Chapter 53

272 29 5
                                    

“Ahhh!”

Agad akong napatakbo sa kwarto ni kuya nang makarinig ako ng isang malakas na sigaw mula sa kanya.

“Bakit? Anong nangyari?” Tanong ko pa nang makarating doon. Nakita ko siyang nakatayo sa harap ng kanyang salamin at tulalang nakatingin doon.

“Hanggang ngayon, mukhang bading pa rin ang gago.” Napalingon ako sa may gilid ko. Nandun pala si Alyana at pinagmamasdan ang kuya ko.

Oh, I almost forgot. May past nga pala silang dalawa. So I guess, dinalaw niya ang kuya ko sa huling sandali ng oras niya dito sa lupa.

Di ko alam kung matatawa ako sa reaksyon ng kuya ko, o gagalitan si Alyana dahil tinakot niya kuya ko kaya napailing na lamang ako.

Lumapit ako kay kuya at marahan siyang hinawakan sa balikat ngunit pati ako ay mapatalon ng sumigaw ulit siya. “Ahhh! Ba't ka ba nanggugulat?!” Aniya.

Humagalpak ako sa tawa. Pati si Alyana ay tumatawa na rin. Ang bading ng kuya ko tignan.

“Kanina pa ako dito. HAHAHAHA!” Saad ko naman at di pa rin tumitigil sa pag tawa.

Hinawakan ni kuya ang kamay ko at hinila ako sa tabi niya nang hindi man lang tumitingin sa akin. Tutok na tutok siya sa salamin na may sulat gamit ang isang lipstick.

“Tignan mo 'to, sulat kamay to ng kakilala ko.” Saad pa niya. Lumingon ako kay Alyana. Tumango naman ito.

Di alam ni kuya na kilala ko si Alyana, ang first love niya. Di niya pinakilala sa amin kaya di niya magawang sabihin sa akin ngayon kung sino yung kakilalang iyon.

“You know kuya, nakakakita ako ng multo di ba?” Tanong ko pa. Nilingon niya ako at kunot ang kanyang noo. “What do you mean?” Aniya. Nginitian ko naman siya.

“Di naman effective yung quack na albularyo ba o mangkukulam na binayaran mo para mapasara ito e.” Tumawa ako kaya sumimangot naman siya.

“Laki ng gastos ko, tapos niloko lang ako?” Simangot niyang sabi. Napailing na lamang ako at natawa. Nagsalita siyang muli.

“Nakikita mo siya?” Aniya at nakatingin sa salaming may sulat na, 'Let's meet in our next life. But for now, love her more than you loved me.' I know Alyana is pertaining to Jez. Nakita niya yatang may something ang dalawa.

“Oo, and she's here with us.”  Nginitian ko naman si kuya. Nag-iba ang kanyang emosyon. Tila ba lumambot ito at parang bibigay na ang kanyang luha.

Tumingin ito sa salamin. “Alyana, kung naririnig mo man to, I'm so sorry. I should've protected you.” Aniya at may kumawalang luha sa kaniyang mga mata. Ngayon ko lamang nakita ang kuya kong nasasaktan ng ganoon.  Malamang ay, mahal na mahal nila ang isa't-isa.

“It's too late. Wala ka na nang makarating ako. I'm so sorry.” Dugtong pa niya at napaluhod. Lumapit si Alyana sa kanya habang may mga luha ring pumapatak sa kanyang mga mata.

Di ko alam kung aalis ako o ano, pero ako kasi ang magrerelay ng message ni Alyana para sa kuya ko since di niya ito nakikita.

“She's hugging you right now.” Saad ko pa. Napayuko naman si kuya. Di ko man alam kung anong meron sa kanila nila noon, pero isa lang nasisiguro ko, mahal na mahal nila ang isa't-isa.

“It was 4 years ago pero masakit pa rin Alyana. I miss you so much.” Saad ni kuya.

Halos apat na taon si Alyanang pagala-gala dito?

Dalawang taong binantayan niya si Ehan bago ang aksidenteng nangyari sa kanya at dalawang taon rin niyang binantayan si Ehan nung macomatose ito.

Imagine kung gaano kahirap iyon sa kanya na hanggang ngayon ay di pa rin siya tumatawid sa liwanag dahil hindi pa rin niya nakakamit ang hustisya sa pagkamatay niya!

My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon