Chapter 1

10.5K 314 22
                                    

"Alam kong nakikita ako neto eh.. Sandali nga." Rinig ko pang bulong ng multo dito sa toilet ng school habang paikot-ikot na pinagmamasadan ako. She's a girl, wearing the old filipino fashion.

Hindi ako nagpahalatang nakikita ko siya kasi baka may kung anong gawin siya sa akin. Nagpanggap lang akong nag-aayos ng buhok dahil di naman ako nakamake-up kaya di ako pwedeng magpanggap ng nagreretouch, at isa pa, Hindi rin naman ako marunong.

Ngunit ilang saglit pa nang malimutan ko ang presensya niya ay isang malakas na pambabatok ang natanggap ko galing sa pesteng multong to kaya hindi na ako nakatiis at tuluyan na siyang pinansin.

“Aray ano ba?!” Pasigaw ko pang sabi. Mabuti nalang at ako lang ang tao ngayon rito. “Sabi na nga ba't nakikita mo ako eh.” Aniya at ngumiti.

Gosh! She looks so creepy with her smile. Nagsitayuan tuloy balahibo ko.

“Anong ba kasing kailangan mo?” Inis na tanong ko habang patuloy pa ring nakatingin sa repleksiyon ko sa salamin.

Inaamin ko, sa pagkakataong to medyo natatakot nako. Eh ikaw ba naman kausapin ng multo di ka ba matatakot? And worst? Nakikita ko pa sila.

“Okay na sa'kin ang malinisan lang ang aking lapida, kay tagal na kasi akong di dinadalaw eh.” Ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga boses. Alam kong isa sa kinakatakutan ng mga yumao ang sila ay kalimutan ng mga taong malalapit sa kanila.

“Geh. Ako na bahala.” Seryoso kong sabi. “Talaga? Salamat! Angelie Ramirez po ah? Sa public cementery po ako nakalibing ah? Bye po.” Saad naman ng babaeng multo. Demanding ah.

Wala na akong maramdamang presensya niya, siguro ay umalis na. Haysh, ayan tuloy pupunta pa akong sementeryo para maglinis ng lapida. Psh.

Matapos ang paguusap namin sa comfort room, ay bumalik na ako sa aking silid para tapusin ang natitirang subjects.

Nang makarating na ako sa room ay naupo na ako sa'king upuan sa may bandang likod. May iilang naririnig kong pinaguusapan nanaman ako. Mga Tsismosa. Magagawa ko kung ganito ako? Psh. Bahala nga sila kung ano ang gusto nilang isipin.

Sa katunayan nga ay wala akong kaibigan ni isa at sa upuan ko naman ay wala ring gustong tumabi. I don't need them anyway. Kaya ko namang mabuhay ng wala sila.

Tsaka, haka-haka lang naman nila yan. Di nga nila inalam kung totoo ba o hindi. Ako lang naman nakakaalam kung anong totoo. Kahit sila kuya o sila mama, di alam na kaya kong makakita ng multo.

Nakinig nalang ako buong klase at hinihiling na sana uwian na. Napakaboring naman kasi, inaantok na ako at gutom pa.

Pupunta pa akong Public Cemetery mamaya para linisan yung lapida nung babaeng multong Angelie raw yung pangalan.

Ten years old ako nang malaman ko ang kakaibang abilidad ko na di kayang gawin ng ibang tao.

Nakakakita ako ng mga multo at nahahawakan ko sila, Hindi ko alam kung papaano nangyari yun eh. Matalas rin ang aking pandinig kaya naririnig ko sa bawat pag ihip ng hangin kung naririto ba sila o wala.

Nalaman ko nalang ang abilidad ko nung mamatay si Lola. Di naman kami gaanong close kasi nakakatakot kaya pagiging istrikto niya ano? Yung tipong papatayin ka ng mga superstition belief niya alam niyo yun? Hay.

Ganito kasi yun, habang iniintay naming malibing si Lola ay may naririnig akong hagulgol. Hagulgol ni Lola

“Janice anak, ayoko pa sana kaso di ko na kaya eh.” Saad nung boses ni Lola. Medyo kinilabutan na ako nun ikaw ba naman makarinig ng ganyan di ka ba kilabutan?

My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon