Chapter 10

3.3K 160 16
                                    

[A\N]: This Chapter is dedicated to
mjezc04 And also to you readers.

____________________________________

Ehan’s Pov

Kasalukuyan kaming nasa emergency room. Ginagamot na ang mga sugat na natamo ni Jell. Ngunit ang kinaiinis ko lang ay kung bakit nandidito ang mga pulis at walang tigil na ini-interrogate si Jell. Ayaw ba nilang papahingahin yung tao? Multuhin ko sila diyan eh. Makikita nila!

Buti nalang at di masyadong grabe ang natamo ni Jell pero pag nalaman to ng nanay niya lalo na yung kuya niyang pareha niyang may sapak sa ulo, naku! This is war.

Bwesit kasing mamang yun! Killer pala.

Habang nasa baba at nakikipag usap kasi si Jell sa lalaking yun ay naglibot-libot ako sa bahay niya. Nagulat nalang ako nang biglang may sumulpot na bata sa harapan ko. Katulad ko rin itong multo, at nasundan pa ng isang babae na tingin ko ay ina ng bata hanggang sa nagsilabasan na ang mga multong hindi bababa sa lima.

Mga mata nila’y sumisigaw ng hustisya.

“A-anong nangyari sa inyo? Ba’t andami niyo pang hindi nakakaalis sa lupa?” Lakas loob ko silang tinanong. Eh sa pag kakaalam ko, ako lang yung multong medyo takot sa multo. Pero medyo lang ah? Baka isipin niyo pang nababading ako.

“Pinatay niya kaming lahat! Pinatay niya kami!” Sigaw nung nanay nung bata. Nakita ko kasi yung bata at ‘tong babae sa isang litrato kasama ang lalaking kausap ni Jell.

“Teka, papaanong?..” Bakit niya naman papatayin tong mga to? Ano bang kasalanan nila at pinatay sila?

“Drug user siya, at isang araw napasobrahan. Napagkamalan niyang lalaki ko ang pinsan ko..” Turo niya sa lalaking nasa gilid niya. “Kaya pinatay niya ito gamit ang itak. Binugbog niya ako at kinulong sa isang aparador hanggang sa ako ay bawian ng buhay. Pati ang anak ko ay idinamay niya sa kanyang kalapastanganan.” Saad nung babae.

Nakinig lang ako dahil mukhang mahaba-habang kwentuhan ang mangyayari ngayon.

“..Mula nun ay di na kami natahimik. Araw-araw ay may dinadala siyang babae at kanya itong nirarape.” Tinignan niya ang mga babaeng nasa likuran niya. “..nadadamay ang mga inosente. Pumapatay siya ng babae dahil nasa isip niya ay, mangloloko lang ito. Maging lalaki ay pinapatay rin niya dahil lagi niyang naaalala ang pinsan ko at ako.” Ani nung babae at yumuko. Ano ba kasing ginawa nila nung pinsan niya at ganun siya kagalit?

“Ano ho ba ang ginawa mo at pinsan mo? Bakit galit na galit siya?” Wala eh, masyado kasi talaga akong nacurious.

“.. Anniversary ng pinsan ko at ng kanyang girlfriend, magpopropose nga sana siya sa girlfriend niya. Nagpatulong ang pinsan ko sa akin, eh saktong kakatapos lang niyang gumamit ng droga sa mga panahong iyon kaya di niya nakilala ang pinsan ko. Napagkamalan niya itong kabit ko.”

Napakawalang kwenta!

Kung drug user pala iyon at pumapatay, mapababae man o lalaki, bata man o matanda edi, nanganganib ang buhay ni Jell? Kailangan ko siyang puntahan. Tumayo ako.

“Iligtas mo ang kaibigan mo.” Sabi pa nung ale. Tumango lang ako nun saka pinuntahan ang takot na si Jell dahil sa may nakitang tenga ng tao sa lugaw.

Habang sinusumbong niya yun sa akin ay di ko alam kung matatawa ba ako sa reaksiyon niya o mandidiri. Di kasi maexplain ang itsura niya nun eh.

“Tapos? Ano pang mga nangyari?..”

Aba'y kanina pa ‘tong pulis na to ah! Ayaw tumigil kakatanong eh, di na makapagpahinga ng maayos yung tao eh. Kita na ngang pag dumating yung nanay at kuya ni Jell ay tatanungin nanaman siya ulit. Mabatukan nga.

“Aray. Sino nambatok sa inyo?” Tanong ng pulis na masyadong matanong sa dalawa pa niyang kasama na nakatayo sa kanyang likuran.

“Di po ako..” Sabi nung mapayat na matangkad. “Di rin po ako sir.” Sabi naman nung pandak na mataba. Bumaling ulit yung pulis na mataba at matangkad kay Jell upang magpatuloy sa pagtatanong. Mabatukan nga ulit.

“Ano ba! Sino nambatok?.” Lingon niya sa dalawang pulis. Nagkaturuan ang dalawa kaya natawa ako. Napasulyap ako kay Jell at ngayo’y masama na ang tingin sa akin kaya napayuko ako. Pero teka? Pa’no ko sila nabatukan gayong di ko naman nahahawakan yung killer? Masyadong palaisipan ito.

Sumenyas ako kay Jell na aalis na muna. Baka kasi magalit nanaman yun kung bigla nalang ako mawawala. Ang baba pa naman ng pasensya niya. Gusto ko munang mapag-isa, masyadong naging palaisipan sa akin ang pagkatao ko.

Jell’s Pov

**

Nakakatakot. Nakakaawa. Sumisigaw sila ng hustisiya. Papalapit na siya, ang taong nagnakaw ng kanilang kaligayan, dala-dala ang isang matalim na kutsilyo.

“Tumakbo ka na!” Sigaw ni Aling Lory. Kanyang asawa na sinabihang sasamahan sa hirap ang ginhawa ngunit sa huli pala ay siya lang ang giginhawa.

Nakita niya akong nakatago sa ilalim ng mesa.

“Huli ka!”

“Aaaaaaah. Wag.”

“Jellay! Gumising ka”. Napabangon ako bigla nang marinig ko ang boses ng aking ina. Lumuluha ako habang niyayakap niya ako. “Shh. Tahan na, ligtas kana.” pagpapatahan niya sa akin. Dahan-dahan akong humiwalay. Nananaginip lang pala ako. Napanaginipan ko yung nangyari kanina.

Naalala ko naman ang mga pangyayaring di ko inaakalang mangyayari pala. Buong buhay ko ngayon lang ito nangyari eh. Ngunit sa kabilang banda, natutuwa ako dahil may mga napalaya akong mga kaluluwang matagal ng nakakulong sa nakaraan at patuloy na sumisigaw ng kalayaan at hustisiya.

“Nagugutom ka na ba?” Tanong ni mama. Medyo kumalam naman ang sikmura, kaya napatango ako. Masyado akong napagod dahil kanina at sa kasasagot sa mga katanungan ng mga pulis na iyon. Tss.

Tumango ako upang sagutin ang tanong ni mama.

Inilibot ko ang paningin ko at wala pa si Ehan, nahagip naman ng mga mata ko si kuya na natutulog sa sofa. Huwaw ah? Himbing ng tulog! Nahiya naman ako.

Nilapitan ni mama si kuya. “Oy. Jhalle. Gumising ka.” Sabay palo ni mama sa paa ni kuya. “Hmm.. Mamaya na.” Sabi pa ni kuya. Napailing naman ako, masyado ‘tong ano eh. “Ano ba, Jhalle. Gigising ka o pipingutin ko tenga mo?” Ani mama. Napatawa naman ako ng mahina. Walang wala tong ibubuga kay mama eh. Napabangon si kuya.

“Oo na. Ano Ma?” Saad ni kuya at napakamot pa sa kanyang batok. “Bumili ka sa labas ng makakain.” Utos pa ni mama. Hah! Por da pirs tym, sinunod ni kuya si mama. Pag inuutusan kasi si kuya ay sa’kin niya inuutos. Porke mas matanda lang siya eh. Tumayo si kuya at kamot ulong lumabas sa room ko.

Masyado nang maraming nangyari sa araw na’to. Kelangan ko munang ikain to, nakakagutom. Buti nalang at may kaibigan akong multo, di tuloy sa morgue ang bagsak ko. Nasaan na kaya yun?

Someone's PoV

“How is he Doc?.” Tanong ko pa habang nakatingin sa boyfriend kong nakaratay sa kanyang bed.

“He’s fine. Wala na masyadong dapat ipag-aalala.” Sabi ni doc. I hoped magkasama na tayo ulit. I miss you na.

A/N: Thanks for reading. "Stranger's Love" po. Sana ay support niyo. Thankies.

My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon