Chapter 31

2.5K 107 18
                                    



Bumitaw ako sa yakap ko at pinunasan ang mga luha sa mga mata ko saka tinignan siya mula ulo hanggang paa. Si Ehan nga! Pero bakit parang may nag-iba? Hayaan na nga. Agad ko siyang hinampas, "Saan ka ba nanggaling ha? Alam mo bang nag-alala ako sayo? Hinanap kita kung saan-saan? Akala ko... akala ko di ka na babalik." Saad ko pa habang tumtutulo ang mga makukulit kong luha.

Pinunasan naman niya ito saka napatawa ng mahina. "Akala mo ba gusto ko mawala sa tabi mo ha? Akala mo ba gusto kita iwan? Tsk." Aniya. Niyakap niya naman ako ng mahigpit, "Mamimiss kita." Saad niya at bumitaw sa yakap. 

Napakunot naman ang noo ko sa kanya. Aalis ba siya? Bago pa ako nakapagtanong ay may sinabi siya sa akin. "May gusto palang magpasalamat sayo." Aniya, taka naman akong napatingin sa kanya at itinuro naman niya ang direksiyon kung saan may isang babae na nakatayo.

Ang babaeng binalaan ako sa janitor's room.

Lumutang ito papalapit sa akin, nakakakilabot. "Salamat" Bulong niya pa at bigla nalang nawala. Naku naman, nakakatayo ng balahibo. Napatingin ako kay Ehan na ngiting-ngiti. Pero may kakaiba talaga sa kanya. 

"Anong nangyari sa katawan mo? Bakit di na singlinaw ng dati? Ba't parang nagfefade ka?" Takang tanong ko pa. Ngumiti lang ito saka ako inakbayan. "Basta. Ang importante sulitin natin ang oras na magkasama tayo." Sabi niya pa. Magsasalita pa sana ako kaso biglang bumukas ang pinto at bumungad si mama.

Kinusot kusot niya ang kanyang mga mata saka kunot noong napatingin sa akin. "Jell? Anong ginagawa mo dito..." Napatingin siya sa kanyang relos "...Alas dose y media pa ng madaling araw ah? May kailangan ka ba?" Aniya. 

Ngumiti naman ako ng alanganin, si Ehan naman kasi eh, ang ingay. "Ah eh Wala po, mag c-cr lang po sana ako." Saad ko saka napakamot sa ulo. "Nasa loob ang cr ah?" Napapikit ako ng mariin.

Ano bang ipapalusot ko? Napalingon ako kay Ehan na ngayon ay makahulugang nakatitig sa akin, nagkibit balikat lang ito. Letse, di man lang ako tulungang mag isip ng palusot. "May sumigaw kasi mama, nagising ako, nakaawang ang pinto kaya sinilip ko na." Palusot ko pa. Sana naman ay maniwala siya. 

Kumunot ang noo nito ngunit nang kalaunan ay tumango lang ito. "Sige, pumasok kana..." Aniya saka bumalik sa kinahihigaan kanina at sumunod naman ako.

Hinanap ng mata ko si Ehan at wala nanaman siya sa likuran ko. Inilibot ko ang aking paningin sa kinatatayuan namin kanina ngunit wala ito. Iniwan nanaman ba niya ako? Malulungkot na sana ako ngunit nakita ko itong nakahiga na sa hospital bed. Naku naman tong multong to, feel na feel.

"Tabi tayo..." Aniya saka tinap ang bed. Nginitian ko naman siya saka tumango. Lumapit ako sa kanya at nahiga sa kanyang tabi.

Hinintay kita na bumalik Ehan...


***


Nagising ako sa init ng haplos na naramdaman ko sa mukha ko. Umaga na pala ngunit antok pa rin ako, Inilibot ko ang mata ko sa buong silid, gising na si mama at inaayos niya na ang mga gamit namin dahil sa wakas makakalabas na rin kami. Wala sa tabi ko si Ehan kaya nabagabag ako bigla, parang anytime mawawala na siya.

Takot na takot ako.

"Oh Jell, gising kana pala?" Nabaling ang atensyon ko kay mama. "Ah, Opo" saad ko pa. Wala si kuya dahil nagpaalam na siya kagabi na may lakad siya ngayon. Kaya ang ending, si mama ang magdadrive at magdadala ng gamit namin. Kuya naman kasi eh, mang-iiwan. Ewan ko ba ba't pinayagan siya ni mama. Tsk.

Medyo okay na ang pakiramdam ko ngayon, di pa nga lang nagaling ang mga pasa at sugat na natamo ko dahil sa insidente. 

Pumunta ako sa banyo upang magbihis. Syempre di raw ako pwedeng maligo sabi ng doctor, tsk. Di pa naman ako sanay na di ako naliligo, feel ko kasi ambaho ko at anlagkit ko.

Pagpasok ko sa may comfort room ay muntik na akong mapasigaw dahil sa multong mushroom. Bigla-bigla naman kasing susulpot ang mokong. "Anong ginagawa mo dito?" Pabulong ngunit may diin kong sabi. Ngumisi naman ito na para bang may binabalak na masama. "Bibihisan ka." Aniya. Nanlaki ang mata ko at hinampas ko siya. 

Nakapagtataka lang, di ko na siya nahahawakan. Lumagpas lang ang kamay ko. Nawala ang ngisi niya at napalitan ito ng seryosong mukha. Takang napatingin ako sa kanya.

"Labas tayo mamaya ah?" Aniya at tinap ang ulo ko. Bago pa man ako makapagsalita ay nawala na siya sa paningin ko. Nakakapagtataka na kagabi lang ay nayakap ko pa siya pero ngayon ay hindi ko na siya mahawakan.

Anong nangyayare?

Nang matapos akong magbihis ay lumabas na ako. Nakaupo si mama sa couch habang nagseselpon. Obvious na hinihintay niya nalang ako na matapos para makauwi na kami. "Ma." Tawag ko pa para makuha ang atensyon niya at iparating na okay na. Lumingon naman ito at ngumiti. "Are you ready?" Tanong pa niya. 

Tumango naman ako bilang sagot. "Let's go." Ani mama at binitbit ang mga gamit namin. Tutulungan ko n asana ngunit ayaw niya dahil kaya niya naman daw. Hinayaan ko nalang at di na nagpumilit pa.

Mabilis ang naging byahe kaya nakauwi kami agad. Dederetso sana ako sa kwarto ko ngunit sinalubong naman kami ng pinsan kong si Ayelle. Ewan ko ba ba't andito yan e dapat nasa restau siya ngayon at tumutulong. "Welcome back Jell!" saad pa niya sabay yakap sa akin. 

Medyo umiwas ako sa kanya dahil baka masagi niya ang sugat ko. "Yung sugat ko ah." Paalala ko pa. "Ay hehehe" Nag peace sign naman ito saka bumitaw. "Tita, tulungan ko na kayo." Pagbaling niya pa sa mama ko, "Magpahinga kana Jell." Saad pa niya sa akin. Nginitian ko naman siya. Himala ang bruha, mabait ngayon.

Pumunta na ako sa kwarto at nahiga. Ba't ba nangyayari sa akin to? Dati naman ang tahimik ng buhay ko, halos paisa-isang multo lang nakakasalamuha ko, pero ngayon? Halos naitaya ko na ang buhay ko. Ganun pa man, di ako nakakaramdam ng takot dahil kay Ehan.

Natatakot na ako.

Di dahil sa multo o dahil mapahamak ako, kundi dahil baka isang araw ay wala na si Ehan at di na siya babalik.

Kakayanin ko ba?

"Pst, Jell!" Napaligon ako sa bintana at agad na lumitaw ang mga ngiti ko sa labi. "Ehan!" sigaw ko pa na tila ba naeexcite. Napatayo ako at bitbit ko pa ang unan. Naglakad ito papalapit sa akin habang ako nama'y hinihintay na makarating siya.

Nang magkaharap na kami ay nabitawan ko ang unan ko dahil sa ginawa niya.

Hinalikan niya ako. Isang mainit na halik ang pinaramdam niya sa akin...

A/N: Konte lang muna for now, di ko kasi alam kung okay pa tong kwento ko, pero gusto ko lang gumawa. Hope maenjoy pa rin ng mga mambabasa ito. Thank you!

My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon