing to worry? Eh, puno ka nga ng pasa diyan. Tsk tsk.” Saad ko saka umiling-iling.

Umupo naman ito at hinila niya ako sa tabi niya kaya naman ay ang puso ko ay paramg sasabog nanaman.

“Let's continue, don't waste the night.” Aniya. Kumunot naman ang noo ko.

Anong sinasabi niya jan e halos puno siya ng pasa at sugat. Di ba siya nasaktan? Ano siya? Bakal?

“No, magpahinga ka nalang muna sa inyo. Sasusunod nalang. Mukhang di mo pa kaya.” Sabi ko pa.

Tanga lang e. Gusto pang ituloy e halos, di nga siya makagalaw o makapagalita ng maayos.

“Just please. Continue. It is now or never. Di ako pupunta dito kung ayokong masaksihan ang bagay na gagawin mo. Please, make it worthy.” Mahaba niyang paliwanag.

Inis ko siyang tinignan dahil sa katigasan ng kanyang ulo. Sandaling nagkatitigan kami. Kita kong sincere siya sa mga sinabi niya. Gusto niyang malaman ang gagawin ko. Para san? Para tigilan ko na siya? Gusto niyang malaman agad para di na maextend? Okay. I'll get it.

Bumuntong hininga ako.

“Okay. Tara. Kaya mo bang maglakad?” Paniniguro ko lang. Dahil di ko kayang pagkatiwalaan ang kakayahan niyang kumilos ng marami dahil sa kalagayan niya ngayon.

“Kakayanin.” He said.

Tumayo na ako at inalay ang kamay ko sa kanya. Di ko alam bakit ko yun ginawa kaya naman ay agad ko rin 'tong binawi. Pero laking gulat ko nalang ng hinawakan niya ang kamay ko at pinagsaklop ang aming mga daliri.

Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha at paglakas ng tibok ng puso. Alam ko, di dapat ako mag saya dahil pagkatapos nito ay titigilan ko nang kulitin siya. Pagkatapos nito, ay hanggang tingin nalang ako sa kanya at tamang hintay lang.

My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon