Chapter 6

4.9K 198 23
                                    

“Uyyy. Saan mo nalaman yung 'Bumili ng groceries na magkasama,' ah?” Tanong ko pa kay Ehan. Kasalukuyan pa kaming nasa parking lot, nakatayo't nag-uusap. “Uhm. Doon sa librong hiniram ko? Things to do mo pala yun eh with your boyfriend” Aniya tsaka nagkibit balikat.


Tsismoso.


“Tss. Pakialamerong multo.” Usal ko pa saka sumakay sa scooter. Napatingin ako kay Ehan na nakatayo at walang kibo. “Oh? Maiiwan ka dito?” Pagpupuna ko pa. Mukhang walang balak umalis eh, ano? Napamahal ang parking lot sa kanya? Tsk.




“Sasakay ako diyan?” Tanong niya pa na tila di makapaniwala. “Kasya naman tayo dito eh. O takot kang sumakay?” Saad ko pa at naglaro naman ang mapang-asar na ngiti sa aking mga labi. “Tss. Di na. Mauuna na ako sa iyo” Aniya at bigla namang nawala na parang bula.


Problema nun? Biglang namutla eh. Ay, multo na nga pala siya kaya maputla. Ano bang utak meron ako? Tss.

Pinaandar ko na ang scooter at nagsimula nang imaneho ito.




**

Fish tea! Traffic naman oh! Maski ako, di makasingit. Ang init pa ng araw. Ano bang meron at halos di umuusad ang mga sasakyan?


“Hey!” Napatingin ako sa tumawag at kung sinuswerte ka nga naman oh, si Jeriche. Ngumiti siya, shemay. Ang gwapo! Nginitian ko rin siya na halos singtamis na ng sampalok. Hakhakhak!


“Saan ka ngayon?” Tanong niya pa habang nakasandal ang arms niya sa bintana ng kanyang kotse. “Uhm, nandito nakasakay sa scooter?” sagot ko pa. Paano ba naman tinanong niya kung asan ako ngayon, eh malamang nandito kausap niya. Tumawa naman ito. “You're funny..” Bakit mukha ba akong clown? Loko to ah? “.. What I mean is, saan ang punta mo?” Aniya.


“Ah. Pauwi ng bahay. Ikaw?” Buti nalang at traffic. Nakausap ko tuloy ang ultimate crush ko. Hihihihi! Ang bait niya.  “Ah, susunduin ko si Coleen.” Napasimangot naman ako bigla sa sagot niya. Sino si Coleen? Girlfriend niya kaya yun? Ilang taon na kaya sila? Nagkiss na kaya sila? Ew. Erase! Ano bang pinag-iisip ko.



“Ah. Sige nagmamadali kasi ako. Bye.” Letse siya. Siya na may love life! Humanap ako ng masisingitan at nagtagumpay naman ako. Maiwan nga siya jan sa traffic na nakamamatay. Nagshortcut ako ng way na kung saan one way lang at hindi matraffic.



Mabuti nalang at di gaanong malayo ang daan na’to papunta sa bahay kundi magsasayang lang ako ng maraming gasolina. Hayst.



Nang makarating ako sa bahay ay nadatnan ko sa labas ng gate si Ehan na nakasandal at nakapamulsa. Mukha tuloy siyang model ng gate. “Tagal mo!” Aniya na parang naiinis—o nainis talaga siya sa kahihintay? Eh bakit, sinabi ko bang antayin niya ako?



“Ba’t di ka pa pumasok?” Tanong ko pa nung makababa ako sa scooter saka binuksan ang gate para makapasok. “Nandoon kasi kuya mo eh.” Aniya. Napakunot naman ang noo ko. Ano ngayon kung nandoon si Kuya. “Ngayon? Wag kang feeling oy. Di ka nakikita nun.” Saad ko. Bumalik ako sa scooter ko at minaneho ito papasok sa garahe.


“Tss. Kanina pa ako nasa loob uy. Lumabas ako kasi antagal mo.” Depensa niya pa. Nagkibit-balikat na lamang ako. Kinuha ko ang mga pinamili ko saka dinala ito sa loob ng bahay. Nadatnan ko naman si kuya na nanonood ng tv. NBA. “Uy nag tres si Westbrook! Pasoook!” Sigaw pa niya. Adik, ang ingay niya. Ni hindi man lang niya napansin na dumating ako.



Dahil may naisip ako, ay tumayo ako sa harap ng TV kaya naharangan ko ito. “JELLAY! ALIS!” Sigaw pa niya. Para tuloy siyang si Tarzan. Hahaha! Imbes na umalis ay nagsayaw pa ako. Ang sarap niyang inisin eh. “ASDFHAKAH! ALIIIIS!” Tumayo na siya at tinulak ako paalis ng tv ngunit patuloy pa rin ako sa pagsasayaw.



“Pwede kana sa Got talent Jell.” Rinig ko pang sabi ng isang pamilyar na boses. Si Ehan. Mabilis pa sa alas kwatrong napatigil ako. Napatingin ako sa kanya, nakatayo ito't nakasandal sa pinto at tumatawa. Bigla tuloy akong namula dahil sa hiya. Ba't ang gwapo niya sa posisyon niya? Aysh. Erase erase.


“Oo na!” Saad ko pa saka dumiretso sa kusina. Letse. Nalimutan kong di lang pala kami ni kuya ang tao. Narinig ko namang may mga sumunod na yapak tungo sa kinaroroonan ko. Napatingin ako sa pinto at dun lumusot ang tumatawang Ehan.



“Tumigil ka nga diyan. Di kita pakakainin.” Panakot ko naman. Naupo siya sa upuan nang tumatawa pa rin. “Mahirap pigilan ang tawa Jell. Nakakautot. ” Aniya. Tinignan ko lang siya ng masama. Kung may rehab sa multo, ipinasok ko na ito.



Inilabas ko ang mga ingredients ng Spaghetti na binili ko. Yun nalang ang lulutuin ko para mabusog naman ako. Tutal marunong naman akong magluto.



**


“Ayun! Sa wakas, makakakain na rin ako. After 100 years of hunger.” Aniya. Nilagyan ko siya ng Spaghetti sa isang malaking lalagyan. Isandaang taon daw siyang gutom eh. Naglagay naman ako sa isang maliit na platito dahil medyo nagugutom ako.


Paano naman kaya to makakain? Kaluluwa siya eh. Bago ako sumubo ng sa akin, ay pinagmasdan ko muna siya. Para lang din siyang ordinaryong tao ang kumain. Ang galing!


Maya-maya pa ay biglang dumating si kuya sa gitna ng pagkain namin, nakatingin ito sa akin na tila nagtataka.


“Mauubos mo ba yan? Isang malaking plato at platito? Ano meron? Sa kuripot mong yan bigla kang nagpa spag?” Aniya habang kumukuha ng plato. Kakain din siguro. Napatingin ako kay Ehan, paano siya makakakain? Makakakita si kuya ng lumulutang na tinidor pag nagkataon.


“Ah.. Naisipan kong magpataba eh.” Saad ko naman. Buti nalang at hindi mo siya makakakitaan ng paghihinala. “Hingi ako nito ah? Dun lang ako kakain sa may sala.” Pagpapaalam pa ni kuya na tapos nang kumuha ng spag. Nagpaalam pa siya.



Lumabas na si Kuya, at naiwan naman kami ni Ehan. Tahimik kaming dalawa, nasarapan ata sa luto ko eh. “Tahimik ah? Masarap diba?” pagbasag ko pa sa katahimikan. Taas baba ang kilay kong binigkas iyon. Napatingin naman siya sa akin. “Ang alat nga eh.” Ani Ehan. Wow ha? Maalat daw? “Pero naubos mo naman? Tss.” Sabi ko pa sa mapang-asar na tono. “Gutom ako eh.” Depensa pa niya. “Asus! Ayaw pa aminin” Sabi ko pa. Napadaan naman ang tingin ko sa pinto at napatigil ako.


“Kuya? A-anong..” Usal ko pa nang makita siyang nakatayo, nakanganga at nakatulala sa pinto. Lumapit ito sa akin at hinipo ang noo ko. “Jellay, kelan pa?” Tanong niya. Napakunot naman ako ng noo. Anong pinagsasabi nito?

Mas lalo akong nabigla nung niyakap niya ako at napaiyak siya. Hala! Anyare kay kuya?


“Ba’t di mo sinabi sa amin? Nagkulang ba kami?” Aniya. Inalis ko naman ang kamay niyang nakayakap sa akin. “Teka teka, ano bang pinagsasabi mo?” Tanong ko pa. Adik na tao to.


“Papatawag ako ng psychiatrist. Gagaling ka Jell. Gagaling ka.” Aniya. Napailing nalang ako. “Gags. Hindi ako baliw!” Saad ko pa saka tumayo. Dahil tapos na si Ehan ay sinenyasan ko siyang sumunod sa akin. “Ikaw na magligpit niyan kuya ah? Muah!” Sabi ko pa saka iniwan ko ang di makapaniwalang adik.


Nang makarating kami sa kwarto ay naupo ako sa kama ko at si Ehan naman ay sa upuan ng study table ko. “Sabi mo after nating kumain, sasabihin mo anong pakay mo. Ano yun?” Deretsahang tanong ko pa.


Umayos siya nang upo at deretsong nakatingin sa akin. “Kailangan ko ng tulong mo.” Aniya sa seryosong boses. “Tulong? Anong klaseng tulong?” Takang tanong ko pa. Paglilinis nanaman ba to sa sementeryo?


“Tulong na ikaw lang ang may kakayahang gumawa..”

To be continue..

My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon